Diary of A Ten-Year-Old Marriage (Chapter 9A)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“ANO ang naramdaman mo kaninang nakita mong may ibang kasama si Derek?” usisa ni Frank kay Jessica nang nasa restaurant na sila.

“Wala,” tugon niya.

“Wala? Hindi ka man lang nakaramdam ng kahit kaunting selos?” muli nitong tanong na tila nananantiya.

Umiling siya kasabay ng pagkikibit ng balikat.

“Don’t you love him anymore?”

Ibinaba niya ang mga kubyertos at saka ito hinarap. “Ano ang gusto mong marinig, Frank?”

“You called me honey just a while ago in front of your husband…”

“Ex–husband…” pagtatama niya.

“Ex–husband, all right. Pero bakit, Jess? Bakit mo ginawa iyon? Gusto mo siyang pasakitan?” diretsang tanong nito na bahagya niyang ikinairita.

“Ginawa ko iyon para lang ipakita kay Derek na hindi na ako apektado kung may Monique man siya. Hindi ko gustong makaramdam siya ng guilt dahil lang nakita ko silang dalawa. If you feel like being used, I’m sorry, Frank. I promise you, I won’t do that again.”

Kumilos ang kamay ni Frank at humantong sa ibabaw ng isa niyang palad.

“I love you, Jess…”

Natigilan siya sa narinig. Hindi niya inaasahang magtatapat nang ganoon kabilis ang lalaki. She truly enjoyed his company but she’d never thought he would love her that soon.

“I know what’s running in your head, Jess. Pero mali ang iniisip mo. Noon pa man ay gusto na kita. The first time I saw you, sinabi ko na sa sarili kong tulad mo ang pakakasalan ko. Sobra ang pagkainggit ko kay Derek dahil mayroon siyang isang gaya mo na handang ipagkaloob ang lahat para lang sa taong minamahal.”

“Frank…”

“Derek was so stupid to have let you go, Jess. And I won’t be like him if you’ll accept me. Kapag nagpakasal tayo ay pag–aaralin ulit kita. Matutupad mo pa rin ang mga pangarap mo. Hindi kita pipigilan sa ano mang nais mong gawin.”

Napatingin siya sa kamay nito na nagkukulong sa kaniyang palad.

“I don’t know what to say…”

“Just say yes.”

Napailing siya. Kaya ba niyang pumasok sa isang relasyon nang ganoon kadali? Sa bagay, kung si Derek nga ay nagsasaya na sa buhay nito, bakit hindi siya? Why couldn’t she just move on with her life?

“I’m still very much married, Frank. Wala pa akong karapatang makipag–commit sa’yo,” aniya na nakahanap nang maidadahilan sa lalaki.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Frank pero hindi pa rin binitiwan ang kaniyang kamay.

“I understand. Bukas din ay kakausapin ko ang abogado ko at kokonsulta tayo tungkol sa annulment. Tutulungan kitang makalaya sa kasal mo kay Derek,” masigasig nitong sabi.

Sa isang banda ay napahanga siya ni Frank. Bukod sa pagiging maginoo ay matiyaga rin ito. Hindi agad nag–iinit ang ulo nito sa mga bagay–bagay, hindi tulad ni Derek.

Derek againcould you please stop comparing people to your ex- husband, Jessica?

Napailing siya sa sarili sa isiping iyon.

TUMUPAD sa ipinangako si Frank. Kinabukasan ay inanyayahan siya nitong kumain ng dinner sa labas. Hindi niya sana ibig sumama dahil may usapan sila nina Dorie at Rina pero naging mapilit ito. May importante raw itong sasabihin sa kaniya. Sa huli ay nag-text na lang siya sa mga kaibigan at sinabing sa susunod na araw na lang sila magkita–kita.

Habang kumakain ay ibinalita agad ni Frank ang tungkol sa resulta ng pakikipag–usap sa lawyer nito. Marami sa mga katanungan niya ang nasagot nito nang maayos. Gayon man ay hindi niya alam kung paanong ipakikipag–usap iyon kay Derek.

“Frank, don’t you think it’s too soon to file for annulment?” tanong niya.

“Mas mainam ngang habang maaga ay maisagawa na ito habang sariwa pa ang lahat ng pangyayari sa pagitan ninyong dalawa.”

“What do you mean?”

“Ikaw ang aggrieved party rito, Jess and you should be the one to file the case.”

“Pero…”

“Nothing to worry, sweetie. I’ll take care of everything. Tutulungan kita sa lahat ng aspeto hanggang makuha mo ang kalayaan mo.”

Wala na siyang naisagot sa sinabing iyon ni Frank. Nang ilatag nito ang plano tungkol sa mga susunod nilang hakbang ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkabalisa. Talaga kayang ganoon ang pakiramdam ng isang taong nakatakdang magsumite ng kaso laban sa sariling asawa?

NANG araw na iyon ay hindi pumasok si Derek kaya hindi niya ito nagawang kausapin. Nagtaka siya dahil sa loob ng halos isang buwan niyang paglilingkod sa kompanyang iyon ay ngayon lang niya hindi nakita si Derek. Hindi naman kasi ito mahilig lumiban sa trabaho kung hindi rin lang may dinaramdam ito sa katawan.

Hindi kaya may sakit ito? Agad siyang nakadama ng pag–aalala pero mabilis din iyong napalis nang sumagi sa isip niya ang posibilidad na baka napuyat lang ito sa pakikipagharutan sa butiking si Monique. Tuloy ay natabunan ng inis ang pag–aalala niya at dahil doon ay natamad na siyang magtrabaho.

Naging kainip–inip ang araw para sa kaniya. Pakiramdam niya ay walang kasigla–sigla ang lahat sa kaniyang paligid. Maging si Frank ay nahalata rin ang katamlayan niya at idinahilan na lang niyang may hindi siya magandang nararamdaman sa katawan. Nang oras na nang uwian ay tumanggi siya sa imbitasyon ng lalaking kumain sa labis. Naunawaan naman siya nito at binilinan na lang na maa-gang matulog upang makapagpahinga.

Nang sumunod na araw ay hindi pa rin pumasok si Derek kaya nag–alala na siya. Paano kung naglasing pala ito at binangungot na? O kung pinasok ito ng masamang loob at pinatay na? Sa naisip ay agad siyang nag–iba ng destinasyon. Sa halip na dumiretso papunta sa opisina ay sumakay siya ng bus papunta sa bahay na dati niyang inuuwian.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Diary of A Ten-Year-Old Marriage (Chapter 9A)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?