In Bed with Him (Chapter 13)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

NANG makalabas si Miss Blesilda ay dali-dali siyang nag-ayos ng sarili. Nagpahid siya ng face powder at lip gloss saka sinuklay ang buhok. Nag-spray din siya ng cologne. Masama ang kanyang pakiramdam pero kailangan niyang magmukhang lively sa harap ni Trevor. Hindi rin nito dapat mahalata na apektado siya ng namagitan sa kanilang dalawa. She brainstormed herself of some possible questions he would ask. Lahat naman ng mga updates ay in-i-email niya kay Archie at palagi itong naka-CC ngunit ni hindi naman ito nag-reply o comment kahit minsan sa mga emails niya. Kaya inisip niyang ipinaubaya na nito nang tuluyan kay Archie ang proyekto.

Mayamaya pa’y nakatanggap  na siya ng tawag mula kay Miss Blesilda. Pinapapunta na siya nito sa tanggapan ni Trevor. Naroon na raw ang pagkain.

 

IT WASN’T in Trevor’s plan to face Savannah today. Nagawa na niyang pigilan ang sarili at magagawa niya hanggang sa huli para hindi matapakan at masaktan ang kanyang kapatid. Gusto niyang itanggi sa sarili ang kagustuhang muling makasama si Savannah pero palagi iyong bumabalik sa kanyang gunita. Maraming beses na siyang inakit ni Izza. Maraming babae ang nagpaparamdam pero hindi niya alam kung bakit walang epekto ang mga ito sa kanya pagkatapos na makaniig niya si Savannah. Only her could make him hard and wanting. The mere thoughts of her made him aroused.

At the moment he was very aroused to think that she wasn’t there yet. Ang isiping makakalapit niya itong muli ay nagpapainit sa kanya. Pumipitlag ang kanyang “alaga” sa pagitan ng kanyang mga hita.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Maliit ang mesa para sa almusal. Dalawa lang sila roon. Dalawang servings ng Beef Teriyaki Tapa with fried rice and egg ang nasa mesa, dalawang tasang kape at bottled water. He had a staff who was specifically assigned to prepare foods and snacks for VIPs when there are meetings. Ito na rin ang naghahanda ng pagkain niya sakalaing maisipan niyang doon sa opisina kumain nang mabilisan.

She had not seen Savannah for more than three weeks now. Ang huli nilang pagkikita ay noong pinuntahan niya ito sa condo. Nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog dahil nanatili sa gunita niya ang malungkot na mga mata nito…ang pag-iyak nito. He felt her emotions.He felt her love but he didn’t deserve it.

Nakatuon ang mga mata niya nang may kumatok at bumukas ang pinto. His eyes instantly met hers. Savannah was so frail. She looked pale. But beautiful still. Yakap nito ang MacBook sa dibdib nito.

“M—may I come in?” she asked.

Tumango siya. “Yeah. Breakfast is ready.” And he was now rock-hard. Damn him! Siya na ang nagbigay ng tuldok sa kanilang dalawa ni Savannah. Hindi na niya dapat pang buksan uli ang nakaraan ang madugtungan ang nangyari sa kanila. He should know how vulnerable Savannah was. Inamin na nito sa kanya ang totoong damdamin nito. He should not make things complicated. Maganda na ang takbo ng lahat. Motivated si Archie. Iyon ang pinaka-importante sa kanya.  He was personally monitoring how he was doing in Singapore. Ultimong ang kaibigan niyang administrator ng unibersidad kung saan ito nag-aaral ay nagsasabing iba ang aura ngayon ni Archie. He was really willing to learn the business.

Nakatuon ang mga mata niya kay Savannah. Humakbang ito palapit sa kanya. Bigla itong huminto. Pumikit. Napahawak ito sa side table saka bumagsak ang hawak na MacBook sa carpeted floor. Mabilis siyang tumayo upang daluhan ito. Tamang-tamang nakalapit siya rito nang matumba ito sa kanyang mga bisig.

“Savannah!” He was so terrified. She collapsed. Maputlang-maputla ito. Mabilis ang kilos niya. Binuhat niya ito at dinala sa private room na kanugnog ng kanyang opisina. Inihiga niya ito sa reclining chair na nagsisilbi niyang pahingahan. Hinaplos niya ang pisngi nito. He was trying to wake her up.”Savannah? Savannah…”

Litong-lito  siya. Takot. Nang hawakan niya ang mga kamay nito ay malamig na malamig ang mga iyon. Mahina ang pintig ng pulso nito. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang coat at tinawagan si Blesilda. “Call the company doctor. Fast! Savannah fainted.”

“Oh my God. Wala pa si doc. Alas dose ang time niya.”

“Jesus! How about the nurse?”

“Ten o’clock pa. Walang tao sa office clinic.”

“Alright. Call an ambulance… or no! I’ll take her to hospital. Come with me. I’ll be using the private lift. Meet me in the car.”

“Okay…may white flower ako rito.”

Mabilis ang kilos niya. Binuhat ang wala pa ring malay na si Savannah. Ayaw niyang maka-create ng commotion kaya nagpasiya siyang siya na lang ang magdala rito sa ospital. Gamit ang private lift ay mabilis niyang narrating ang parking area. Naroon na si Blesilda at nag-aabang. Ang guwardiyang si Makabenta lang ang nakakita sa kanila.

“At the back seat,” utos niya kay Blesilda. Nang nakaupo na ito ay maingat niyang ibinaba sa kandungan nito si Savannah. God! He had never been this scared.  Nang nasa unahan na siya ng kotse at na-start na ang ignition ay narinig niyang nagsalita si Blesilda.

“Nagkamalay na siya!”

Saglit niya itong nilingon. Bahagyang nabawasan ang takot niya. “Regardless.We have to bring her to hospital,” aniya saka mabilis na pinasibad ang sasakyan.

 

NARIRINIG ni Savannah ang usapan nina Trevor at Miss Blesilda. Pinalis niya ang kamay ng babae na may hawak na White Flower Ointment na nakatapat sa kanyang ilong. Bumalik sa gunita niya ang nangyari kanina. Nawalan siya ng malay habang palapit kay Trevor.

Nagpilit siyang bumangon.

“Mahiga ka lang muna, Savannah,” utos ni Miss Blesilda.

“O—okay na po ako,” aniya. Hinimas niya ang ulo at inayos ang blusa. Tinapunan niya ng tingin si Trevor na noo’y nakatingin sa rear mirror ng sasakyan. Mula roon ay nagtama ang kanilang mga mata. “S—sorry, Trevor.”

“Nothing to say sorry about,” anito. “Dapat hindi mo pinilit ang sarili mo kung hindi mo kaya.”

Parang hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nito. Ang sarap pakinggang niyon mula kay Trevor.

“P—puwede na tayong bumalik at ituloy ang meeting. I will be fine. I’m okay now.”

Nagsalita uli si Trevor. “The health of the people under my employ is a prime consideration. You need to be checked-up.”

Nawalang biglang ang kasiyahang bumalot sa kanyang puso. So, ganoon naman pala ang concern nito sa lahat ng taong nagtatrabaho sa kompanya nito. She was not special. “Kailangan ko lang ng konting pahinga.”

Nakisabad sa usapan si Miss Blesilda. “Naku, mas mabuti ngang natsi-check up ka para sure tayo. Makakapaghintay ang trabaho. Mabuti at doon ka nawalan ng malay sa opisina ni Mr. De Rosales. Sa carpet ka bumagsak. Eh kung sa hallway, baka kung napaano ka pa kung bumagok ang ulo mo.”

Sumagot si Trevor. “She did not fall on the floor. Mabuti at mabilis akong nakalapit. Nasalo ko siya bago siya bumagsak.”

Napalunok si Savannah. Nakita at natandaan nga niya ang tagpong iyon na mabilis na tumayo si Trevor mula sa upuan nito at nilapitan siya. Ang hindi na niya namalayan ay ang pagbagsak niya sa mga braso nito. Well, gagawin naman nito iyon kahit sino ang nasa kalagayan niya.

“Mabilis kang binuhat ni Mr. De Rosales kasi nga wala pa ang company doctor,” dugtong ni Miss Blesilda.

“Pasensiya na sa abala,” nasabi na lang niya.

Sa  Emergency Room ng Makati Medical Center sila nagtuloy. To Savannah’s amazement, hindi umalis si Trevor. Naroon ito habang nagpapaliwanag ang doctor. Mababa ang kanyang blood pressure. Kinuhanan na rin siya ng blood sample para sa CBC. Ikinuwento na niya sa doctor na talagang may history siya ng pagiging anemic.

Twenty minutes later ay dumating si Archie. Agad itong lumapit sa hospital bed at ginagap ang kanyang mga kamay. “Sinabi sa akin ng guard na nakita niyang wala kang malay na buhat-buhat ni Kuya. Tinawagan ko si Kuya at sinabi ngang narito kayo kaya pumunta ako rito. Ano bang nangyari?”

Hinila niya ang kamay na hawak nito. “Nothing serious. Over-fatigue lang siguro,” aniya bago tinapunan ng sulyap si Trevor na nakasandal sa wall malapit sa pinto ng Emergency Room. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon.

Tumuwid ito sa pagkatayo. “Archie, now that you’re here, I will leave,” anito. Bumaling ito kay Blesilda. “Stay here, Blesilda. Let me know ‘pag may problema. Charge the expenses to company’s account.”

“I have health insurance,” aniya.

Mula sa kinatatayuan ay nakatingin si Trevor sa kanya. “Leave it to the company’s expenses. You are working for us.” Tumalikod na ito pagkuwa’y lumingon. “And buy food for her. We are supposed to have breakfast meeting pero hindi natuloy.”

Sa isip ay gustong-gustong pigilan ni Savannah si Trevor. Ito ang gusto niyang naroon, hindi si Archie. Nais niyang ito ang humawak at humaplos ng kanyang mga kamay. Parang gusto na naman niyang maiyak. Oo, ipagpalagay nang ganoon ito sa lahat ng empleyado pero pakiramdam niya ay napaka-espesyal niya na naalala pa nitong ibilin na ibili siya ng pagkain dahil hindi pa siya kumakain.

Pasado alas onse na nang natapos ang tests sa kanya. Gaya ng inaasahan ay mababa ang kanyang red blood cells. Isang katutak na gamot ang inireseta sa kanya ng doctor. Pinayuhan din siyang matulog ng tama sa oras para hindi ma-trigger ang anemia niya.

Inihatid muna nila si Blesilda pabalik sa opisina at kinuha ang gamit niya roon bago siya ihahatid ni Archie sa condo. Napansin ni Savannah na wala sa reserved CEO parking ang kotse ni Trevor.

Pinilit niyang pinanatag ang isip nang mag-isa na lang siya. Hindi na niya tinawagan ang mga magulang dahil siguradong mag-aalala lang ang mga ito. Inihanda niya ang pagkaing binili ni Archie sa nadaanang restaurant. Gusto pa sana nitong mag-stay sa condo pero hindi siya kampanteng naroon ito. Nagdahilan siyang gusto niyang magpahinga.

Matapos kumain ay tinawagan niya si Jennifer para ikuwento ang mga nangyari. Alalang-alala rin ito. She just assured her that she was alright.

Nasa kama na siya nang makatanggap ng mensahe sa Whatsapp mula kay Trevor. It made her heart skip a bit.

Hi. Still with Archie? mensahe nito.

No, simpleng tigon niya. I’m home.

Pagkalipas ng ilang segundo ay tumawag ito.

She took a deep breath before pressing the answer key. “Hello?”

“How are you?” agad na bungad nito.

“I’m…I’m good now. Thank you for…for the time and effort.”

“Tinawagan ko si Blesilda. She told me na nakalabas ka na at hinatid ka ni Archie.”

“Y—yeah. Salamat uli at pasensiya na sa abala.”

“Stop thanking me.” Narinig niyang bumuntong-hininga ito. Matagal-tagal bago ito muling nagsalita. “You made me worried.”

Hindi siya agad nakapag-react. Gustong matunaw ng kanyang puso. Was he like that to all his employees? Gusto niyang isiping naiiba siya. Nais niyang marinig mula rito na espesyal siya gaya nang pagpaparamdam nito sa kanya ng maiinit na halik at yakap nito.

“Take your time,” anito.

“For what?”

“It doesn’t matter if we’ll extend the deadline of the main branch’ opening for two to three months. If the pressure makes you sick, I want you to slow down,” pakli nito. “Aynway, it will take two to three more months for Archie for his schooling in Singapore.”

Nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata. God! He really cared for her. Ramdam niya. Pero bakit hindi nito magawang ipaglaban siya sa kapatid nito? She wanted Trevor more than anyone, more than anything. She cleared her throat before answering. “We will beat the deadline. We still have more than three months to go.” That was the best option to get out of the situation. Ang matapos na ang proyekto para hindi na niya ito makikita at para may dahilan na rin siyang iwasan si Archie.

Narinig niyang muli ang buntong-hininga nito sa kabilang linya. “Okay…if you say so. Take rest and get well. Good luck to you and Archie.”

Hindi siya makasagot. Talagang ipinapaubaya na siya nito sa kapatid. She waited for him to speak again but he did not. Then he cut the call. Nang nawala ito sa linya ay parang piniga ang kanyang puso. She wanted more of Trevor. Nais niyang nasa tabi nito. Gusto niyang hawakan nito ang kanyang kamay, haplusin iyon. Gusto niyang makatulog habang nakayakap ito sa kanyang likuran o nakaunan siya sa braso nito. She wanted to feel the warmth of him. Sa naisip ay hindi na naman niya napigilang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

Kung hanggang kailan niya matatagalan ang ganoong sitwasyon ay hindi niya alam. Hahayaan na lamang niyang lumipas ang mga araw at sumabay sa normal na agos ng mga pangyayari.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Do you prefer to subscribe using G-cash instead?

Click Here

In Bed with Him (Chapter 13)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?