My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 54: News]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Maraming reporters ang nasa labas ng bahay nina Clay at Yuna. Hindi lang pulis ang tinawagan ni Charles kundi pati na rin ang iba’t ibang media. Kasama rin sa plano nilang magkapatid ang pagsisiwalat sa impostor sa buong mundo. Walang pakialam si Clay kung malaman ng buong pamilya nila. Dahil marami itong ginawang kalokohan at kasamaan.

Sa pamamagitan ng media, maililigtas ni Clay ang kanyang pagkatao. Matatanggal ang mantsa niya sa mga taong nakasalamuha ni Lawrence. Lalo na sa mga babaeng nakasiping nito. At para na rin hindi kaawaan si Yuna ng mga tao.

Bumukas ang pinto ng bahay ni Clay. Kinaladkad ng pulis si Lawrence. Walang tigil sa pagyuko ang ulo nito dahil sa mga kumikislap na ilaw mula sa maraming camera na nakapalibot sa kanila. Ngunit, hindi pa rin maiwasan ng kanyang ulo ang pagmasdan ang mga nagkalat na tao. Iyon ang ikinagulat ng mga reporters, lalo na nang lumabas ang totoong Clay kasama sina Charles at Yuna. Hindi makalakad nang maayos si Clay dahil sa tama ng bala sa kanyang binti.

“Oh my God! It’s terrifying,” sabi ng isang reporter at hinaplos ang kanyang balat gamit ang kanyang kamay.

“Sasabog ang balitang ito, it will make Clay Richwood even more famous,” sagot naman ng isa.

“Lalo na ang balitang gustong pasukin ni Clay ang mundo ng mga artista,” dagdag ng isang reporter.

Huminto ang mga pulis sa paglalakad kasama si Lawrence. Pinagkaguluhan sila ng mga reporters. Maraming tanong ang sumalubong kay Lawrence at hindi matanggap ng utak niya. Lalong sumakit ang ulo niya. Malakas siyang sumigaw. Mabilis namang tumabi ang mga reporters dahil, parang baliw talaga si Lawrence. Ang ginawa na lang ng mga ito ay lumapit sa totoong Clay. Dinala ng pulis si Lawrence sa kotse.

“What can you say about what happened?” Unang tanong na natanggap ni Clay mula sa mga mamamahayag.

“Honestly, I can’t believe it. But, when I found out and saw someone imitating me, I immediately took action.”

“Kailan mo nalaman?”

“Stop! I have to take my brother to the hospital. He had a gunshot wound to the leg. Masasagot lahat ng tanong ninyo sa pamamagitan nito,” wika ni Charles. Isang maliit na device ang ipinakita ni Charles sa lahat ng mga mamamahayag.

“Everything that impostor did here is recorded. Ito rin ang magpapatunay na malinis ang ugali at buong pagkatao ng kapatid ko,” dagdag ni Charles. Natahimik si Yuna. Ayaw niyang magsalita dahil hindi niya alam ang sasabihin. Nasa trauma pa rin siya at ang nasa isip niya ngayon ay ang magamot na si Clay.

“Just open your social media and you can watch everything there,” huling sabi ni Charles at naglakad na sila patungo sa sasakyan ni Clay.

Agad na ni-save ni Charles ang mga video files kaya mabilis niyang ipinadala kay Sandra. Si Sandra ang hiningan niya ng tulong para i-post at ikalat sa social media. Ginawa ni Sandra ang kanyang bahagi. Nanggigigil siya sa impostor dahil pati siya ay gustong lokohin. Buti na lang at naniniwala si Sandra na mahal na mahal ni Clay si Yuna dahil sa sarili niyang karanasan at nasaksihan sa mag-asawa.

Samantala, mabilis na nakarating ang balita sa mga magulang ni Clay dahil kay Ces. Buti na lang bata pa si Xandrei at hindi pa masyadong naiintindihan ang sitwasyon. Umiyak ang nanay ni Clay dahil sa nangyari. Gagawin ng ama ni Clay ang lahat para makatulong. Ganun din ang tatay ni Yuna. Lalo na, naging bahagi ito ng paghihiganti ni Lawrence. Kaya napagdesisyunan ng ama ni Yuna na hanapin ang ama ni Lawrence para matulungan niya itong muli.

Umalis na rin ang sasakyan ng pulis habang kasama na si Lawrence. Dadalhin ito sa presinto para mas maimbestigahan pa siya. Ipinaalam ni Charles sa mga pulis na susunod sila dahil kailangan munang gamutin ang binti ni Clay.

“Are you okay?” tanong ni Clay kay Yuna at hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Yuna habang nakaupo sila sa likod ng sasakyan. Nagmamaneho si Charles papunta sa ospital. Ngumiti si Yuna at tumango lang.

“I’m sorry if—-” hindi na naituloy ni Clay ang sasabihin niya ng bigla siyang niyakap ni Yuna.

“Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Don’t think too much. Ayoko na rin makadagdag sa mga problema mo. Hindi ako galit sayo, Clay. Ang mahalaga ay ligtas na tayo at nahuli na si Lawrence,” umiiyak na sabi ni Yuna. Alam niyang hihingi ng tawad si Clay sa kanya dahil hindi niya sinabi sa kanya ang totoo na alam na niyang may kasama silang impostor. Mas hinigpitan pa ni Yuna ang pagkakayakap kay Clay.

“Naiintindihan ko lahat ng ginawa mo. I should even thank you kasi inilayo mo agad si Xandrei,” dagdag pa ni Yuna. Ngumiti si Clay at niyakap din si Yuna.

“I love you and Xandrei very much. At alam kong matutuklasan mo ang impostor dahil kahit bird-brain ka, kilala mo ako!” Bigla siyang hinampas ni Yuna sa likod at kumalas sa pagkakayakap.

“You, you really are a psycho! You hid everything and even if you risk your life you will do everything just to catch Lawrence,” reklamo ni Yuna. Hinaplos ni Clay ang pisngi ni Yuna na may luha.

“Ganyan kita kamahal, kayo ni Xandrei!” Hinalikan ni Clay ang noo ni Yuna.

“Ahem! How about me? Won’t you thank me?” pang-iistorbo ni Charles sa kanila. Alam niyang naglalambingan na sila. Tinapik ni Clay ang balikat ni Charles.

“Maraming salamat. Dahil sa iyo, lalo pang lumakas ang loob ko. Ngayon ko lang naintindihan na kahit hindi talaga tayo magkadugo, minahal at inalagaan mo pa rin ako na parang tunay na kapatid. Forgive me then until now if I always doubted you,” paliwanag ni Clay. Tumalon sa tuwa ang puso ni Charles. Sa wakas, dumating na rin ang hinihintay niya. Ang tuluyan na pagkatiwalaan at tanggapin siya ni Clay.

“Kahit anong mangyari, ako pa rin ang panganay na anak ng Richwoods. I’m still your older brother,” simpleng sagot ni Charles na may ngiti sa labi. Natuwa rin si Yuna sa pagbabati ng dalawa. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Charles. Si Sandra naman.

“Yes?” sagot ni Charles.

“Kahit gaano ako ka-busy sa schedules ko, I still did your order. Okay, videos are all over social media,” halata sa boses ni Sandra na nagtataray siya.

“Thank you!”

“Thank you? Nothing is free these days, Charles!” Nagsalubong ang kilay ni Charles sa inis.Nagtinginan ang mag-asawa.

“Okay! how much? I will transfer it to your account immediately!” gigil na sabi ni Charles.

“Magkano? Ayaw ko ng pera?”

“Hey, what do you want?” igaw ni Charles. Humagikgik sina Clay at Yuna. Naka-loud speaker ang cellphone ni Charles dahil nagmamaneho siya. At ang gusto talaga ni Sandra ay si Charles.

“Ang katawan mo! Oh, yes! Date me!”

“What the hell did—-”

“Hey! Don’t complain, Charles. Sige, ide-delete ko lahat ng posts ko sa social media,” pananakot ni Sandra. Sinuntok ni Charles ang manibela.

“Just relax, Charles. Baka mabangga tayo!” Tumawa nang malakas si Clay.

“Clay, sabihin mo sa kapatid mo, I want a date. Bye!” Pinutol ni Sandra ang kanilang usapan. Namumula na ang ilong ni Charles sa galit. Nagtawanan ang mag-asawang Clay at Yuna.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 54: News]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.