Love Me Tender (Chapter 1A)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“WHAT’S my schedule for tomorrow?” tanong ni Missy nang salubungin siya ng kanyang Executive Assistant na si Dorothy sa bukana ng marangyang opisina ng Salvatorre Building. She had to be reminded of the next day’s schedule para alam na niya ang itinenary. May calendar na siya na naka-install sa Microsoft Outlook at may reminders siyang nari-receive isa o dalawang oras bago ang nakatakdang anumang meeting pero mas gusto pa rin niyang na-re-remind siya ni Dorothy verbally. Dahil sa hectic na schedules, nagiging malilimutin siya lately.

Ang Salvatorre Building ay pag-aari ng kanilang pamilya. Buong ikaapat na palapag niyon ang inookupa ng negosyong kanyang pinamamahalaan—ang Events Unlimited. The other floors were being occupied by her father and her half brothers’ business. They were all into Real Estate businesses.

Nang hindi agad siya sinagot ni Dorothy ay nilingon niya ito. “What’s for tomorrow?”

“After  your breakfast meeting with the members of the board, you’ll have a meeting with the heads of the Visayas and Mindanao’s satellite offices, Madam,” sagot ni Dorothy habang nakasunod sa kanya.

Napalingon siya sabay ng pangungunot ng kanyang noo. “What?”  Hindi niya napigilan ang inis na mabilis na umakyat sa kanyang ulo. She took a deep breath saka siya nameywang. “Didn’t I tell you to move the meeting with the team? Alam mo namang kapag may board meeting, madalas na inaabot ng lunch time.” Ang mga heads na tinutukoy ni Dorothy ay ang mga nagsu-supervise ng Events Unlimited satellite offices sa Cebu, Davao, Iloilo at Mindanao.

“H—hindi niyo nasabi, Madam.”

“Alright. Granting na hindi ko nasabi kahapon but you should have the common sense to realize na kapag may board meeting, dapat ang susunod na meeting ay after lunch na.” Pinigil niyang tumaas ang boses pero batid niyang dinig na ng ibang empleyado ang kanyang sinasabi.  Mag-da-dalawang taon na niyang Executive Assistant si Dorothy. Okay na sana ito kumpara sa mga nauna na hindi umaabot ng kahit dalawang buwan sa kanya kaya lang ay pumapalpak ito paminsan-minsan. And she could not afford inefficient staff. Kaya nga nami-miss niya si Carmela whom she considered the best staff she ever had. Sa Dubai na ito naninirahan ngayon kasama ang asawa nito at anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-figure out kung ikakatuwa ba niyang naatasan niyang magtungo ito sa Dubai noong isang taon para sa isang project. Tuloy ay muling nag-krus ang landas nito at ng ama ng anak nito. Nawalan siya ng pinakamahusay na empleyado. Dapat sana ay ito na ang magiging Managing Director ng Events Unlimited Manila at siya sa Singapore. Sa ngayon, she had to fly to Singapore at least every two months para ma-monitor din iyon ng maayos.

“Madam, the meeting has been set a couple of weeks back. Kayo ang nagpasabi. Kayo rin ang nagpatawag ng emergency board meeting.”

“But you should have reminded me. You’re my executive assistant, right?”

“It’s in your calendar, Madam.”

“Even. Sa dami kong ginagawa, I don’t even have time to open my outlook.”

“I’m sorry. Madam? Shall I cancel the meeting?”

Lumakas ang kanyang boses. “Damn, no! I’m sure you have booked their flights already. And I’m sure na ready na sila para bukas.  Ano? Sasayangin mo ang pagod at expenses nila? ”

“What I mean is the board meeting, Madam.”

That was it. Kaya hindi niya ma-fire si Dorothy ay dahil ito lamang sa hindi mabilang na naging EA niya ang hindi natataranta kapag nagagalit siya. Mabilis din itong mag-isip ng isasagot. “All right. Puwede mong i-cancel ang board meeting and set it for next week,” aniya.

“Noted, Madam.”

“Do I have appointment in the evening?” tanong niya. Kalmante na ang kanyang pakiramdam. Ganoon lang naman siya. Mabilis mag-react sa isang sitwasyon pero madali rin namang mag-subside ang inis niya. Malamang na kilala na ni Dorothy ang kanyang ugali kaya hindi siya nito pinapatulan. And she liked that thing about her. Hindi nga lang niya sinasabi iyon dahil ayaw niyang lumaki ang ulo nito. She wanted her to improve more and to work on the save wavelength that she had. Ito rin naman ang makikinabang kapag natuto itong mabuti.

Ang isang tambak na isipin at trabaho ang palaging nagpapainit ng ulo niya. Nadadamay tuloy pati si Dorothy. Minsan kapag napapagalitan niya ito at naiisip niyang sumosobra siya, kino-compensate na lang niya ng suhol gaya ng incentive tuwing katapusan ng buwan.

“You have no appointment tonight but there’s an invitation for a victory ball in Marriot Hotel tomorrow night at eight, Madam. Ipina-confirm ninyo sa akin a few days ago na a-attend kayo.”

“Did I?”

“Yes, Madam.”

“Okay. May be I’ll just make my meeting with the team leaders shorter. Ipapaubaya ko na lang sa Marketing Director ang pagdi-discuss ng quota for the next quarter,” aniya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang inner office. Nakalaan ang buong araw niya ngayon sa paper works. Ire-review niya ang mga event proposals para sa susunod na quarter.

Nang tumambad sa kanya ang isang katutak na papeles na kailangang review-hin at pag-aralan ay tila pumitik ang kanyang sintido. She needed a break but she could not. Dalawang malalaking offices ng Events Unlimited ang umaasa sa kanyang atensiyon. She was always in contact with Singapore Office. She had five staffs there but still could not figure out whom to promote as head. Mataas ang kanyang standard pagdating sa taong maasahan.

Nakahanda na ang kanyang tea mug sa ibabaw ng kanyang mesa. Bago siya dumating ay inilalagay na iyon ni Dorothy. She followed her time strictly. Before nine she had to be in the office. She normally left after seven. Pero bukas  ay kailangan niyang umuwi ng maaga. She could not miss the event. Bukod sa malaking kliyente niya ang Paramount Insurance, family friend ng pamilya nila ang may-ari niyon. Lagot siya sa kanyang ama kapag hindi siya nagtungo roon.

Kailangan niyang tawagan si Lance mamayang hapon  para may escort siya mamaya. Si Lance ay ang pinsan niyang gay pero hindi halatang gay. Role ni Lance na maging partner  niya kapag hindi maiwasang dumalo sa mga ganoong pagtitipon. Halos dalawang taon na rin nitong ginagampanan ang role na iyon sa kanyang buhay. Magmula nang maghiwalay sila ni Ruffy, hindi na siya uli nakipag-relasyon.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Love Me Tender (Chapter 1A)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

  1. Hahaha grabe mga ganap unang chap palang to namiss ko sila ally at carmela pero di ko nababasa kwento ni ally hanapin ko nalang hahaha next kay lance sana meron hahaha salamat ms. A😘

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?