My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 40: Intense Longing]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Lumipas ang anim na taon, naging masaya, puno ng pagmamahalan, at payapa ang kanilang buhay. Nagkaroon din ng anak sina Clay at Yuna. Nahati na ang oras ni Yuna. Kaya naman si Clay ay parang magnanakaw sa gabi, habang nakasilip at nagmamasid sa loob ng silid ng kanyang anak. Nandoon kasi si Yuna habang pinapatulog ang supling nila na si Xandrei. Apat na taon na ang nag-iisang anak nilang lalaki. Kaya naman, nais na ni Clay na sundin ito. Para siyang baliw na sumisilip-silip sa kwarto. Hindi nakatiis si Yuna sa kakulitan ni Clay kaya lumabas muna siya.

“Wait for me, my baby boy! Mommy is just going to check on something outside,” paalam ni Yuna sa anak.

Nagdesisyon na rin kasi si Yuna na maging full-time mommy sa anak at full-time wife kay Clay. Mas gusto niyang alagaan ang kanyang pamilya. Bumibisita lang siya sa mga negosyo niya. Gusto niyang siya ang magpapalaki kay Xandrei. Gusto niyang alagaan ang kanyang asawa.

“Yes, Mommy!”

Nagmamadaling lumabas si Yuna para harapin muna ang nahuhumaling na asawa. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad siyang hinawakan ni Clay sa bewang. Isinabit ni Yuna ang dalawang kamay niya sa leeg ni Clay. Sinandal siya ni Clay sa dingding at hinalikan siya sa pisngi at labi.

“Are you gonna take long? I can’t wait!” tanong ni Clay. Halata ang excitement ni Clay at ganoon din si Yuna.

“If you just wait quietly in our room, Xandrei will fall asleep soon. Napapansin at nakikita ka niya. Maybe he thought you were playing hide and seek,” paliwanag ni Yuna habang nagtagpo ang kanilang mga mata.

“Tayo ang maglalaro ng hide and seek mamaya,” masayang bulong ni Clay. Kumindat pa ang isa niyang mata. Hinalikan din niya ang matangos na ilong ni Yuna. Baba hanggang labi.

“Sige, patulugin ko si Xandrei. Just wait for me, my love!” Gumapang ang hintuturo ni Yuna sa dibdib ni Clay. Parang bagong kasal pa rin ang asal nila.

“Do I have any choice? I’ll really wait for you, I won’t miss this night,” mahinang sagot ni Clay at binitawan niya si Yuna mula sa pagkakayakap.

“Mommy!” Tinawag ni Xandrei si Yuna.

“Mabilis lang, promise!” bulong ni Yuna kay Clay. Tinalikuran ni Yuna si Clay, ngunit sinakmal ni Clay ang pwetan ni Yuna. Lumingon si Yuna at sabay kindat ni Clay.

“I love you!” Napangiti si Yuna.

“I love you, too!” Pumasok na ulit si Yuna sa kwarto ni Xandrei. Umupo siya sa tabi ng kanyang anak at nagkuwento tungkol sa pagkabata niya. Bumalik naman si Clay sa kwarto nila ni Yuna. Kumuha siya ng libro at binasa habang nakahiga sa kama.

Hindi nagtagal, nakatulog si Xandrei. Maingat na bumaba si Yuna sa kama para hindi magising ang kanyang anak. Lilipat na sana siya sa kwarto nila ni Clay. Magkatabi ang mga kwarto nila. Ang kwarto ni Xandrei ay ang dating kwarto ni Yuna.

Pagpasok pa lang ni Yuna sa kwarto nila ay naghihintay na si Clay. Walang sabi-sabing sinalubong siya ni Clay ng mapusok na halik sa labi. Gumanti naman si Yuna. Mabilis na tinanggal ni Clay ang blazer na nakapatong sa balikat ni Yuna. Ganun din ang ginawa ni Yuna, tinulungan din niyang hubarin ang puting t-shirt ni Clay.

Inangat ni Clay ang katawan ni Yuna at isinandal sa dingding. Sinarado ni Yuna ang baywang ni Clay gamit ang kanyang mga binti. Dahil payat ang katawan ni Yuna kaya siyang buhatin ni Clay. Hinawakan ni Clay ang magkabilang palad ni Yuna at itinaas.

Sinimulang halikan ni Clay ang asawa, sa labi, tenga, pababa sa leeg ni Yuna. Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan ni Yuna. Pakiramdam niya ay nasusunog ang balat niya sa bawat dampi ng labi ni Clay. Para silang mag-kaaway sa digmaan. Nag-aaway sa mainit na lugar.

Pero, nang ihatid ni Clay si Yuna sa kama. Bago pa niya maiangat ang itim na bestida ni Yuna ay bumukas ang pinto ng kanilang silid. Kinusot ni Xandrei ang kanyang mga mata. Mabilis silang tumayo.

“Diyos ko! Ano bang kasalanan ko na naging dahilan ng pagtigil—“ Hindi na natuloy si Clay at huminga lang siya nang malalim. Agad niyang kinuha ang puting t-shirt niya at isinuot.

“What’s wrong, my baby?” salubong na tanong ni Yuna sa kanyang anak.

“Daddy told me to play hide and seek, now!”

“What?” gulat na sabi ni Yuna at lumingon kay Clay.

“Baka nananaginip siya,” simpleng sagot ni Clay.

“Baby, kasama ko ang Daddy mo. Maybe you’re only dreaming,” paliwanag ni Yuna.

“No, mommy! Daddy woke me up to play with him,” giit ni Xandrei sa kanila. Tinuro niya si Clay.

“They wear different clothes,” dugtong pa ng bata.

Napatingin ulit si Yuna kay Clay. Tumayo si Clay mula sa pagkakaupo sa kama. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kanyang mag-ina ay binuhat niya si Xandrei.

“My little boy, maybe you’re just dreaming. Don’t worry! Daddy will play with you tomorrow, okay?” Pinunasan ni Clay ang ilong ni Xandrei.

“Really, Daddy?”

“Yes!” Tumango si Clay. Nilingon niya si Yuna.

“I’ll be the one to put him to sleep, maybe he misses me so he’s dreaming about me,” nakangiting sabi ni Clay kay Yuna. Tumango si Yuna.

“But that doesn’t mean, we will not continue what we have missed, humanda ka sa akin pagbalik ko,” paalala ni Clay. Tumaas baba pa ang kanyang dalawang kilay.

“Sure, I will wait for you,” nakangiting sagot ni Yuna. Gayunpaman, naapektuhan ang mood ni Yuna sa nangyari kay Xandrei. Kilala niya ang anak niya. Hindi ito magsisinungaling sa kanila. Pero, naguguluhan pa rin siya dahil imposible talaga ang sinabi ni Xandrei sa kanila.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 40: Intense Longing]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.