Patakbong bumalik si Vic sa may sala, kung saan niya iniwan ang mag-amang Vincent at Celine kaninang sagutin niya ang telepono.
“Kuya, I need to go to Joshua!”
Napaungol ang natutulog na si Celine na naka-kandong at nakayakap sa ama. Inalo naman siya ni Vincent.
“What happened?” mahinang tanong ni Vincent sa kapatid.
Pabulong na ikinuwento niya ang nalaman sa telepono.
“I don’t know… Jasmin said his brother was bloody and unconscious… Someone must have attacked him.”
“Ha?” Nahindik din si Vincent sa nalaman.
“I need to go there, Kuya. I need to know how he is.” Talagang nag-aalala siya para sa kaibigan.
“Okay, let’s go together.” Napatingin si Vincent sa anak. Tsaka siya dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
Napatingin naman si Vincent sa mag-ama. Malamang na katulad ngayong dahan-dahan ang ginawang pagtayo at pag-kalong ni Vincent sa natutulog na anak ang pag-transfer nito sa sariling kama ni Celine. At malamang na hindi nito iyon madaling maiiwan, dahil kapag nilapag nito iyon sa kama ay baka magising si Celine, mag-tantrums ito at hindi ito kaagad maiwan ni Vincent.
Hindi naman sa nagmamadali siyang umalis, pero tingin niya ay mas makakabuti na huwag nang sumama si Vincent sa kanya. Alam naman niya na nag-aalala sa kanya ang kapatid, pero mas magandang manatili na lamang ito sa piling ng anak nito.
“I can go alone, Kuya,” ang sabi niya.
Napaharap si Vincent sa kanya. “I don’t think you should go alone.”
“Manong Alfredo will drive for me.”
“That’s not what I meant,” ang sabi ni Vincent.
Napaisip si Vic. Paano ba niya makokonsola ang kapatid para payagan siya nitong umalis na hindi ito kasama?
Nang bigla siyang may naisip.
“Terrence!” he said as if a brilliant idea came to his mind. “I can ask Terrence to accompany me.”
Tumango si Vincent. “Sige. Ask him and if hindi siya pwede, I’ll go with you.”
Si Vic naman ang tumango. Tsaka niya tinawagan ang pinsan.
“Kuya! Gabi na, ah!” sagot nito sa kabilang linya.
“We need to go to Joshua!”
Natigilan si Terrence sa kabilang linya. Tinuloy-tuloy naman ni Vic ang pagpapaliwanag sa mga nalaman.
“O-Okay… Magpapaalam lang ako kay Mamà.”
Narinig niya ang pagkaluskos sa kabilang linya. Siguro ay lumabas na ito ng silid, o kung saan man ito naroon upang magpaalam sa ina. Pinutol na niya ang tawag, at saka na niya tinawagan ang driver/bodyguard nilang si Mang Alfredo.
Sakto namang pagtapat ng kotse niya sa may entrance ng kanilang mansiyon ay nakabalik na rin si Vincent mula sa paglipat sa anak nito sa kama.
“Terrence will join me, Kuya,” ang sabi ni Vincent dito.
“Okay. I think mas maganda na rin na nandito lang ako. Keep me posted kung may kailangan ka.”
Tumango si Vic. “Thanks, Kuya.” Sumakay na siya ng kotse.
Dumiretso sila sa Casa Teresita. Naghihintay na doon si Terrence pagdating nila. Kaagad itong sumakay sa may back seat kung saan naroon si Vincent.
“I called Jasmin, and she told me na nasa TGH na daw sila,” ang sabi ni Terrence sa pinsan.
Tumango si Vic. “Mang Alfredo, let’s head straight to TGH.”
“Sige po,” sagot ng lalaki sa may driver’s seat.
Mabilis silang nagtungo sa nasabing ospital kung saan dinala si Joshua.
*********************************
Medyo nagtataka na si Garee kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya binibigyan ng update ni Joshua. Malapit nang mag-alas-diyes ng gabi, pero hindi pa rin ito tumatawag o nagcha-chat man lang sa kanya. Well, wala naman itong obligasyon na gawin ito, pero napaka-unusual na up to this point ay hindi pa ito nagpaparamdam.
Kanina ay nag-voice message ito sa kanya. Hindi daw muna siya nito masusundo kasi may kailangan itong puntahan. Wala naman itong obligasyon na gawin iyon, pero kahit noon pa naman na hindi pa ito nanliligaw at magkaibigan pa lang silang dalawa ay talagang nagpapaalam ito kapag hindi ito makakapunta sa usapan nila.
At wala din naman itong obligasyon na mag-update sa kanya at mag-chat kung nakauwi na ito sa kanila. Hindi naman porke nililigawan na siya nito ay dapat naka-monitor na sa kanya ang lahat ng plano nito. Pero iyon na nga, kahit noong magkaibigan pa lang silang dalawa ay ginagawa na rin naman ito ni Joshua. Katunayan ay mas madalas nga itong mag-chat sa kanya noon dahil kung anu-anong kalokohan lang naman ang pinag-uusapan nila noon.
So very unusual itong wala pa itong paramdam sa kanya mula kaninang bago mag-alas singko ng hapon. Ganoon ba ito ka-busy at hindi pa ito nagcha-chat man lang sa kanya? Ano naman kaya iyong nilakad nito kanina, at hindi pa kaya ito nakakauwi sa kanila?
Hindi na siya nakatiis kaya nag-chat na siya kay Joshua.
Uy! Anong balita?
Naghintay siya ng ilang minuto para sa reply nito, pero sampung minuto na ay hindi pa ito sumasagot. Tulog na kaya ito? Imposible! Kapag ganoong Friday night, hanggang Saturday night, ay nagiging bampira silang dalawa.
Icha-chat sana niya ito ulit, pero nagdalawang-isip siya. Kasi baka tulog na nga ito – which is very unlikely nga based on experience – kaya hindi nito sinasagot ang chat niya. Pero kahit paano niya isipin, ayaw maniwala ng utak niya. Parang bigla siyang napaisip na may something sa best friend niya kaya hindi ito sumasagot sa chat niya.
Kaya naman imbes na i-chat ay tinawagan na lamang niya ito. Medyo matagal nang nagri-ring ang cellphone pero wala pa ring sumasagot. Naisip ni Garee na baka natutulog na nga ito. Medyo nainis pa siya dito na hindi ito nag-chat man lang sa kanya at nag-aalala pa siya tuloy kung okay lang ito o may nangyari nang hindi maganda dito.
Puputulin na sana niya ang tawag nang biglang may sumagot sa kabilang linya.
“Hello…?”
Napakunot ang noo ni Garee. Bakit parang iba ang boses ni Joshua?
“Hello… Josh?”
“Ma’am, hindi po ito si Josh,” ang sabi nung nasa kabilang linya. “Pulis po ito.”
Biglang kinabahan si Garee. “Pulis? Bakit… bakit nasa inyo po ang phone ni Joshua?”
“Iyon pong may-ari nitong telepono, may nangyaring insidente sa kanya. Natagpuan siyang walang malay at duguan dito sa may shortcut sa may San Juan.”
“A-Ano ho?” Halos hindi lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ni Garee. Bigla ay parang hindi siya makahinga, at bigla na lamang namasa ang kanyang mga mata.
“Hindi pa po namin alam kung ano talaga ang nangyari. Nag-iimbistiga pa po kami sa ngayon,” ang sabi ng pulis.
“Nasaan po si Joshua?” halos pasigaw na tanong nito sa pulis.
“Dinala na po siya sa TGH.”
Dali-daling lumabas ng kanyang silid si Garee. Dumiretso siya sa kwarto ng kanyang ama.
“Papa! Papa!” Singlakas ng sigaw niya ang pagkatok niya sa pintuan. “Papa!”
“Ga!” tawag ni Mike sa kanya na napalabas sa sariling silid nang marinig ang pagsigaw niya.
“Kuya!” Tumakbo siya dito at saka kumapit na parang ito ang makakalutas sa lahat ng problema sa mundo.
Noon naman bumukas ang pintuan sa silid ng kanilang ama.
“Anong nangyayari?” tanong ni Miguel paglabas sa silid nito. Kaagad itong napatingin sa anak na babae na noon ay full panic mode on na.
Napaharap si Garee kay Miguel. “Papa, si Joshua…” At tuluyan na siyang napaiyak.
“Ha?” Niyakap ni Miguel ang anak, at naguguluhang napatingin siya sa panganay na si Mike.
Maging sina Eli at Kit ay napalabas na sa kanilang shared bedroom. Nagtatanong din sila kung ano ang meron sa bunso nila.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Miguel na napatingin na ulit kay Garee na nakayakap pa rin sa kanya.
“Ga, anong nangyari kay Joshua?” tanong naman ni Mike sa kapatid.
Pinilit ni Garee na makapagsalita para ipaliwanag ang lahat sa kanyang kapamilya. Habang humahagulgol at hinahabol pa ang kanyang paghinga ay sinabi niya sa apat ang ibinalita sa kanya ng pulis. Nagulat ang apat na lalaki sa narinig.
“O, nasaan si Joshua ngayon?” tanong ni Eli, na sa apat ay ang tanging nakapagsalita sa gitna ng pagkabigla.
“Nasa TGH daw. Papa…!” Muling hinarap ni Garee ang ama. “Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang puntahan!”
“O sige,” ang sabi na lamang ni Miguel para mapatahan ang kapatid.
“Ako na lang ang magdadala sa kanya sa TGH,” ang sabi ni Mike. “Magbibihis lang ako saglit.”
Dahil gabi na nga noon ay naka-boxer shorts at t-shirt na lamang ito. Tinignan din nito ang bunsong kapatid na naka-pantulog na rin. Okay lang sana kung makapal ang t-shirt na suot ni Garee, pero maluwang man ang t-shirt na suot niya ay manipis din ito at ang ikli din ng shorts niya. Wala din siyang suot na tsinelas man lang sa paa.
“Magbihis ka muna at magsuot ng tsinelas,” ang sabi nito kay Garee.
Umiiyak na tumango siya bago bumalik sa kanyang kwarto upang magbihis.