My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 49: Magmukmok ka muna!]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Tama si Clay, nagkulong si Yuna sa loob ng kwarto nila. Sa tuwing nagtatampo o masama ang loob ni Yuna, hindi niya nahaharap si Clay. Siguro, ayaw niyang sumabay sa init ng ulo o makipagtalo sa asawa.

Hindi siya sinundan ni Lawrence na impostor. Parang iniisip niya na makukumbinsi niya si Yuna. Ang totoong intensyon niya ay sirain ang relasyon nila ni Clay. Hindi niya susuyuin si Yuna. Hahayaan niya itong magkulong sa kwarto.

“That’s right! Don’t leave the room!” sigaw ng totoong Clay sa loob ng kwarto ni Lawrence kung saan tanaw niya ang pinto ng kwarto nila ni Yuna mula sa pinapanood niyang video na nakunan ng surveillance camera.

“Humanda ka sa akin, impostor! I can get out of your hellish place!” At biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lawrence. Sa wakas, dumating na rin si Charles. Agad siyang lumapit kay Clay at tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ng kapatid.

“Why are you late?”

“What? Ang hirap umakyat sa kabilang bahay. The important thing is that I’m here, I’m going to save you.”

“Hey!” Napabulalas na lang si Clay at lumapit siya sa screen kung saan niya makikita si Lawrence. Napangiti ang labi ni Clay.

“It’s Showtime!” Sabay tawa niya.

“Bago ka tumawa diyan, let’s get out of here. Let’s continue with our plans,” sabi ni Charles.

Balak nilang takutin si Lawrence. Ang totoong Clay ang magsisilbing anino ni Lawrence. Si Clay ay naghihintay ng isang sitwasyon, alam niyang mangyayari ito. At doon na nila mahuhuli si Lawrence. Magpapakita si Clay kay Yuna, malilito talaga si Yuna. Dalawa ang personalidad niya.

“Anong gagawin natin? Bakit hindi na lang natin siya arestuhin ngayon? Or should we call the police?” Nagsalita ulit si Charles.

“Mas matanda ka sa akin, hindi ba?” sagot ni Clay at tumango naman si Charles.

“You should use your brain more than mine. Kapag tumawag tayo ng pulis, it goes on the news. Mapapanood ito ni Xandrei at saka sa mga magulang natin. Hindi dapat basta-basta masisira ang image ko, Charles. I also take care of my family’s well-being. Kaya naman hiniling ko sa iyo na tulungan mo akong malutas ito ng tahimik.”

Huminga nang malalim si Charles. May punto si Clay. Una sa lahat, sikat na model si Clay. Kilala siya. At balak na rin niyang pasukin ang pag-a-artista. Noong binata pa lang siya, may babaeng dumikit lang sa kanya, agad siyang ginagawang isyu sa balita. Kung malalaman na ng buong mundo na may isang impostor na sumisira sa kanya at sa kanyang pamilya, kung may mangyayaring balita, maraming ingay ang magaganap. Lalo na, kilala rin si Yuna bilang isang sikat na Chef.

“Okay, fine! Let’s go! Umalis na tayo dito. Pero kapag hindi na natin kaya, kailangan pa nating humingi ng tulong,” anyaya at muling paliwanag ni Charles.

“Naguguluhan ka ba? O, nalilito?”

“Huh?”

“What is the use of that bag of mine on your back that you carried? I have surveillance cameras there. Ilalagay ko muna sa bahay niya gaya ng ginawa niya sa bahay ko. Dito ka na lang at panoorin mo siya sa screen kung babalik siya dito,” paliwanag ni Clay. Agad namang tinanggal ni Charles ang bag na nakasabit sa likod niya.

“Just hurry up!” matipid na sagot ni Charles.

Nagsimula nang ikalat ni Clay ang mga surveillance camera sa loob ng bahay ni Lawrence. Nakaupo lang si Charles sa isang upuan at pinanood ang screen. Nang makita niyang binuksan ni Yuna ang pinto sa kwarto nila ni Clay.

“Huwag kang lalabas ng iyong silid kasama si Clay,” sabi ni Charles. Hindi siya narinig ni Yuna, kaya nagpatuloy siya sa paglalakad. Bago humakbang ang mga paa ni Yuna sa hagdan para bumaba ay tumunog ang kanyang cellphone. Iyon lang ang naisip ni Charles, na tawagan si Yuna.

“Charles, are you—“

“Go back to the room first,”

agad na sagot ni Charles kay Yuna. Kumunot ang noo ni Yuna. Tumingin siya sa paligid niya. Bigla namang napahawak si Charles sa noo niya. Nag-iisip siya ng dahilan.

“Paano mo nalamang kalalabas ko lang ng kwarto?”

“Ha, kasi… ano?” Hindi alam ni Charles ang sasabihin, napaisip tuloy siya.

“What? Where are you?”

“Clay used to tell me na kapag nagtatampo ka o may konting away kayo, you lock yourself in your room. It’s just I feel like when you ran up to your room while I was still there, nag-away kayo. Maybe at this time, you just came out,” agad na nasabi ni Charles. Iyan ang pumasok sa isip niya.

“I was about to go down, to negotiate with him. I don’t want this to happen to us. Dapat namin pag-usapan na mag-asawa nang maayos ang mga bagay na hindi namin pagkakaunawaan, kaysa magalit ako na walang magandang mangyayari,” paliwanag ni Yuna.

“No! Ituloy mo lang ang pagtatampo mo sa loob ng kuwarto. It’ll do you some good!” Pinipigilan talaga ni Charles si Yuna na bumaba sa unang palapag kung nasaan si Lawrence.

“Charles?” Hindi makapaniwala si Yuna sa narinig.

“I mean, hayaan mo munang ma-realize ng kapatid ko ang ginagawa niya. Kung lagi mo siyang sinusuyo, hindi magbabago ‘yan,” paliwanag din ni Charles. Nang makita niyang tumayo si Lawrence mula sa pagkakaupo niya sa sala. Umakyat ito sa pangalawang palapag. Naglakad ito patungo sa pinto kung saan nakatayo si Yuna.

“Bye, Charles!” Pinutol ni Yuna ang pag-uusap nila ni Charles. Hinihintay niyang makalapit si Lawrence ang impostor ni Clay.

“Yari na!” Nagmamadaling lumabas si Charles sa kwarto ni Lawrence para hanapin ang totoong Clay na abala sa pagse-set up ng surveillance camera. Hindi na mapalagay si Charles dahil baka kung ano ang gawin ni Lawrence kay Yuna.

 

 

[Chapter 50: Surprise!]

Nakatitig lang si Lawrence kay Yuna. Ang tunay niyang dahilan ay tingnan ang kwartong kinaroroonan ni Yuna kung naka-lock pa ba ito. Nang makita niya si Yuna ay naging seryoso ang mukha niya. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Muli siyang bumaba at umalis. Hinabol siya ni Yuna.

“Where are you going? It’s getting dark?” Pinigilan ni Yuna ang impostor na si Lawrence. Nakahawak ang dalawang kamay ni Yuna sa braso ni Lawrence. Napatingin lang si Lawrence sa mga kamay ni Yuna na nakapulupot sa braso niya at pilit niyang tinulak palayo.

“Ano bang pakialam mo kung saan man ako magpunta?” Hinarap ni Lawrence si Yuna. Kumunot ang noo ni Yuna at nagsalubong ang kilay.

“Ano bang problema mo? Ever since you arrived, you seemed like you weren’t yourself. You’re not like that before!” Medyo napalakas ang tono ng boses ni Yuna at biglang hinawakan ni Lawrence ang braso niya.

“Nasasaktan ako! What’s going on with you, Clay? Let go of me!”

“Don’t worry about what I want to do in life. Sa simula pa lang alam mo nang ayoko na sa ‘yo. I was just forced to marry you. Kaya kung aalis ako at maghahanap ng aliw sa ibang babae, ‘wag kang makialam!”

Nanlaki ang mata ni Yuna. Sa gulat ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kaliwang pisngi ng impostor na si Lawrence. Nangilid ang luha sa mga mata ni Yuna. Tinulak siya ni Lawrence. At nang sinubukan siyang saktan ni Lawrence, nang sasampalin na sana niya ang mukha ni Yuna, may biglang humarang sa mga kamay nito— si Charles.

Nakalabas sina Charles at Clay sa bahay ni Lawrence na nasa tapat lang ng bahay nina Clay at Yuna. Pero bakit si Charles ang dumating? Nasaan ang totoong Clay? Nasaan siya? Dumiretso si Clay sa isang maliit na bahay sa likod ng kanilang bahay.

Doon nakatira ang caretaker niya simula pa noong mag-isa siya. Sinabi niya sa kanyang katiwala kung ano ang nangyayari at tinanong siya kung maaari siyang manatili doon pansamantala, upang ituloy ang kanyang mga plano at bantayan si Yuna. Pinagmamasdan na niya ang eksena nina Yuna, Charles, at ang impostor na si Lawrence. Nakikita niya ang buong kabahayan niya at ang kay Lawrence.

“Ikaw na naman! What are you doing here again?” Binawi ni Lawrence ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Charles, pero hinawakan siya nang mahigpit ni Charles.

“I don’t like what you’re doing to Yuna,” simpleng sagot ni Charles, pero nagpapanggap lang siya. Kasi nililinlang na nila si Lawrence. Ang mapaniwala nila si Lawrence na wala silang alam ni Clay tungkol sa kanya habang siya ang namamahala sa sambahayan nina Clay at Yuna.

“Huwag kang makialam sa ayaw naming mag-asawa at—“

“You probably know that I still like Yuna. Because of what you are doing, I will take her from you!” Binitawan ni Charles ang kamay ni Lawrence. Lumapit siya kay Yuna at hinawakan ang kamay nito. Nag-usap silang magkapatid na sumakay sa kalokohang ginagawa ni Lawrence.

“Alright, she’s yours! I do not care!” At pagkatapos ay tumalikod si Lawrence at ngumiti na parang demonyo. Akala niya ay nasa kanya ang tagumpay, ngunit nagkakamali siya. Susubukan na sana ni Yuna na habulin ang inaakalang asawa niya, ngunit pinigilan siya ni Charles.

“Huwag mo na siyang habulin. He was just angry that’s why he said those things,” paliwanag ni Charles at niyakap si Yuna.

“Hey, Charles! We didn’t talk about hugging my wife. Ang pinag-usapan natin ay ang iligtas mo lang siya. Humanda ka talaga sa akin!” Biglang narinig ni Charles ang totoong boses ni Clay sa maliit na device na nakaipit sa tenga niya.

Hindi napigilan ni Charles na matawa. Iba ang ugali ng totoong Clay sa impostor. Pagdating kay Yuna ay maselan. At iyon ang hindi pa napapansin ni Yuna dahil dinadala na siya ng masakit na emosyon. Kumalas si Yuna sa pagkakayakap ni Charles. Seryoso siyang nakatingin sa kanya habang tumutulo ang mga luha niya.

“What’s so funny, Charles? Is this just a joke to you and Clay?” tanong ni Yuna. Biglang natahimik si Charles.

“H-Hindi. Hindi naman sa ganun, Yuna. I just laughed because I know my brother. Maya-maya, babalik yan at yayakapin ka niya nang mahigpit,” simpleng paliwanag ni Charles, para gumaan ang pakiramdam ni Yuna.

“Hey, Yuna! You really have a bird-brain! Nanggigigil ako sa ‘yo!” Muling narinig ni Charles ang boses ni Clay sa kanyang tainga. Napailing na lang si Charles.

Samantala, nang makalayo si Lawrence. Tumingin muna siya sa paligid. Nang wala siyang makitang tao ay bigla siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niyang paninira. Gayunpaman, nang makarating siya sa kanyang silid. Nawala ang ngiti sa labi niya. Nakita niyang wala na si Clay. Sira ang lahat ng tv screens niya na konektado sa mga surveillance camera na inilagay niya sa loob ng bahay ni Clay. Sumigaw nang sumigaw si Lawrence. At ang bawat kagamitan na mahawakan niya ay binabaligtad at binabalibag niya. Nang bigla niyang marinig ang boses ni Clay mula sa isang speaker.

“Nagustuhan mo ba ang surpresa ko para sa iyo?” Tapos tumawa si Clay. Hinanap ni Lawrence ang speaker kung saan nanggaling ang boses ni Clay.

“Magpakita ka! Duwag!” sigaw ni Lawrence.

“If you want to play with me, I will!” huling sinabi ni Clay. Parang nabaliw si Lawrence sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi niya inaasahan na matatakasan siya ni Clay. Sinakmal niya ang kanyang mga kamao habang nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 49: Magmukmok ka muna!]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.