Hindi alam ni Lawrence na planado ng magkapatid ang lahat. Kasama sa plano nila ang pagpapahuli ni Clay para malaman nila ang katauhan, ugali, at kilos nito. Habang nag-uusap sina Clay at Lawrence, naririnig ni Charles. May maliit na kagamitan si Clay na nakatago sa kanyang damit upang maitala ni Charles ang lahat ng kanilang pinag-usapan. Buti na lang hindi nasira nung nag-away sila ni Lawrence.
Nangangahulugan lang iyon na alam ni Charles kung nasaan si Clay. Alam niya kung saan siya pupunta para iligtas ang kanyang kapatid. Hinihintay na lang ni Charles na dumating si Lawrence sa bahay nina Clay at Yuna. At gaya ng inaasahan ni Charles, dumating nga si Lawrence sa bahay ng mag-asawa. Buti na lang umalis na sina Xandrei.
“Why did you come so early today?” bati ni Yuna. Hindi alam ni Yuna ang nangyayari. Tiniis nina Charles at Clay na gamitin siya, dahil siya ang target ni Lawrence.
“I don’t have to go with the photoshoot. But later, I’ll leave again,” paliwanag ni Lawrence bilang impostor ni Clay. Kailangan niyang umalis para makitang muli ang totoong Clay.
“Ano’ng ginagawa mo dito? Won’t you stop visiting my wife?” Lumingon si Lawrence kay Charles. Medyo iba ang pakiramdam ni Yuna, nang iba ang ugali ng asawang nakita niya. Kumunot ang noo niya at lumingon kay Charles. Sakto namang nakatingin sa kanya si Charles. Ngumiti lang si Charles kay Yuna.
“Maybe my brother is tired, so he is not in the mood to see me. Alam mo naman, tumataas talaga ang dugo niya kapag nakikita niya ako dito. Basta, ‘yung napag-usapan natin, huh?”
“What did you talk about?” tanong agad ni Lawrence. Ang sumagot ay si Charles.
“I will take her away from you if you hurt her feelings,” pang-iinsulto ni Charles. Gusto ni Charles na ipakita ng impostor ang tunay niyang ugali. Hindi naman nabigo si Charles, agad siyang sinuntok ni Lawrence. Pero, hindi man lang bumagsak sa sahig si Charles dahil nakahanda talaga siya sa mangyayari.
“What is happening to you? Your brother isn’t doing anything wrong?” suway ni Yuna at hinarangan si Charles.
“Get out of there! Baka madamay ka pa sa away naming dalawa,” utos ni Lawrence kay Yuna.
“Hindi ko na maintindihan ang ugali mo. It’s good that Xandrei left first because I don’t want him to see you like that,” inis na sabi ni Yuna. Naningkit ang mga mata ni Lawrence, hindi niya namalayan ang pag-alis ng bata. Hindi niya ito nakita sa kanyang mga screen dahil maaga silang sinundo. Lalo siyang nanginig sa galit. Akmang sasalakayin niya ulit si Charles, pero napatigil siya nang hawakan ni Charles ang balikat ni Yuna.
“Aalis na lang ako Yuna. So that you and Clay don’t fight anymore,” sabi ni Charles. Labag man sa kanyang kalooban na iwan si Yuna, kailangan niyang maunahan si Lawrence sa pag-alis. Kailangan niyang iligtas ang tunay niyang kapatid. May tiwala si Charles kay Yuna. Alam niyang kilala niya ang totoong Clay.
“It’s good that way. Besides, I don’t want you to be seen here or caught in my house,” sagot ng impostor na si Lawrence.
“Clay!” sigaw ni Yuna.
“Why? Don’t I have the right to push away the people I don’t want?”
“You’re going too far!” Nangingilid na ang mga luha ni Yuna. At lahat ng nangyayari ay pinapanood ng totoong Clay dahil sa mga screen sa kwarto ni Lawrence kung saan siya nakakulong.
“Bilisan mo!” sinigawan ng totoong Clay si Charles sa pamamagitan ng isang maliit na aparato na nakatago sa kanyang damit. Galit na galit si Clay.
“I’m really sorry, Yuna. Aalis na ako,” sabi ni Charles.
“You don’t have to leave right away—”
“Para lumamig ang ulo ni Clay, I’m leaving! Just call me when you need help, okay?” Ngumiti si Charles kay Yuna.
“Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!” Pinalayas ni Lawrence si Charles. Hindi napigilan ni Charles na sumunod kahit gusto niya itong suntukin sa mukha. Kailangan niyang sundin ang plano nila ni Clay. Upang maging malinis din ang mga aksyon na kanilang gagawin.
“Humanda ka hayop ka! Hintayin mong bumalik si Clay. Matakot ka sa sarili mong multo na ginawa,” bulong ni Charles habang naglalakad palayo. Paglabas niya ay napatingin siya sa bagong bahay na itinayo sa tapat ng bahay ni Clay.
“Nakikita kita, nakikita ko rin si Yuna. Umakyat siya sa kwarto at doon nagkulong dahil sa galit niya sa impostor. Hindi bubuksan ni Yuna ang pinto hangga’t hindi nawawala ang galit niya. Bilisan mo, Charles. Iligtas mo ako rito!” Narinig muli ni Charles ang boses ng kapatid sa maliit na aparato na nakasuksok sa kanyang tenga at hindi iyon napansin ni Lawrence.
“Stay away first! He’s still watching you,” dagdag ni Clay kay Charles.
“Alright, I’ll just hide in a place where he can’t see me. Sabihin mo kung kailan ako papasok sa bahay niya.”
“Umalis ka na diyan, baka pagdudahan ka niya,” utos muli ni Clay. Lumingon si Charles sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto nina Clay at Yuna. Nag-aalala talaga siya kay Yuna.
“Charles, don’t worry! I can see inside my house. Sasabihin ko agad sa ‘yo kapag may gagawing hindi maganda ang impostor,” paalala ni Clay sa kapatid.
“Okay! The important thing now is to get you out of there,” sagot ni Charles at nagpasyang lumayo sa bahay ni Clay. Abot tenga ang ngiti ni Lawrence. Akala niya ay mas lalo niyang nasira ang pagsasama ng magkapatid. Pero nagkamali siya, may plano sina Clay at Charles sa kanya.
Gusto talaga nilang sabihin kay Yuna ang lahat, pero hindi nila magawa. Kailangan nila ang partisipasyon ni Yuna. Kailangan ay iba’t ibang emosyon ang dapat maramdaman ni Yuna habang kasama niya ang impostor. Kailangang makita ni Lawrence na totoo ang lahat para lalo pa siyang dayain at linlangin nina Clay at Charles. Gagawin ng magkapatid ang lahat para sa kaligtasan nilang lahat.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.



