Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 6)

PUPUNGAS-PUNGAS na binuksan ni Yana ang silid. Nagulat pa siya nang mabungaran doon si Marcus. Ay shete, ang akala niya ay nasa kanila pa siya sa Maynila at ang nanay niya ang kumakatok.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

“I’m sorry if I have to wake you up. I have an urgent meeting so I’ll be leaving early,” saad nito. “And here…” abot nito sa kanya ng isang folder. “Let me know if meron ka gustong i-revise sa agreement or may i-add ka. Or you can do yours too, then I’ll just review later.”

Napatango na lamang siya rito. Kapagkuwan ay umalis na ito

Dilang naistorbo na rin lang ang tulog niya ay minabuti na niyang gawin ang morning ritual niya. Nang matapos siya ay napadako pa ang tingin niya sa bedside table kung saan nakalapag ang dokumentong ibinigay ng lalaki sa kanya kanina. Kinuha niya iyon at saka hinayon ang kuwarto nila Marcus.

Tulog na tulog pa si Zia. Alas singko pa lang naman kasi ng umaga. Napakaaga naman pala ng meeting ni Marcus.

Nanatili pa siya roon sa kuwarto at pinagpasyahang basahin ang Agreement na ginawa ni Mr. Electron.

Isinasaad ng unang kasunduan na hindi niya kinakailangang maglinis ng buong kabahayan dahil hindi naman iyon parte ng kanyang trabaho. May nakuha na raw ito na magmimintina ng bahay kada linggo, pati na rin sa pamimili ng mga grocery.

Ikalawa, hindi siya maaaring lumabas at mas lalong hindi niya pwedeng isama sa kung saan si Zia. At kung kinakailangan man, kailangan pa muna ng permiso nito.

Ikatlo, she should ensure to give Zia the love and affection that she needs.

Ikaapat, the contract will expire in three years. Kung kinakailangan at papayag siya ay ire-renew ang kontrata at bibigyan siya ng panibagong kabayaran.

Three years? Matagal-tagal din iyon.

Ang ika-lima ay ikinapatda niya. Kapag hiningi raw ng pagkakataon na kailanganin niyang magpanggap na asawa nito ay dapat niyang gawin. Idinugtong pa nito na alang-alang iyon kay Zia.

At kung kinagitla na niya ang ika-lima, mas lalo pa itong pang-anim. You’re not allowed to date or enter a relationship. Zia’s actually thinking that I’m dating you. I don’t like to hurt her.

Kung malala na iyon. Mayroon pa palang mas ilalala pa ang Rule # 7.

Don’t fall for me.

Napaismid siya. As if naman!

Bakit, hindi ba kaibig-ibig si Mr. Morgan? kastigo na isang maliit na tinig sa kanyang isip.

Bigla ay naalala na naman niya ang nangyari sa eroplano when she studied his face. Muli ay biglang rumagasa ang tibok ng kanyang puso. Naihawak niya ang isang palad sa kanyang dibdib. Bakit ba ganoon mag-react ang puso niya?

Pinagsabihan niya tuloy iyon. Hoy, umayos ka! Hindi mo pwedeng matipuhan si Mr. Morgan! Langit siya, lupa ka.

Para humupa na rin ang pakiramdam niya ay bumaba na siya para magluto ng almusal. May nakita siyang macaroni sa isang cabinet. Balak niyang magluto ng sopas. Sakto naman at may mga pangrekado roon. Namangha pa siya dahil puno ng laman ang refrigerator.

Habang hinihintay ang pagkulo ng niluluto ay nag-browse muna siya ng kanyang cellphone. Napakarami ng missed calls sa kanya ng kapatid na si Jaira. Marahil ang mga magulang niya ang nagpapatawag dito sa kanya. Dahil maaga pa, nagreply na lang siya na matiwasay siyang nakarating ng “Singapore”.

May mga missed calls din sa kanya ang best friend na si Rani. Nagulat pa nga siya nang mag-ring ang phone niya. Naka-online pala ito.

Iniayos niya sa kitchen counter ang gadyet.

“Bruha! Ni hindi ka man lang nagsabing mag-aabroad ka!” padaskol nitong bungad sa kanya.

Inilagay niya sa kaserola ang macaroni bago hinarap ang kaibigan. “Paano ko naman sasabihin sa ‘yo kung hindi naman talaga ako nangibang-bansa?”

“Teka teka, anong hindi?” Natutop nito ang bibig. “God! Nasaan kang bruha ka?”

“Bago mo pa ako mapag-isipan ng kung ano. Heto na, ikukwento ko na…”

Isinalaysay naman niya rito ang pagtatagpo nila ni Marcus hanggang sa pag-alok nito ng tulong sa kanya.

“Ilang taon na ‘yang Marcus na ‘yan? Baka shonda na ‘yan ah.”

“Luka! Nasa thirties lang si Marcus, noh,” aniya na hinalinhan pa ng tawa. Kasabay niyon ay inilagay na rin niya ang mga rekado sa niluluto.

“Wala namang sabit ‘yan? Mamaya niyan, sugurin ka ng asawa niyan. Sinasabi ko sa ‘yo Yana, naku!”

Nagpameywang pa ito.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

“Ang pagkakatanda ko sa sabi niya, tsugibells na ang asawa niya,” sagot niya habang hinahalo na ang niluluto. Inilagay na rin niya ang mga rekado.

“Eh ‘di single pala! Naku tih, baka siya na ang destiny mo. Malay mo magiging totohanan ang lahat. Para naman magka-jowa ka na. Six years ng tigang ‘yang labi mo ,oy!” tuluy-tuloy nitong sabi.

“Tanggap ko nang tumandang dalaga,” aniya na hinalinhan uli ng tawa. “At saka, imposible na magustuhan ako nitong si Mr. Morgan. Isa iyon sa kasunduan niya.”

“Pero hindi mo imposibleng mahalin? Aminin! Naku, yumminess ba?”

“Baliw, Rani! Kahit yumminess pa siya, rerendahan ko ‘tong puso ko. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. He’s not into commitment. For sure, sa huli, uuwi akong luhaan.”

“Malay mo lang naman, ‘di ba? Matagal din ang tatlong taon. At sa ganda mo na ‘yan, bato na lang siya kung hindi ka niya napansin.”

Hindi niya alam ang sasabihin. Nagtungo muna siyang muli sa niluluto at tinikman iyon.

“Yana… Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?”

Natigilan siya pero saglit lang. Hinarap niyang muli ang kaibigan. “Six years na ang nakakalipas, twin. Matagal ko nang nakalimutan ang nangyari.”

Bakas sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala. “Basta, bali-balitaan mo ako, ah? Handa akong mag-book ng ticket papunta d’yan oras na may ginawa sa ‘yo ang Marcus na ‘yan.”

“Salamat, twin…”

Kasabay ng pagpapaalaman nila ay pinatay na niya ang induction cooker. Kung anuman ang mangyari sa loob ng tatlong taon na pananatili niya roon ay bahala na….

NAGYAYA si Zia na maglangoy sa dagat. Ang buong akala pa nga niya ay hindi pa ito marunong lumangoy kaya laking gulat niya nang mag-ala sirena ito sa dagat.

“Ang galing-galing naman pala ng baby na ‘yan. Pero hindi ka puwedeng lumayo, ah. Dito lang tayo sa mababaw.”

Tumangu-tango naman ito. Mayamaya rin naman ay umahon na ito at nagpunta na sa buhanginan. Nilaro nito ang sand bucket and shovel toys nito.

Nakipaglaro naman siya rito. Naroong naghabulan din sila at tinabunan rin siya nito ng buhangin sa katawan. At pagkaraan ay binanlawan nila ang buhangin sa dagat.

Sumisid pa siya saglit bago umahon. Hinayon niya ng mga daliri ang buhok na sumambulat sa kanyang mukha.

“Dada!”

Naisunod ni Yana ang mukha patungo sa direksyon ni Zia. Ganoon na lang ang pagkatigagal niya nang makitang nandoon si Marcus. Parang gusto niya uli lumubog sa tubig. Nakasuot lang siya ng one piece swimsuit. May ukab pa ang magkabilang tagiliran niyon.

Hindi naman talaga siya dapat magsusuot niyon pero dahil naisip niya na mamaya pa naman ang uwi ng lalaki ay naglakas-loob siyang mag-swimsuit.

“Hindi ka pa ba aahon?” tanong nito. “I have something to tell you.”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Wala siyang nagawa kundi ang tuluyang iangat ang katawan sa tubig.

HINDI magawang ialis ni Marcus ang tingin niya kay Yana. Makailang beses na rin siyang napalunok nang mapagmasdan ang kabuuan ng dalaga.

She looked gorgeous in her one piece swimsuit with her curves in all the right places. Hindi niya akalaing nagtataglay ito ng ganoong katawan. Pero hindi naman niya ipagkakaila na maganda talaga ang dalaga.

Shit! mahina niyang mura nang makalapit si Yana sa kanila.

May kung anong binubuhay ang presensiya nito sa kanya.

“I’ll just take a quick shower,” sabi nito. “Tara na Zia, magbanlaw ka na rin.”

Nahabol pa niya ng tingin ang mga ito. Parang kailangan niya ring mag-shower. Iyong malamig ang tubig para matanggal ang kung anumang init na nararamdaman niya.

Damn man! Hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng kanyang katawan.

“NA-REVIEW mo na ‘yong contract?”

Nag-angat ng tingin si Yana. Kapagdaka’y bumaling siya kay Zia. “Baby, you go watch movie muna. May pag-uusapan lang kami ni dada.”

“Let’s talk in the balcony,” ani Marcus.

Nang makitang prenteng nanonood si Zia ay kinuha niya sa kanyang kuwarto ang dokumento at saka sumunod kay Marcus sa balcony.

Naabutan niyang nagbabasa ng diyaryo ang lalaki. Huminga pa muna siya nang malalim bago umupo sa katapat ng inuupuan nito.

Inilapag niya ang folder sa harapan nito. Itiniklop naman nito ang diyaryong binabasa.

“So, do you have something to add? Okay lang ba sa iyo ang tatlong taon?” magkakasunod nitong tanong kasabay ng pagbuklat nito sa dokumento.

“Isa lang ang gusto ko. Please permit me to have a part time job. I’m planning to apply in an online tutorial service–“

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang putulin nito iyon. “No. I don’t want a divided attention pagdating kay Zia. I want you to focus on her. If you’ll work in graveyard shift, masyadong mapapagod ang katawan mo. If you need money, then I’ll provide it to you. We just have to extend this contract to four years.”

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Napamaang siya rito. “Masyado nang malaki ang binigay mo sa akin, tapos heto na naman.”

“If you want an extra job, then tutor my daughter. Isipin mo na iyon ang kabayaran ko sa pagtu-tutor mo sa kanya.”

“Pero—”

“No buts, Yana. Just do as I say.”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi ba masyadong kalabisan iyon?

“Don’t do that.”

“Huh?” takang tanong niya.

“Don’t bite your lip. It’s…It’s… Basta, huwag mong gagawin sa harapan ko.”

She swallowed. Was he attracted? Naikiling niya ang ulo sa naisip. Asa naman siya! Teka, anong asa?

“I’ll go get back to work. Sumaglit lang talaga ako to check if okay kayo rito. Nakapag-breakfast na ba kayo?”

“Yep. Nagluto ako ng sopas. Gusto mo bang kumain muna?”

“Nope, uhm, pwede bang baunan mo na lang ako? I wanna know if you’re also good at cooking.”

Gusto niyang mapalabi pero pinigilan niya. “Huwag na lang kaya, Mister. Baka hindi ka pa matunawan.”

He chuckled. “Huwag kang mag-alala, kahit hindi masarap, kakainin ko pa rin. Dahil alam kong pinaghirapan mo iyon.”

Sumimangot siya. “Masarap kaya ‘yon. Baka nga makalimutan mo pa pangalan mo, eh.”

“Let’s see….”


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

Whaaa, rule # 7: DON'T FALL FOR ME, totoo baa?

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.