My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 41: Unang Pagdududa]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Pumalupot ang mga kamay ni Clay sa baywang ni Yuna, habang naghahanda ito ng almusal. Hinawi pa ni Clay ang buhok ni Yuna at hinalikan sa leeg. Napatigil si Yuna sa kanyang ginagawa.
“May kasalanan ka kagabi, have you forgotten?” bulong ni Clay at napangiti si Yuna. Inalis ni Yuna ang kamay ni Clay na nakayakap sa kanya at hinarap ang binata.

“Kasalanan?” tanong ni Yuna, kahit alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Clay. Hinaplos pa niya ang pisngi ni Clay.

“After I put Xandrei to bed when I returned to our room, you were already asleep,” paliwanag ni Clay.

“Hhmm… Is that what you mean? We can do it tonight,” malambing na sabi ni Yuna kay Clay.

“No, I can’t wait for tonight. Let’s do it now,” sagot ni Clay at hinalikan si Yuna sa labi. Parang sinisilaban na naman sila. Nagliliyab ang kanilang pakiramdam. Muling naglapat ang kanilang mga labi at nang maupo na ni Clay si Yuna sa lababo ay biglang tumunog ang doorbell. Nagsalubong ang kilay ni Clay.

“What now? Bakit hindi matuloy—” reklamo ni Clay at tumawa si Yuna.

“Mga bisita natin,” bulong ni Yuna at bumaba siya sa lababo.

“Visitors? Who?” nagtatakang tanong ni Clay.

“Charles and Sandra,” sagot ni Yuna at pumunta sa pinto para buksan ito. Mabilis na sumunod si Clay sa likod ni Yuna. Pagkabukas na pagkabukas ni Yuna ng pinto ay agad siyang sumingit.

“I’m just reminding you, Charles. Yuna and I are married. Xandrei is four years old. If you’re still planning to take her away from me, don’t go any further,” diretso ang bibig ni Clay sa kapatid. . Tumawa sina Yuna at Sandra, maski na si Charles.

“Ano? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Gustong-gusto ni Charles si Yuna!” Nanlaki ang mga mata niya. Tinapakan ni Yuna ang paa ni Clay. Napatalon si Clay sa sakit.

“Ouch!” Sinugod niya ang asawa. Binuhat niya ang katawan ni Yuna at pinaikot-ikot.

“Pinagtatanggol mo pa si Charles, huh!”

“Ano’ng ginagawa mo? Nagiging psycho ka na naman! I’m getting dizzy with what you’re doing. Stop!” reklamo ni Yuna. Binitawan ni Clay si Yuna mula sa pagkarga. Nagtama ang mga mata nila, malakas ang boltahe na lumabas. Parang may giyera na magaganap. Tumawa si Charles. Sabay na lumingon ang mag-asawa sa kanya.

“What’s funny? Zip your mouth!” sabay nilang utos kay Charles. Hindi napigilan ni Charles ang lalong pagtawa.

“You two still haven’t changed,” sabi ni Charles. Tinapik niya ang balikat ni Clay.

“I will definitely take Yuna from you if you hurt her feelings. Ako ang magiging ama ni Xandrei,” biro ni Charles.

“Ano’ng sabi mo? Gusto mo bang—”

“Ano ka ba, biro lang! I know you love Yuna very much!” Ngumiti si Charles. Huminga nang malalim si Clay.

“By the way, bakit kayo nandito?” tanong lang ni Clay sa kanila.

“Hindi mo ba muna kami papapasukin?” si Sandra ang nagsalita. Lumayo si Clay at Yuna sa may pintuan para makapasok sina Charles at Sandra. Pagkatapos, saba-sabay silang nagtungo sa dining table. Pagkaupo nina Clay, Charles, at Sandra, inilapag ni Yuna ang almusal na ginawa niya. Samantala, natutulog pa rin si Xandrei sa kwarto niya.

“What’s up? Why did you visit?” tanong muli ni Clay.

“We just want to see you and play with my niece, is there anything wrong?” sagot ni Charles sabay baba sa tasang hawak niya na puno ng kape.

“Nothing! But, you have come at the right time. I will be leaving soon para may makasama ang mag-ina ko,” paliwanag ni Clay. Nagkatinginan sina Charles at Sandra. Ang totoo ay may ibang pakay talaga silang dalawa kay Yuna. Na ayaw muna nilang sabihin kay Clay.

“Okay, hindi namin sila iiwan habang hindi ka pa bumabalik,” simpleng sagot ni Charles para pakalmahin ang kalooban ni Clay. Naging malalahanin kasi lalo si Clay.

Nagsimula na lang silang mag-usap habang kumakain ng almusal. Hindi nagtagal, lumipas ang oras. Nagmamadaling inayos ni Clay ang sarili. Hindi pa rin siya umaalis sa pagiging modelo at baka pasukin na rin niya ang mundo ng pag-arte. Dahil iyon ang kanyang ikinabubuhay para sa kanyang pamilya. Alam niyang mayaman sila, pero gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Hanggang sa nagpaalam na si Clay. Hinalikan niya ang noo at labi ni Yuna.

“I’m in a hurry, but I’ll be home soon. Kapag may binabalak na masama ang kapatid ko sa ’yo, just kick him, huh? You already know that,” bulong ni Clay.

“Grabe ka talaga! Charles won’t do anything bad,” bulong din ni Yuna sa asawa.

“Brother! Paalala ko sa ‘yo, huh?” sigaw ni Clay kay Charles.

“Hay!” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Charles. Samantala, umakyat si Sandra sa kwarto ni Xandrei para silipin ang bata. Nang umalis si Clay, siniguro ni Charles. Sumilip ito sa glass wall. Nakita ni Charles na umalis ang sasakyan ni Clay habang winawagayway ni Yuna ang kanyang kamay. Pagpasok pa lang ni Yuna sa pinto ay sinalubong agad siya ni Charles.

“We need to talk about Clay,” seryosong sabi ni Charles.

“Huh?” Nagulat si Yuna dahil hindi niya inaasahan ang narinig.

“We’d better talk about this while Xandrei is still asleep,” sabi ni Sandra habang bumababa siya ulit ng hagdan.

“Teka, naguguluhan ako! What’s happening?” Biglang nag-panic si Yuna. Hinawakan ni Charles ang kamay ni Yuna at pinaupo sa sofa. Tumabi sa kanya si Sandra.

“Wala ka bang napapansin kay Clay?” tanong agad ni Charles sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala ba siyang ginawang kakaiba sa ‘yo? O, pagpapakita ng pagbabago ng ugali?” dagdag pa ni Charles. Napailing na lang si Yuna.

“You know what, Yuna? Hindi ko na dapat ito sasabihin sa ‘yo pero kailangan mong malaman. One day Clay came to visit me and he wanted something to happen between us, you know, and—“

“What?” Tumayo si Yuna mula sa pagkakaupo.

“Hindi magagawa ni Clay yan!” Gumuhit ang galit sa mukha ni Yuna.

“I know! Kaya kami nandito ni Charles. I’m not stupid enough to agree. Parang hindi siya si Clay.”

“Tama si Sandra. One time, binisita niya rin ako sa opisina ko. Galit siya sa akin. Pero ngayon, he’s different,” dagdag pa ni Charles sa sinabi ni Sandra. Naningkit ang mga mata ni Yuna. Para siyang nahihilo sa mga sinasabi nina Charles at Sandra. Hindi siya makapaniwala. Nang biglang bumukas muli ang pinto ng kanilang bahay. Pumasok si Clay.

“What are those two doing here? Nakalimutan mo na ba ang ginawa nilang dalawa sa atin?” bulalas ni Clay. Napahawak si Yuna sa puso niya dahil sa sobrang kabog nito. Tumayo si Charles at nagsalubong ang dalawang kilay niya.

“Get out of my house!” sigaw ni Clay kay Charles at Sandra.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 41: Unang Pagdududa]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.