“HOW did you know?” tanong niya kay Belinda. Bigla ay sumakit ang kanyang ulo. Nahilot niya ang kanyang sintido.
“I just know,” taas-noong sagot nito. “Let’s go girls.” Iyon lamang at tinalikuran na siya nito.
Isang mahaba at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Alam niyang mahihirapan siyang magpaliwanag kay Dianne pero susubukan niya. Kailangan malaman nito ang panig niya…ang totoo.
Pagkatapos ng huling klase nila sa hapon ay nagmamadali siyang tumayo.
“Dianne,” tawag niya rito. Sinikap niyang sabayan ito sa paglalakad pero sadyang may pagmamadali sa hakbang nito.
Hindi ito lumingon.
“Sandali lang.”
Pero tila wala itong narinig. Lakad-takbo ang ginawa nito. Ang ilan sa mga kaklase nila at ibang estudyante ay nakatingin sa kanila.
“Puwede bang pakinggan mo muna ako,” pakiusap niya rito.
Doon ito huminto. Sinalubong nito ang mga titig niya. Galit ang nababanaag niya sa mga mata nito. He sighed. It was his fault.
[mycred_sell_this]
“Ano ang ipapaliwanag mo? Itatanggi mo ba na pinagpustahan niyo lamang ako ng mga kaibigan mo?” mahina subalit mariing sabi nito.
“Hindi ko itatanggi —” Nahinto siya sa pagsasalita dahil muli itong naglakad.
“Wait up. You don’t know the whole story. It’s not what you think,” aniya.
Subalit hindi siya nito pinansin. Laylay ang balikat niyang hinabol na lamang ito ng tanaw. Ilang sandali siyang nasa ganoong ayos nang tapikin siya ni Troy.
“Paano niya malalaman ang totoo kung hindi niya ako hahayaang magpaliwanag?” malungkot ang kanyang tinig.
“Just let her be for now. But I have a plan,” nakangiting sabi ni Troy.
He nodded. Kailangang malaman ni Dianne na wala talagang naganap na pustahan sa pagitan nilang magkakaibigan. Iyon ang gustong mangyari ng kanyang mga kaibigan noong una. Pero hindi siya pumayag.
“Bakit hindi na lamang natin pagpustahan kung sino kina Vince at Troy ang unang makakapagpasagot kay nerdy girl?” si LA.
“Call ako diyan,” panabay na wika ni Lee at Hanzel.
“Ikaw Vince?” tanong ni LA.
“At ano naman ang prize ko kung sakaling manalo ako?” tanong niya.
Nagkatinginan at tatlo. Si Troy ay napapailing.
“Ikaw? Ano ba ang gusto mong prize?” tanong sa kanya ni LA.
Sa gulat nilang lahat ay bigla na lamang tumayo si Troy at iniwan sila.
“Ano’ng problema ng isang iyon?’ si Hanzel.
“Hayaan mo na lamang,” si Lee.
“So, Vince, ano’ng prize ang gusto mo?” muling tanong ni LA sa kanya.
Tinungga niya muna ang alak bago siya sumagot. “Nah,” aniya sa mga ito.
“What do you mean?” kunot-noong tanong ni LA.
“Hindi ako papayag na pagpustahan natin si Dianne,” sagot niya.
Maang na napatingin sa kanya ang mga kaibigan.
Hindi niya pinatulan ang gustong mangyari ng mga kaibigan. Totoo sa loob ang ginawa niyang pakikipaglapit kay Dianne. Aaminin niyang matapos ang senaryo sa pagitan nila noon sa pool ay hindi na iyon nawala pa sa isipan niya. Nang araw na iyon may kakaibang damdaming binuhay sa kanya ang dalaga na hindi niya mabigyan ng pangalan. Kaya naman inumpisahan niya ang mapalapit rito — ang maging kaibigan ito. Gusto niya rin malaman kung ano ba talaga ang banyagang nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Bukod pa roon ay gusto niya rin makabawi sa lahat ng pang-aasar na ginawa niya…nilang magkakaibigan dito. Pero habang unti-unting nakikilala niya ang dalaga ay nakita niya kung gaano ito kabuting tao. Hindi ito marunong magtanim ng galit sa kapwa. Kahit na tuksuhin pa ito ay balewala lamang dito iyon. At kapag nilapitan ito ng kanilang mga kaklase para magtanong ng assignments ay agad itong nagtuturo. Masarap din itong kasama. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakasama niya na puros pagpapaganda lamang ang alam gawin. Hindi man ito modernong manamit. Nakasuot man ito ng pang-Miss Tapia na salamin ay hindi maitatago ang paghangang unti-unti niyang nararamdaman para rito. Dianne was a great person. Inside and out.
SA LOOB ng klase ay tahimik lamang si Dianne. Nang makita niyang papasok si Vince sa classroom ay lihim siyang napaungol.
“Dianne, I —”
“Just go away!” she cut his sentence. May diin ang bawat katagang sabi niya.
“But —”
“I hate you, Mister Vince dela Torre,” she hissed.
“Arte mo naman, Liwanag,” sigaw ng isa nilang kaklase.
“Ikaw na nga ang pinapansin ni Vince ay nag-iinarte ka pa,” sabad naman ng isa pa.
“I hate you,” muling sabi niya sa galit na tinig. “I hate all of you,” galit na baling niya sa mga kaklase niya.
Nakita niyang nagulat ang mga ito sa outburst niya. Si Vince ay nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.
Sinalubong niya ang mga titig nito. Their eyes locked up for a moment. She was very mad. Ilang sandali pa ay ito mismo ang nagbawi ng tingin.
Hindi na siya pumasok pa sa mga sumunod na subjects niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagka-cutting classes siya. She was really pissed off. Pinalipas niya na lamang ang oras sa cafeteria hanggang sa matapos ang klase ng kanyang pinsan.
Naglalakad na siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Cherry nang makita niya si Vince. Tila may hinihintay ito. Agad ang pagkabog ng kanyang dibdib. Sa halip na dumiretso siya ay nagdesisyon siyang bumuwelta at nagmamadaling naglakad. Magtetext na lamang siya sa pinsan na sa library na lamang sila nito magkita.
“Dianne!”
Walang lingon-likod na tumakbo siya.
“Dianne, wait up,” muling sigaw nito.
Subalit hindi niya ito pinansin. Nang makarating siya sa corridor ay lakad-takbo na lamang ang kanyang ginawa.
“Ay!” impit niyang sigaw. Na-off balance siya. Mabuti na lamang at may mabilis na umalalay sa kanya.
“Are you all right? Where have you been? Hindi ka na pumasok?” sunod-sunod na tanong ni Troy sa kanya.
“Teka, may humahabol ba sa’yo? Nakita kitang tumatakbo.”
Lumingon siya. Wala na si Vince na nakasunod sa kanya kanina.
“Dianne?” untag sa kanya ni Troy.
“Ahm, okay lang ako. Sige mauna na ako.” Iyon lamang at tinalikuran na niya ito.
Nakakailang hakbang na siya nang muli siyang tawagin ni Troy. Nilingon niya ito.
“Yes?”
“Are you all right?” there was sincerity on his voice.
“Why, Troy?” masama ang loob na tanong niya rito. Sa loob ng maikling panahon ay naging kaibigan niya rin ito. “Bakit ka pumayag na pagpustahan ako? Akala ko ba kaibigan kita?”
“Hindi —”
“Akala ko iba ka sa kanila, hindi pala.” Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya bago niya ito iniwan.
SA SILID ni Dianne ay tahimik siyang umiiyak. Ilang gabi na lamang na iyon ang eksena niya kapag gabi na at nag-iisa siya sa kanyang silid. Pero sa pagkakataong iyon ay pilit niyang sinusupil ang kanyang mga luha dahil baka mamalayan siya ng kanyang inang himbing na natutulog. Noong isang araw pa dumating ang nanay niya. May isang linggo rin ang ilalagi nito sa Cavite.
Nang bahagyang kumislot ang ina ay pinunasan niya ang kanyang mga mata. Nang masigurong himbing pa rin ito ay nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Bago pilit na gumawa ng tulog.
Yugyog sa balikat ang gumising sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata bago mabigat ang katawan na bumangon.
Naupo siya sa gilid ng kama. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay tila siya isang pre-schooler na maiiyak dahil ayaw niyang pumasok sa escuela.
“Alas-sais y media na. Kanina pa gising ang pinsan mo,” anang kanyang ina na inaayos ang kanyang hinigaan.
“Maligo ka na at baka tanghaliin kayo pareho ni Cherry.”
“E, ‘ma, hindi po ako papasok,” aniya.
Sandali itong huminto sa ginagawa at nilapitan siya.
“Aba’y bakit? May sakit ka ba?” hinawakan nito ang kanyang noo. “Wala ka naman lagnat ah.”
“M-masakit po kasi ang ulo ko,” aniya. Na siya namang totoo dahil halos mag-uumaga na nang siya ay makatulog.
“Umiyak ka ba Dianne? Marahil ay napansin ng kanyang ina ang pamumugto ng kanyang mga mata.
“M-masakit nga po kasi ang ngipin ko.”
“Akala ko ba ay ulo mo ang masakit?”
“Damay na ho ang ulo ko kaya nga po hindi ko napigil ang pag-iyak dahil sa sobrang sakit,” palusot niya.
“O, siya, sige. Humiga ka na lamang uli at dadalhan na lamang kita rito ng almusal. Sasabihin ko na rin kay Cherry na sabihin sa mga professors mo na hindi ka makakapasok dahil may sakit ka.”
Ilang sandali lamang na nakakalabas ang kanyang ina ay si Cherry naman ang pumasok sa kanyang silid.
“May sakit ka daw?” tanong nito. Pero nanunuri ang mga mata nito.
Hindi siya sumagot. Napabuntong-hiningan naman ito.
“Kung si Vince ang dahilan —”
“Ayokong marinig ang pangalan niya,” putol niya sa sasabihin sana nito.
“Pinsan, hindi mo siya maiiwasan. Kaklase mo kaya siya, haler,” anito.
“Kaya nga hindi ako papasok e,” pagmamaktol na saad niya.
“Bakit kapag ba pumasok ka bukas, hindi mo na siya kaklase?”
“Naman kasi e,” naiiyak na sabi niya.
“You get my point, do you? Sabi ko naman sa’yo, huwag kang magpaapekto.”
“Sobrang nasaktan lang kasi talaga ako sa ginawa ni Vince,” nakalabing wika niya.
“Obvious naman e. O, siya, sige, palipas ka na lamang muna ng inis mo. Sasabihin ko na lamang kay Troy na sabihin sa mga professors ninyo na may sakit ka,” anito.
“Ikaw na lamang ang magsabi sa mga professors ko. Huwag mo ng abalahin pa si Troy,” aniya.
“Galit ka rin kay Troy?”
“Kasama siya sa nakipagpustahan,” nakaismid na sabi niya.
Napakamot ito ng ulo. “All right, ako na lang ang magsasabi.” Iyon lamang at nagmartsa na ito palabas ng kanyang silid.
ANG isang araw na pag-absent ni Dianne ay naging tatlong araw. Nagkatotoo kasi ang pagkakasakit niya. Well, sinat lang naman. Kahapon ay dinalaw siya ni Troy pero hindi niya ito hinarap. Kahit anong pilit sa kanya ni Cherry na kausapin niya si Troy ay tumanggi siya. Masama pa ang loob niya rito.
“Kaya na ba ng katawan mo na pumasok bukas?” tanong ni Cherry nang pumasok ito sa kanyang silid.
“Biyernes na naman bukas. Hindi na lang siguro ako papasok,” sagot niya.
“How about sa Saturday?”
“Ano’ng meron sa Sabado?” kunot-noong tanong niya.
“It is our acquaintance party! Don’t tell me na nakalimutan mo na?” nanlalaki ang mga mata nito.
Napa-‘ah’ siya. She totally forgot about that. Palibhasa’y hindi naman siya interesadong mag-attend sa party na iyon.
“Hindi na siguro ako pupunta,” malungkot na pahayag niya.
“What?” medyo exaggerated ang reaksiyon na iyon ng kanyang pinsan. “Tita, hindi raw a-attend si Dianne ng party namin sa Sabado,” pagsusumbong nito sa kanyang ina nang sumungaw ito sa pinto. May bitbit itong tray. Hindi kasi siya nakasalo sa hapunan kung kaya dinalhan siya ng ina.
“Kung masama pa ang timpla ng katawan niya e, hindi niya talaga dapat pilitin na pumunta sa party na iyan,” anang kanyang ina.
Cherry rolled her eyes. She smiled. Akala ng pinsan ay nakahanap ito ng kakampi. Knowing her mother ay mas sisiguraduhin nito ang kalusugan niya.
Nilapitan siya ng ina matapos nitong mailapag ang tray sa bedside table. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang kanyang leeg.
“Ipahinga mo na lamang ang katawan mo ngayong araw para bukas ay makabili ka ng isusuot mo sa party,” nakangiting sabi ng kanyang ina.
“Akala ko ba —”
“Sinat lang ang sakit mo anak at kahapon ka pa magaling. Hindi ko nga maintindihan sa’yo kung bakit hindi ka pa rin pumapasok. Isa pa, nakakapanghinayang naman kung hindi ka a-attend ng acquaintance party ninyo. Sasamahan kita bukas sa mall para makabili ka ng isusuot mo.”
Pumalakpak si Cherry. Dianne rolled her eyes.
“Sama ako, tita. Hindi na rin papasok bukas. I’m so excited,” tili ni Cherry.
Napapailing na lamang siya.
KANINA pa gustong maupo ni Dianne. Kanina pa sila paikot-ikot sa mall pero wala pa silang napipiling isusuot sa party bukas. Pagod na pagod na siya sa kalalakad. Ang kanyang ina ay hindi na nakasama pa sa kanila dahil may tumawag rito na interesadong bibili raw ng lupa nila sa Bicol.
“Puwede bang kumain muna tayo,” reklamo niya. Wala yatang kapaguran ito sa paglalakad.
“Wala pa nga tayong napipili e,” anito.
“Sige na,” pamimilit niya. Masakit na talaga ang kanyang mga binti.
“Sige na nga.”
Sa isang Chinese restaurant sila kumain.
“So, ano ba ang color na bagay sa akin?” tanong ni Cherry habang kumakain sila.
“Maputi ka naman kaya kahit anong kulay bagay sa’yo,” sagot niya.
“Ako na rin ang bahalang pumili ng isusuot mo ha?”
Kibit-balikat lamang ang isinagot niya at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain.
“Promise, magiging maganda ka bukas, pinsan,” anito na kinindatan pa siya.
Next to: Nerdy Girl Meets the Campus Heartthrob (Chapter 9)
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




