Love Potion – Final (Chapter 20)
NAGDIDILIG ng mga halaman sa harapan ng bakuran si Gael nang makarinig ng ugong ng sasakyan. Agad na kumabog ang dibdib niya nang makilala ang kotse ni Phil. Para siyang ipinako sa kinatatayuan habang nakamasid sa papalapit na asawa. Gusto niyang sugurin ng yakap at halik ang asawa pero alam niyang hindi iyon tama. Malay […]
Love Potion (Chapter 19)
KAHIT anong pamimilit ni Gael ay hindi siya iniwan ni Phil. Nauna itong maligo dahil na rin sa kagustuhan niya. Sinabi niyang masakit pa ang katawan niya kaya pumayag naman ito. Pagkatapos maligo ng asawa, bumaba ito at nang magbalik ay may dala nang isang baso ng gatas. Na-touch si Gael sa ginawa ni Phil […]
Love Potion (Chapter 18)
“ITO NA ang pinakamatinding gayuma na ipapainom mo sa apo ko, Gael. Sigurado akong oras na matikman ito ng asawa mo, aamo siya nang sampung beses sa `yo.” Hindi kumilos si Gael sa pagkakaupo. Parang wala siyang naririnig gayong malinaw naman sa pandinig niya ang mga sinasabi ni Lola Merced. “This time, idadagdag mo `to […]
Love Potion (Chapter 17)
MAAGANG gumising si Gael kinabukasan. Masiglang ipinagluto niya ng almusal si Phil sa pag-asang muling makukuha ang atensiyon ng asawa. Pero nang ihain niya sa mesa ang mga inihandang pagkain, hindi man lang iyon ginalaw ng lalaki. Nagmamadali raw ito at nagkape lang. Nanlumo si Gael. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga pagkakataong hindi pa niya […]
Love Potion (Chapter 16)
ILANG minuto nang nakaparada ang kotse ni Phil hindi kalayuan sa address na ibinigay ni Carmilla pero nagtatalo pa rin ang isip niya kung bababa o hindi. Tumawag ang dating girlfriend sa bahay para ipagbigay-alam na naiuwi na raw nito mula sa Quezon ang anak nilang si Tom. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman […]
Love Potion (Chapter 15)
KAHIT walang gana ay sumabay si Gael sa hapunan, pero laking panlulumo niya nang malamang umalis pala ng bahay si Phil. Si Lola Merced ang humingi ng paumanhin sa kanya at ayon dito ay may importante lang na nilakad ang lalaki. Gusto sana niyang magtanong pero minabuti na lang na huwag na. Siguradong masasaktan lang […]
Love Potion (Chapter 14)
MABILIS na nagtago si Gael sa likod ng pinto ng kuwarto nang marinig kay Cita na dumating na si Phil galing Davao. Napangiti siya, sabay hawak nang mahigpit sa shawl. Naalala na naman niya ang inis para sa asawa. Hindi siya mapakali at kung hindi dahil kay Lola Merced ay hindi niya magagawang lumabas agad […]
Love Potion (Chapter 13)
“TOTOO, Lola. Talagang naihi ako sa sobrang kaba!” natatawang pagkukuwento ni Gael kay Lola Merced. Kumukumpas pa ang mga kamay niya habang nagkukuwento. “Kawawa naman ang aking apo. Nakapag-asawa ng isang tagabundok na tulad mo,” natatawa ring sagot ng matanda. “Lola naman, hindi naman ako tagabundok. Hindi lang talaga ako sanay sa gano’n. Pero pasasaan […]
Love Potion (Chapter 12)
TULAD ng inaasahan, masayang-masaya si Lola Merced nang ikuwento ni Gael dito ang pangyayari nang nagdaang gabi. Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ng matanda. “Sinasabi ko na nga ba at effective ang gayuma natin, Gael,” maluwang ang ngiting sabi nito. “Maalala ko nga pala, may ibabalita ako sa `yo tungkol diyan kay […]
Love Potion (Chapter 11)
“ANONG ayawan na ang sinasabi mo sa harap ni Grena kanina?” mapanganib ang boses na tanong ni Phil kay Gael. “Ayokong makipag-usap sa `yo! Basta sinabi kong ayoko na, ayoko na talaga!” Hinawakan niya ang braso ng asawa nang talikuran siya. “Hindi puwede ang gusto mo! Ano `to, laro? Nakikipaglaro ba `ko sa `yo, Gael?” […]