Kung may hugis ang puso, ano ba ang hugis ng sa‘yo?
Square ba? ‘Yung puso mong na-square o naisahan. Inakalang ikaw lang, iyon pala isa ka sa mga nilandi pero hindi ni-legal. Nakihati, nakisawsaw nang hindi mo alam. Naki-schedule sa nauna, sa pangatlo at pangalawa. Pampalipas oras kapag bored na siya iba.
Kung hindi ka na sa square’s category, eh, baka naman nasa triangle’s club ka. ‘Yung mga pusong tulay, third wheel, mga taga tulak, na madalas siya itong nagagamit at nahuhulog ng hindi sadya. ‘Yung mga pinaasa at nilandi pero friendzone pala. Madalas ito ‘yung mga pusong laging biktima ng mga hidden agenda. Kakaibiganin at haharutin para mapalapit sa maganda mong tropa. At pagkatapos, kapag naging sila na, wala ka na rin silbi-wala na sa’yong pake. Sadya ka lang pekeng nilandi.
Kung ang puso mo ay hindi pa rin kabilang sa dalawang nauna, baka ang puso mo ay sadya talagang hugis bilog. Mga pusong madalas na nauuto, nabibilog. ‘Yung tipong asadong-asado ka na mamahalin ka niya, pero ang totoo, binobola-bola ka lang pala! Ito ‘yung mga pusong paulit-ulit ang cycle: magmamahal, masasaktan, magiging tanga, bubulahin at magmamahal ulit. Mga pusong busog sa katangahan, pero sa atensyon at pag-ibig ay gutom naman.
Parang itong si Alex Clarize Mateo, graduate sa triangle’s club, tambay sa circle’s group chat at dyumakpat sa square’s category. Akala niya, Ethan is the one. Sa kabila ng lahat nang parusa at pasakit na ibinigay sa kanya ng mundo, hindi na siya makadarama pa ng sakit at kabiguan sa piling nito. Pero ang lahat ay pahiram lang din pala ng uniberso. Dahil sa kasalukuyan heto na naman ulit siya: broken hearted at naglalasing ng mag-isa.
Maibabalik pa kaya sa dating hugis ang nadeform niyang puso? O habangbuhay na itong deform, habang unti-unting tumitigas na parang bato at nanlalamig na parang yelo?
Next to: Shape Of My Heart (One Shot Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





