MARIIN at may pagmamadaling tinapakan ni Ashton ang silinyador ng minamanehong sasakyan. He took a quick glance at the Manila City Hall’s Clock Tower. Labinlimang minuto bago mag-alas otso ng umaga.
“Don’t turn on red yet,” usal niya nang mapansing nakakulay-dilaw ang traffic light.
Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya lang ay tila may balat siya sa puwet dahil biglang nagkulay pula ang signal light. Nasundan pa ang kamalasan niya dahil nang mag-go naman ang signal ay daig pa ng pagong ang nasa unahang sasakyan sa kupad ng takbo.
Inabot niya sa dashboard ang bluetooth earpiece at saka dinayal ang numero nang imi-meet niya.
“Ma, I might be late—”
He was unable to finish what he was about to say. Nagsalita na ang kausap. “I won’t accept any excuses, Ashton.”
Iyon lamang at pinatayan na siya nito ng telepono. Hindi niya napigilan ang mapamura. Nasundan pa ang pagmumura niya dahil sa nasa unahang sasakyan.
“Sh*t!” Muli niyang pagmumura nang walang anu-ano’y huminto ang sasakyang nauna sa kanya. Rinig niya ang pagbangga ng bumper niya sa likuran niyon.
Agad siyang napaibis ng kotse. Kinatok niya ang 1997 Mitsubishi Lancer na halatang napaglipasan na ng panahon ang hitsura. Lumabas naman ang lulan niyon na hawig din ng kotse.
“I’m so—”
Hindi niya hinayaang tapusin nito ang sasabihin. Wala na siyang oras. “Manang, hindi na dapat kasi kayo nagda-drive kung hindi naman na ninyo kaya. Tingnan ninyo ang nangyari. Nakadisgrasya pa tuloy kayo.”
Ilalabas na sana niya ang calling card niya nang magsalita ito. “What did you call me?”
Ibinalik niya ang tingin dito. “Huh?”
“Did you just call me Manang?”
His brows furrowed. “Yes?” Medyo alanganin pa niyang sagot. Hindi rin niya napigilan ang pagpasada ng tingin sa kabuuan nito. Naka-business attire ito. At mukhang nagkamali siya. Kung pagbabatayan ang hubog ng katawan nito ay hindi ito gaya ng inaakala niya. Itinaas niya ang tingin dito ngunit kasabay niyon ay nakaani siya ng isang malakas na sampal dito.
Nasapo niya ang kaliwang pisngi. “What was that for?”
“Sa pambabastos mo! Don’t worry, ‘yong damage sa sasakyan mo, I will pay for it.” Kapagkuwan ay may kinuha ito sa kotse at saka inabot iyon sa kanya. “Just text me your account number para mai-transfer ko kaagad ang perang kailangan mo.”
Hindi na niya nagawang makapag-react pa dahil agad na itong pumasok sa sasakyan nito. Padabog pa nitong sinara ang pinto.
What the heck just happened?
NAGPALINGA-LINGA si Beatriz at nang makita ang hinahanap ay nagdudumaling pinuntahan niya ang kinauupuan niyon.
“I’m so sorry, Miss P.,” hinging paumanhin niya pagkabeso sa ginang. “I just had a little accident. Pasensya na po kung pinaghintay ko kayo.”
Iwinasiwas ng ginang ang isang kamay nito sa hangin. “Ikaw talaga Bea, ang hilig mong humingi ng sorry, eh samantalang hindi ka naman late. Naaga lang talaga ako ng punta. But, is everything alright now?”
She just nodded. Ayaw na niyang maalala pa ang nangyari. “Ano po ba ang sadya ninyo?” tanong na lamang niya. “Or shall we eat first?”
“Siguro nga dapat kumain muna tayo dahil ‘yong hinihintay ko mukhang male-late na naman.”
Bago pa man nito natawag ang waiter at bago niya maitanong kung sino pa ang hinihintay nila ay may isang lalaking humahangos na lumapit sa kanilang kinauupuan.
“I’m so sorry for being late, Ma,” sabi nito pagkahalik sa tinutukoy nitong ina, na walang iba kundi ang Presidente ng kanyang pinagtatrabahuhang Max Impact Advertising.
“You should be.” ani ginang at kapagkuwan ay bumaling sa kanya. “Bea, I would like you to meet my son, Ashton. And son—”
Hindi natapos ng ginang ang pagpapakilala nila sa isa’t isa dahil kapwa sila napabulalas ng sinasabi nitong anak nang makita nilaang isa’t isa. It was the jerk that she encountered earlier.
“You… How did you know my Mom?” tanong nito.
Iniayos niya ang pagkakasuot ng salamin sa mga mata. “I just do.”
Manghang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ang ginang. “Oh, I didn’t know that you knew each other.”
“I actually just met him earlier, Miss P.,” ngiwing saad niya. “I mentioned that I had a little accident before I got here, at siya po ‘yung nakaaksidente ko.”
“Oh my, ano na namang trouble ang dinala sa ‘yo ng anak ko? Are you okay?”
“Ma, ang sasakyan ko dapat ang kinukumusta ninyo,” sabat ng binata at saka umupo sa isang bakanteng upuan. “Ano ba kasing ginagawa niya rito? I thought, we will discuss about what I asked last time.”
“Oo nga,” sagot ni Miss P. “Kaya nga rin nandito si Beatriz.”
“And why should she be here? Will she be my assistant”
Tinampal ng ina nito ang kamay nitong nakapatong sa mesa. “Ayusin mo nga lang ‘yang pagsasalita mo.” Napailing-iling pa ito. “Hindi mo siya magiging assistant. She is by the way Beatriz Catacutan, the Vice President of Max Impact.”
“You’re the Vice President?” maang nitong tanong sa kanya.
Hindi malaman ni Beatriz kung matatawa ba siya o ano sa reaksyon nito. Tumikhim siya para maiwasang kumawala ang tawa sa kanyang bibig. “Hindi ba may binigay akong calling card sa ‘yo kanina? You can check it for verification.”
Agad naman nitong kinuha ang tinutukoy sa bulsa ng pants nito.. Disbelief was written all over his face. Mukhang hindi nito binistahan iyon ng tingin kanina. Bumaling ito sa ina. “Then what is the Vice President doing here, Mom?”
“Because you will be her secretary…”
“MOM, I’m your son! I should be the Vice President, not the secretary of the vice president.”
Kung nagulantang si Ashton sa sinabi ng ina, mas higit na nabigla si Beatriz. Hindi niya akalaing ang anak pala nito ang imunungkahing maging sekretarya niya. Kailan lang kasi ay sinisante niya ang sekretarya sa pagiging late nito kaya naman talagang nangangailangan siya ng aasiste sa kanya. But not this man. Kahit pa yata ito pa ang anak ng Presidente ay hindi niya gugustuhing maging sekretarya ito. Hindi lang dahil sa asal nito kundi dahil isa itong lalaki.
Not a male secretary. At alam iyon ni Miss P. Kung may nakakaalam man ng history ng pagkaayaw niya sa mga lalaki ay ito iyon. Dahil sa superior niya ito, ipinaalam niya rito ang tungkol doon. Magaan din kasi ang loob niya sa ginang. Ito rin ang nakakita ng potensyal niya at nag-angat sa kanya sa posisyon niya ngayon.
Naibalik niya ang tingin sa mag-ina na ngayo’y nagtatalo.
“You have to understand, son. Wala ka pang karanasan sa pagha-handle ng kompanya. Kailangan mong pag-aralan muna ang pasikut-sikot sa kompanyang ito. At si Bea ang makakatulong sa `yo sa bagay na `yon.”
Tiningnan naman siya ni Ashton. “So you mean, Mom, inihahanda ninyo ako para maging next Vice President?” Sinuri siya nito ng tingin. “Kailan ka ba magre-resign, Beatriz?”
Alam niyang namumula ang mga tainga niya nang mga sandaling iyon. Bastos talaga itong anak ni President Eliza.
Tinaasan ni Beatriz ng kilay ang lalaki. “Excuse me? I’m sorry to disappoint you. I won’t resign. At hindi ako lalo magre-resign para ibigay lang sa `yo ang posisyon na ˋto. I’m sorry, but I think you are underqualified for this position.”
Tila napamaang ito sa ipinahayag niya. Awang ang labi nito nang tumingin sa ina. Samantalang hinging paumahin naman siyang tiningnan ni Miss P. She slightly squeezed her right hand that is atop the table.
“You might have been surprised. Alam kong ide-decline mo itong suggestion ko, but please sana pagbigyan mo ako. Just this time. Kahit anim na buwan o hanggang isang taon lang?” pakiusap nito.
Nagtanan siya ng buntong-hininga. Sino ba siya para tanggihan ang kahilingan nito? Hindi niya alam kung paano niya matatagalan ang lalaki pero bahala na. Kaya sa huli ay mabini siyang napatango sa ginang.
“You are unbelievable, Mom.” Hindi makapaniwalang sabi ni Ashton.
Binalingan ito ni Miss P. “If you’re really serious in handling the company, then you have to deal with this.” Kapagdaka ay tumunog ang cellphone nito. Pero bago nito sinagot iyon ay nilingon siya nito. “I’m so sorry, I have to go. Ikaw na ang bahala sa anak ko, Beatriz. Thank you so much!”
Wala na siyang nagawa nang bumeso ito at iwan siya sa napakabait nitong anak. Akmang tatayo ito pero hindi niya ito hinayaan.
“Mr. Ashton Lizeralde, please stay. May mga idi-discuss pa ako sa `yo. As you are now my secretary,” pinagdiinan niya ang pagiging secretary nito sa kanya. “…may mga rule kang dapat isaalang-alang.”
“Are you serious? Inuutusan mo ko?”
Natawa si Beatriz nang pagak. “Yes, I’m giving you an order. Gusto mo ba uling bigyan kita ng calling card para maalala mong ako ang Vice President ng Max Impact?”
Hindi ito nakahuma sa kanya. Ngumiti siya nang matagumpay. “Okay,” panimula niya. “First rule, you shoud come on time. Ayoko ng late. Kung gusto mo talagang magkaposisyon sa kompanyang ito, magsumikap ka.”
Kitang-kita niya ang pagkairita sa mukha nito. “I know.”
“I know daw pero kanina lang ay late ka,” hindi niya naiwasang ikomento.
“So what’s the next rule?” pag-iiba nito ng usapan.
Napasandal siya sa kinauupuan. “Second rule. Kapag may mga meeting ako, dapat detalyado ang minutes of the meeting. Ayoko ng may kulang na impormasyon. Importante sa akin maski maliliit na detalye.”
Napatingin pa siya kay Ashton bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ewan ba niya kung nakikinig ito. “At karagdagan pa pala sa first rule, dapat mas mauuna kang dumating sa akin. Gusto ko nakaayos na ang mga file na kailangan kong basahin sa mesa ko. And prepare me a coffee, black, no sugar no cream.”
Doon ito nag-react. “Pati pagtitimpla ng kape, gagawin ko rin? Kasama ba iyon sa training ko para maging next Vice President?”
“Yes.” Pilit niyang pinakalma ang sarili. “Dahil ang una mong dapat matutunan ay sumunod. And that’s the third rule, ayoko ng mareklamo. Ayoko ng matanong. Just do as I say.” Matigas at may diin niyang pahayag.
Nasapo ng palad nito ang sariling noo. “Hindi ko akalaing ito pala ang kapalit ng pagkakaroon ko ng interes sa kompanya.”
“Let me guess,” saad niya. “Nagkainteres ka lang sa kompanya dahil gusto mo ng power and money. Am I right, Mr. Ashton? Dahil hindi ang gaya mo ang magkakaroon ng concern para pamahalaan ang kompanya ninyo.”
“Miss Beatriz Catacutan, anak pa rin ako ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo.”
“Yeah. Kilalang-kilala ka nga ng lahat sa pagiging blacksheep mo sa pamilya ninyo.” Bago uli ito makapagsalita ay inunahan na niya ito. “Fourth rule, you should be one foot away from me. Kahit saan. Kahit sa anumang sitwasyon. One foot away.”
Natawa ito. “Bakit, Miss Catacutan? Natatakot ka ba na kapag malapit ako sa `yo, eh, malaglag ang puso mo?”
“Ha-ha-ha,” pekeng tawa niya. “Malabong mangyari ˋyan. Baka ikaw ang matakot dahil baka sa huli hindi mo makuha ang kung anuman ang gusto mo sa kompanya.”
His lips twitched. “We’ll see.” Tumayo ito. “I’ll see you tomorrow then.”
Siya naman ang ngumiti nang mapang-uyam. “No, Mr. Lizeralde. You’ll start to work immediately. I’ll see you later in my office.”
“Are you serious?”
Imbes na sagutin ito ay tumayo siya at nilagpasan ito. Pagkalabas ng restaurant ay tinanaw niya pa ang binata. Tulala pa rin ito. Napailing-iling siya. Sana nga ay magawa niyang matagalan ang anak ni Miss P. Baka ito pa ang maging dahilan para mag-resign siya. Oh no! No! Hindi dahil sa isang lalaki! Hindi isang lalaki ang sisira ng mga pinaghirapan niya!
Next to: Paano ba ang Magmahal (Chapter 2)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






4 Responses
Hahaha exciting Naman Ng mga sagutan nila hahahaha nakakatuwa at nakakasabik
Thank you so much for reading! Magustuhan mo nawa hanggang sa huli ang kwento nina Bea at Ash ❤️
Ano ka ngayon, Ashton? Exciting to! Ano kaya ang ganap pag lalaki ang secretary? 🤔
Thank you so much for reading! Magustuhan mo nawa hanggang sa huli ang kwento nina Bea at Ash ❤️