“‘A’ FOR ADORABLE, ‘B’ you’re so beautiful…”
Nagpatuloy sa pagkanta si Teacher Yana, na sinasabayan naman ng mga estudyante nitong nasa nursery level. Masisiglang isinaaksyon ng mga ito ang kanta ayon sa kanyang itinuro.
Pitong taon na rin siya sa larangan ng pagtuturo. It’s not easy to teach children, much more to instill knowledge to them. At one point, nakakasuko ang mga kakulitan ng mga bata. But then, teaching kids was her passion. At saka, may puso talaga siya sa mga chikiting. She loves kids.
Pagkatapos kumanta ay binigyan niya ng coloring activity ang mga bata. Bawat estudyante ay monitor niya. She has fifteen students in all. Kapagkuwan ay pinag-recess na niya ang mga ito. Ilang estudyante ang lumapit sa kanya para magpabukas ng mga baong dala.
“Teacher o,” ani Zhamelle. Hinati nito ang tinapay na dala. “Share po tayo.”
Napangiti siya. ˋSee? Paano naman siya magsasawang magturo kung ganoon ka-sweet ang mga estudyante niya?
“Thank you, Zham,” sabi niya at saka tinanggap ang alok ng bata.
Ilang oras pa ay natapos na ang kanilang session. Masiglang nagpaalam ang mga bata sa kanya. Nag-aayos na siya ng tables and chairs nang may marinig siyang humahagulhol na batang babae. Nilingon niya ang pinanggagalingan niyon. Malapit iyon sa bukana ng kanyang classroom.
Mula sa siwang ng isang bintana ay napansin niyang may kasama naman ang bata kaya lang ay panay pa rin ang iyak nito. Hindi iyon isa sa mga estudyante niya pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling lapitan ang mga ito nang hindi pa rin tumahan ang bata.
Nakita niyang nakayukod ang tila ama ng bata at pinapalis ang luha ng anak. “Sir, ano po ang problema?” tanong niya pero nasa bata ang kanyang atensyon. Napayukod na rin siya sa tabi ng lalaki. Mabining hinawakan niya ang mumunting kamay ng batang babae. Tumigil ito sa pagpalahaw. “Ang ganda-ganda naman ng baby na ‘yan. But why are you crying?”
Naramdaman niyang tumayo sa gilid niya ang marahil ay ama nito. Tumikhim ito bago nagsalita. “I’m planning to enroll my kid in nursery class. Are you a teacher here?”
Titingalain na sana ni Yana ang lalaki ngunit bigla na namang umiyak ang bata. Marahan niyang pinahid ang luha nito. “Hush. Tahan na. I’m Teacher Yana. Ako ang magiging teacher mo.”
Sunud-sunod nitong iniiling ang ulo. “No… Ayaw.. I don’t like school.”
“Hush… Hindi na. Ayaw mo mag-school? Sige. Magpe-play na lang tayo. Do you want to play? May slide kami sa loob.”
Tumahan ang bata. Ramdam niyang kahit paano ay nakuha niya ang atensyon nito.
“Tara?” Inilahad niya pa ang dalawang kamay. Iyong muwestra ng kamay na akmang bubuhatin ang bata. Maliit pa kasi ito. Tantiya niya ay nasa tatlo hanggang apat na taon ito.
Humakbang ang bata hanggang sa tuluyan na itong sumama sa kanya. Binuhat na niya ito. Nang pumihit siya para sa akmang pagpasok sa pinto ay nagulat pa siya nang bumangga siya sa kung sino. Oo nga pala! Kasama nga pala nito ang ama.
Tiningala niya ito. Bahagya pa siyang napamaang nang makita ang mukha nito. Mala-Chris Hemsworth ang datingan nito. Bigla ay parang napipilan siya at ewan ba niya kung bakit tila dinala siya sa ibang dimensyon ng mundo. They just stared at each other’s eyes. Nabalik na lang siya sa huwisyo nang tapikin siya ng batang buhat.
“Oh, sorry baby.” Kapagdaka ay muli niyang ibinalik ang tingin sa ama nito na nakapamulsa na. Tumangu-tango naman ito na tila ba pinapayagan siyang dalhin ang anak nito papasok sa loob, bagaman ay seryosong-seryoso ang anyo nito.
SINIGURO ni Yana na naaaliw na ang bata sa playing ground ng kindergarten bago niya hinarap muli ang ama nito. Pero ganoon na lang ang pagkagitla niya nang mabunggo pa siya rito. Na naman? Nasa likod na pala niya ito.
Napaatras pa siya dahil tila may bumalangkas na boltahe ng koryente sa kaibuturan niya. At para mawala ang kakaibang nararamdaman niya ay naglakad na siya papunta sa kanyang desk. Nang makaupo ay minuwestra naman niya sa lalaki ang upuan sa harap.
“You mentioned earlier that you want to enroll your child here?” panimula niya.
“Are you still accepting students?” he asked in a baritone voice.
Tumango siya. Halos kasisimula pa lang din naman ng klase kaya hindi pa huli para makahabol ang anak nito kung ipapasok nito iyon doon. Mula sa isang gilid ng desk ay umabot siya ng Enrollment Form.
“Pa-fill up na lang po ako nito, Sir. Pakisagutan lahat ng may asterisk. By the way. ano nga po palang pangalan—“ Nabitin sa ere ang dapat itatanong niya nang pagdako ng mga mata niya rito ay nakita niyang mataman itong nakatingin sa kanya.
“I’m Marcus Morgan,” sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Kung bakit tila pakiramdam niya ay nag-init ang magkabilang pisngi niya. “A-Actually, I was about to ask your daughter’s name.”
“Oh… I thought…”
Ipinilig pa nito ang ulo at ewan ba niya kung bakit parang mas lalo yata itong gumwapo nang gawin iyon. Bahagya niyang iniiling ang ulo. Nahihibang na yata siya. Mula sa ilalim ng desk ay kinurot ng isa niyang kamay ang braso para gisingin ang utak niya.
“Her name is Amara Zia. But you can just call her Zia.”
Nakatingin ito sa anak kaya naman napatingin na rin siya sa batang aliw na aliw sa pag-i-slide. “A lovely name that fits her perfectly,” komento pa niya.
“Yeah,” sagot nito at saka kinuha ang fountain pen na nakasabit sa coat nitong suot. Mayamaya pa ay finill-up-an na nito ang form. Ilang sandali pa ay iniabot na nito iyon sa kanya.
Ni-review naman niya ang details. “Sir, may I know your wife’s name? Naiwanan kasing blanko dito,” paliwanag niya.
“Would that still be needed? Matagal nang wala ang Mommy ni Zia.”
May pait siyang nahimigan sa tinig nito. So, biyudo na pala ito? “I’m sorry to hear that, Sir. Kaya lang for reference, kailangan pa rin namin ang name ni Mommy,” saad niya.
He blew out a breath. “Katherine… Katherine is her mother’s name.”
Isinulat naman niya iyon saka idinugtong ang Morgan sa apelyido niyon. “All good na, Mr. Morgan. Pa-submit na lang po ako nito sa office,” aniya at itinuro ang sinasabing opisina rito. “You may also now settle her tuition. Padala na lang din po ako ng copy ng birth certificate ni baby tomorrow and pwede na rin po siya mag-start pumasok bukas.”
“Okay,” maikling tugon nito. Kapagkuwan ay bumaling na ito sa anak. “Zia, come on. We’re going home.”
Tumayo na rin siya. May ngiti na sa labi ng bata nang tumakbo ito palapit sa kanila. Pero hindi ito sa ama nito dumeretso kundi sa kanya. Hinila nito ang laylayan ng skirt niya.
“Mama…” sambit nito. Yumakap pa ito sa binti niya.
Natigilan siya. Pansin niya ring natigilan si Mr. Morgan sa sinambit ng anak. Niyukod niya ang bata. Mukhang matagal na itong nangungulila sa kalinga ng isang ina. Bahagya niyang pinisil ang kaliwang pisngi nito. “Bukas, balik ka rito, ah. Marami kang magiging playmate.”
“Can you be my Mom? Gusto ko ikaw Mama ko….”
“Zia,” saway ng ama nito.
Binigyan niya nang nakakaunawang tingin si Mr. Morgan. Kasunod ay ibinalik niya ang tingin kay Zia. “You can call me Mama. Kasi I’m you teacher, at lahat ng nandito sa school, anak ko. You’re one of them.”
“No… Gusto ko, ako lang baby mo.”
Napatawa siya at saka niya ginulo ang buhok nito. “Okay sige, ikaw lang ang baby ko. Ikaw naman ang pinakabata kong estudyante, eh.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
I love Zia hihi
Cute naman start palang ng pagdadaupangpalad ng main karakters nakakakilig na simpleng kineme palang
Hello, beb! Thank you sa pagiging masugid na reader ko. Na-appreciate ko simula pa lang sa Paano ba ang Magmahal. Huggggs!