A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Kailan Mali ang Magmahal (Chapter 8)

a woman and a man without face standing behind her

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

GANOON nga ang nangyari. Hindi umuwi si Dante at pabor naman iyon sa kaniya. Ang totoo ay nahihiya lang siya rito pero hindi siya mapapanatag kung si Yaya Sela sa halip na ito ang makakasama niya. Natural ay pareho silang babae nito, huwag nang sabihing katulad niya ay babae rin ang makakasama.

Hawak ang kandila sa kanang kamay ay inanyayahan niya si Dante na pumanik sa ikalawang palapag ng bahay. Iginiya ito sa bakanteng guest room. Mabuti na lang at kahit hindi iyon malimit na gamitin ay namimintina naman ng Mama niya ang silid na iyon.

“Are you sure okay ka lang dito? I mean…puwede namang doon na lang ako matulog sa bahay ni Yaya at…”

“Belle…ako ang nagsabing dito matutulog, hindi ba? Pinapaalis mo ba ‘ko?” tanong nitong tila may pagdaramdam. Umiling siya at matamis na ngumiti.

“Bakit ko naman iyon gagawin? Hindi mo lang alam kung gaano ka-safe ang pakiramdam ko ngayon na…kasama kita…rito.” Napayuko siya nang sabihin iyon. Nang humakbang si Dante palapit sa kaniya at masuyo nitong haplusin ang kaniyang pisngi ay lalo na siyang nagpakayuko-yuko.

“Belle…huwag mo ‘kong itaboy dahil gusto ko ang ginagawa ko. I may not appear to be a righteous person but God knows I am. Gusto kitang bantayan…at protektahan. Huwag mo sana akong pigilan, please…” mahinang anas ni Dante.

Napatingala siya rito at matagal na naghinang ang kanilang mga mata.

“Dante…” sambit niya sa pangalan ng lalaki nang unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kaniya.

“Belle…let go, please. We both know what we feel. Just let go…” His breath rasped in her ears. Naramdaman niya ang isang kamay nito sa kaniyang likuran, callused but warm. And she felt like falling into the trance.

Walang kahit isang salitang namagitan sa kanila. Tanging mga mata nila ang nag-usap at kasabay niyon ang pagkilos ng kanilang mga katawan upang ipadama ang nag-uumapaw na damdamin sa isa’t-isa.

She thought Dante would take her but he stopped just when about he was ready to enter her. Naihilamos nito ang isang palad sa mukha at napasandal sa headboard ng kama. Tila pagod na pagod ang anyo nito.

“Dante?” sa nagtatanong na tinig ay lingon niya sa lalaki. Nakatitig ito sa kaniyang kahubaran. And despite that distance, she could still feel him. Touching and exploring her body. His eyes were doing what his hands could do!

“Belle…I’m sorry. It’s your weakest point; hindi ko ito dapat ginawa.” Wika nito kasabay ng paghaplos sa kaniyang balikat. Marahan nitong kinuha ang kumot na nasa isang tabi at masuyong itinakip sa kaniya. Napayuko siya at agad na nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili.

“Huwag mo nang ituloy. Naiintindihan ko…” sabi niya kasabay ng pagngiti. Hindi siya dapat magalit. Dante was incomparable. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakakilala siya ng ganitong uri ng lalaki. Isang lalaking kayang isakripisyo ang pisikal na pagnanasa alang-alang sa idinidikta ng isip. Pero pisikal nga lang bang emosyon ang nadarama nito para sa kaniya? O siya man para dito? Ah, hindi niya alam. Basta ang tanging masasagot niya ay masaya siyang kasama ito. At sa ginawa nito ngayon ay napamahal pa ito sa kaniya nang husto.

 

“MORNING! Breakfast is ready!”

Nagulat si Belinda at muntik nang mapatalon sa kinatatayuan. Si Dante iyon habang nakatayo sa harap ng hapag-kainan. May suot itong apron at may hawak na siyanse sa isang kamay. Napatingin siya sa mesa at agad na kumalam ang sikmura sa mga pagkaing nakita roon. Sunny side up egg, bacon at longganisa ang nakahain. Sinangag sa ham ang kanin at may papaya pang nasa isang malaking pinggan. Hindi niya nasupil ang isang matamis na ngiti.

“Ikaw ang nagluto lahat niyan?”

“Another stupid question, honey…sino pa ba samantalang kagigising mo lang?”

Malapad siyang napangiti sa itinugon nito. She felt something warm in her chest and she liked the way it felt.

“I know…I know…” Umikot siya sa mesa at tumingkayad sa harap nito. Pakiramdam niya ay may nabuwag na pader sa pagitan nila ni Dante nang nagdaang gabi. Hindi na siya nakabalik sa sariling silid matapos ang ‘insidente.’ Magkayakap silang natulog nito at masasabi niyang isa iyon sa pinakamahimbing na tulog niya sa buong buhay niya.

“Good morning, too! How’s your sleep?” nakangiting tanong niya habang ang mga kamay ay kusang pumulupot sa leeg ng lalaki. Napalis ang ngiti niya nang magseryoso ang anyo nito.

“Tell me how can a healthy man resist a very gorgeous woman in his bed? Except that it was not my bed, of course, the whole scenario was there, honey. Hindi na kailangan pang itanong kung bakit hindi ko nagawang matulog,” nanunudyong sabi nito. Nakaramdam siya ng pinong kiliti sa narinig. It was like a mixture of sensation playing around her abdomen and went up her chest. Hindi niya kinaya iyon. She breathed hard, tiptoed and kissed him. Subalit dahil sadyang mataas si Dante ay nahirapan siyang abutin ito. Bahagya lang niyang nakanti ang mga labi nito. Namalayan na lang niyang umaangat ang sarili mula sa kinatatayuan. Dante was now carrying her and kissing her so passionately that she could not almost breathe.

“I hope you’d forgive the kissing, honey. Couldn’t stop myself.”

Itinaas niya ang kamay upang awatin ito sa pagsasalita. Muli ay naghinang ang mga mata nila at ibinaba niya ang mga labi upang dampian ito ng isang masuyong halik.

“Thank you, Dante. You make me feel so special and…”

“You’re indeed special,” putol nito sa sinasabi niya sabay nakaw ng halik sa kaniyang labi.

“Talaga?”

“Hindi ako marunong magsinungaling.”

Natukso siyang ilayo ang sarili nang muli itong yumuko upang hagkan siya pero naramdaman niya ang pagkabig nito sa kaniyang likod. Muli ay ang isang malalim na halik.

“Dante…”

Nang iwan nito ang mga labi niya ay may pakiramdam siyang namumula na ang mga iyon.

“Would it hurt much if you’d call me honey?” tanong nito nang nakangiti.

“Definitely not. It’s honey from now on,” nakangiti niyang sabi kasabay ng kusang pag-abot sa mga labi nito.

 

MULA sa malayo ay nakikita niya ang mga nagaganap. Hindi maaaring ganito. Hindi tamang mahulog ang loob ni Dante kay Belinda. Paano niyang maisasakatuparan ang kaniyang mga plano kung ganitong pinoproteksiyonan ng lalaki ang dalaga? Humigpit ang hawak niya sa hawak na pusa. Sa halip na mag-ingay ay dumaing lang iyon na tila ba naiintindihan ang mga iniisip niya. Napangiti siya nang makahulugan dahil doon.

“HI, Jim! Nariyan ba sa loob ang kuya mo?” tanong ni Belinda sa kapatid ni Dante. Kasalukuyan itong nagwawalis ng harapan ng bahay at sa isang sulok ng bakuran ay may mga isinasalansan itong mga bote at bakal.

“Wala,” tugon nito sa malamig na tinig. Natigilan siya at bahagyang nagtaka.

“Saan siya nagpunta?”

Dumiretso ito ng tayo at saka humarap sa kaniya. “Kay Norisse,” maikling sabi nito saka muling yumuko upang ipagpatuloy ang ginagawa.

“Galit ka ba sa akin?” usisa niya sabay hawak sa braso nito. Saglit siyang natigilan nang mahawakan iyon pero agad ding napailing sa sarili.

Nilingon siya ni Jim at nagsalita nang tila may pait sa tinig. “Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang mali sa akin? May inilihim ka ba? Saka mag-ano ba tayo? Hindi naman tayo totoong magkaibigan, hindi ba?”

Tumalikod si Jim pagkasabi niyon pero hinabol niya ito.

“Jim, sandali! Ano ba ang problema? Bakit ka nagagalit sa’kin?”

Nang tumigil ito at diretsong tumingin sa kaniyang mga mata ay may pakiramdam siyang si Dante ang kaharap. Maaaring ibang-iba ang anyo nito sa kapatid dahil sa magkaibang ugali ng mga ito ngunit hindi niya maisantabi ang malaking pagkakahawig ng mga mata ng dalawa.

“Ano ba tayo, Belinda? Akala ko’y nagkakaintindihan na tayong dalawa, pero ano? Isang araw lang akong nawala at ngayon ay kayo na ni Kuya?” Mapait ang tinig nito at hindi niya naiwasang makadama ng awa.

“I’m sorry kung nagkamali ka ng unawa sa akin. Nakikitungo ako nang maayos sa iyo dahil ang akala ko ay magkaibigan tayo. Ganoon din naman ang klase ng pakikitungo ko kay Abel, hindi ba? I’m sorry Jim, hindi ko sinasadyang mag-isip ka nang ganoon…”

“Hindi kita maintindihan. Kung kumilos ka ay tila may pagtingin ka rin naman sa akin. Hindi ko maunawaan ngayon kung saang bahagi ng samahan natin ang tinutukoy mong pagkakaibigan lang.”

Tama ito. Hindi nga ba at may pagkakataon pang hinagkan siya nito? Dapat ay naisip na niya noon pa na may ibang intensiyon ang lalaki sa kaniya.

“Jim…”

“I used to hold your hand at hindi ka kahit minsang tumanggi. I even kissed you. Ano sa akala mo ang maaaring asahan ng isang lalaking gaya ko? Naglalaro lang tayo?”

“I’m sorry…”

“This is crazy, Belinda. You’re crazy!”

Natigilan siya sa galit na lumarawan sa mga mata ng lalaki. Pero ano ba ang magagawa niya? May karapatang magalit si Jim dahil totoo ang mga sinasabi nito. Hindi man niya alintana ang mga kilos sa tuwing kasama ito ay alam niya kung ano ang tinutukoy ng lalaki. She used to like him, at one point. Hindi niya maiwasan dahil malaki ang pagkakahawig nito kay Dante.

Pero ngayong nagkakaunawaan na sila ng binata ay wala na siyang kahit kaunting pagtingin sa mga kapatid nito. Marahil ay gusto lang niya ang ugali ng dalawa kumpara sa nobyo na palaging seryoso pero ngayon ay hindi na iyon mahalaga. Wala na siyang pakialam kung hindi man madalas tumawa si Dante gaya ni Jim. Hindi na importante kung hindi man ito madalas magkuwento o magbahagi ng mga ayaw at gusto nito, pangarap man o saloobin sa buhay, gaya ni Abel. Ang mahalaga ay ang damdamin niya para dito.

“Jim, hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin sa’yo pero sana ay maintindihan mo ang damdamin ko para sa kapatid mo. Mahal ko si Dante at ikinalulungkot kong hindi mo gusto ang namamagitan ngayon sa amin.”

“Talaga? Mahal mo siya? Mamahalin mo pa din kaya siya kung bukod sa iyo ay may gusto siyang iba?”

Napailing siya sa puntong iyon. Hindi makapaniwala sa sinasabi ni Jim.

“Hindi lingid sa’yo ang pagkikita nila ni Norisse, hindi ba? Ano sila, magkaibigan din ba gaya nating dalawa?”

“Jim, please…”

“Bahala ka kung sadyang napakainosente mo para sa ganyang mga bagay. Sige na, kailangan ko nang pumasok at marami pa akong gagawin.”

Agad na nga itong tumalikod pagkasabi niyon at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Naiwan siyang nakatayo sa tapat ng apartment. Walang kaalam-alam sa kapahamakang nakaamba sa kaniya.

 

 

 

 

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Kailan Mali ang Magmahal (Chapter 8)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.