Tawa nang tawa si Lawrence habang binalik ang tingin kay Clay. Agad namang lumipat si Yuna sa kabilang side ng kama at kinuha ang kumot para takpan ang nasirang blouse. Parang nababaliw na si Lawrence. Iba talaga ang ugali niya. At ang magpapatunay niyan ay si Yuna.
“Hindi ako nagkamali, I knew you were going to show up— the real Clay,” wika ni Lawrence at hindi niya alam na kinukunan siya ng video. Sinulyapan ni Clay ang asawang si Yuna para tingnan ang kalagayan nito. Umiiyak si Yuna habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Lawrence. Hindi pa rin makapaniwala si Yuna na magkamukha talaga sila.
“What are you going to do now? Are you going to kill me, huh?” Tumawa ulit si Lawrence.
Ang galit na naramdaman ni Clay ay maihahalintulad sa isang basong nilalagyan ng tubig. Kapag umapaw ang tubig, kumakawala. Kaya hindi napigilan ni Clay ang sarili. Ang kanyang puso ay hindi lamang puno ng galit, ito ay nag-uumapaw. Sinugod niya si Lawrence at sinipa sa mukha. Hindi naman umimik o lumaban si Lawrence, tawa lang ang naging sagot niya. Nanginginig naman ang kalamnan ni Yuna dahil sa nakita sa kanyang mahal na asawa.
“Iyan lang ba ang kaya mong gawin?” insulto pa ni Lawrence kay Clay.
Wala kang maririnig na salita mula kay Clay. Susugurin na lang niya ulit si Lawrence. Nag-away sila. Gamit ang kani-kanilang lakas. Gustong saktan ni Clay si Lawrence kahit madumihan ng dugo ang mga kamay niya. Para sa kanya, hindi matatawaran ang paninira at panggagaya sa kanya ni Lawrence.
Nagpalitan sila ng suntok. Hindi rin iniiwasan ni Clay ang mga kamao ni Lawrence. Parang naging bakal sa tigas ang katawan niya dahil sa tindi ng galit na talagang nararamdaman niya. Kaliwa’t kanang suntok at sipa ang pinakawalan nila. Wala silang pakialam kung saang parte ng katawan nila ito tumama.
Gumapang si Yuna sa isang sulok. Siniksik niya ang katawan niya doon. Nagtago pa siya sa kumot na hawak niya. Tanging mata niya lang ang nakakakita. Naghalo ang mga patak ng pawis at luha sa kanyang mukha at katawan.
“Hindi ako makapaniwala, you can hurt your own face!” Nakangiting sabi ni Lawrence habang pinupunasan ang dugo sa bibig niya.
“Shut up! Wala akong pakialam kung makita at masaktan ko ang mukha ko sa katawan mo. Ibabalik ko ang tunay mong mukha!” sigaw ni Clay at nang sasalakayin na naman niya si Lawrence ay may inilabas si Lawrence sa kanyang bulsa.
Isang maliit na baril. Naningkit ang mga mata ni Clay. Ibinaba ni Yuna ang kumot na nakatakip sa buong mukha niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Natakot din siya, lalo na’t biglang nalagay sa hukay ang buhay ni Clay.
“Duwag ka!” galit na sabi ni Clay at naikuyom niya ang mga kamao.
Iniisip din niya kung paano niya itatakas si Yuna sa loob ng kanilang silid dahil ayaw niyang madamay ito sa kanya. Dahil iba na ang nangyayari, may armas si Lawrence. Gayunpaman, natahimik siya nang bigla niyang naisip ang kapatid niyang si Charles. Napangiti ang labi ni Clay dahil alam niyang nakagawa na si Charles ng paraan. Alam niyang hindi sila pababayaan ni Charles.
Nataranta si Yuna sa ipinakitang reaksyon ng mukha ni Clay. Naglakad ang mga paa ng kanyang asawa patungo sa sliding door ng kanilang silid kung saan ito palabas sa balkonahe. Alam kasi ni Clay na susundan siya ng mga mata ni Lawrence kahit saan siya magpunta. Ginawa ‘yun ni Clay para hindi mahalata ni Lawrence si Yuna sa isang sulok.
“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan? Laugh as much as you want. Dahil ito na ang huling tawa mo,” seryosong sabi ni Lawrence at itinutok ang baril na hawak niya kay Clay.
Lumundag sa takot ang puso ni Yuna, wala siyang ginawa kundi magdasal. Hiniling niya sa Diyos ang kaligtasan ng kanyang asawa. Gusto niyang tumakbo palayo sa kwarto, pero parang nawalan siya ng buto sa paa dahil sa mga nangyayari. Ayaw din niyang iwan si Clay. Hanggang sa nakita ni Yuna si Charles sa pintuan. Nakita rin ni Clay ang kanyang kapatid. Kinuha ni Charles ang video recorder mula sa sahig. Nagtago siya sa gilid ng pinto. Kinuhanan niya ang magiging eksena para mas lalong maging matibay ang kanilang ebidensya.
“Wala kang masabi ngayon, natatakot ka ba? Naririnig mo ba na tinatawag ka ni kamatayan? Ang tanga mo lang! Hindi mo man lang naisip na alam kong darating ka,” nakangiting sabi ni Lawrence at tumawa lang si Clay. Napawi ang ngiti ni Lawrence at bigla niyang binaril si Clay sa binti. Tumama ang bala at napaluhod ang isang paa ni Clay. Napasigaw si Yuna. Walang pag-aalinlangan tumakbo siya sa gilid ni Clay at niyakap ang asawa.
“Tama na, Lawrence! Tumigil ka na!” Malakas na pakiusap ni Yuna at ipinagpatuloy ni Charles ang pag-vi-video sa kanila.
“Get out of there, Yuna! I still love you! Hindi totoo na hindi kita minahal. Nagsinungaling lang ako sa ‘yo dahil hindi mo ako kayang mahalin. Umalis ka dyan! Only one of us should be left. And that should be me! Ako lang ang may karapatan sayo! Kaya kong linisin ang pangalan kong muli, maniwala ka lang sa akin,” utos ni Lawrence kay Yuna.
“Get out!” Tinulak ni Clay si Yuna palayo. Ang iniisip lang ni Clay ay ang kapakanan at kaligtasan ni Yuna.
“No! I will not leave you. If you die, I will go with you,” simpleng sagot ni Yuna at tuluyang winasak ang blouse na suot niya para itali ito sa sugat na natamo ni Clay mula sa putok ng baril.
Malakas na sumigaw si Lawrence. Hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita. Biglang bumalik sa kanya ang nakaraan, nang ipagtanggol ni Clay si Yuna sa kanya. Kung paano pinili ni Yuna si Clay kaysa sa kanya. Itinutok ni Lawrence ang baril kay Yuna. Nanginginig ang kamay niya. Parang may narinig siyang boses na bumubulong at inuutusan siyang patayin si Yuna.
“Nababaliw ka na, Lawrence!” sigaw ni Yuna habang tinatakpan si Clay sa likod niya. Napasigaw ulit si Lawrence at akmang barilin si Yuna. Pero bago pa niya iputok ang baril na hawak niya ay may biglang baril na tumutok sa likod ng ulo niya.
“Ibaba mo ‘yang baril mo! Arestado ka!” sabi ng isang pulis sa likod niya. Inagaw ng isa pang pulis ang kanyang baril sa kanyang kamay. Ang kanyang mga kamay ay inilagay sa kanyang likuran at nilagyan ng posas. Masama ang tingin ni Lawrence kina Clay, Yuna, at Charles. Katabi na nila si Charles, dahil pagdating ng pulis na tinawagan niya ay agad niyang pinuntahan ang kapatid at tinulungan itong tumayo. Inalalayan din niya si Clay sa paglalakad.
“Sino sa atin ngayon ang tanga, Lawrence?” Nakangiting tanong ni Clay. Nagpupumiglas si Lawrence sa pulis dahil sa galit. Pero, wala na siyang magagawa dahil nahuli na siya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




