Buong paglalakad namin ay halos walang imik si Hell. Hindi tuloy ako mapalagay na lagi na lang ako ang nagi-initiate ng conversation naming dalawa.
“Hell, nagugutom na ako. Gusto mo bang kumain na muna tayo?” tanong ko sa kaniya kahit hindi pa naman talaga ako nagugutom. Sadyang nabibingi lang ako sa katahimikang gawa niya. Para tuloy akong walang kasama dahil napakatahimik niya.
“Pwede naman,” sagot niyang walang kabuhay-buhay.
“Saan mo ba gustong kumain?” muling tanong ko sa kaniya.
“Kung saan mo gusto.”
‘Nakakainis na. Ano bang problema niya?’
Nagpatiuna ako ng paglalakad at kaagad na humarang sa nilalakaran niya. Tila nagulat naman siya dahil sa naging reaksyon ko.
“Alam mo kung ayaw mong umalis doon sa bahay, sana sinabi mo na kaagad. Para hindi ako mukhang tanga ditong naglalakad at naghahanap ng matutuluyan natin na para bang ako lang ang mag-isa.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibulalas iyon. Kasi naman hindi ko talaga siya maintindihan.
Pero hindi ko akalaing ako ang mas magugulat sa magiging reaksyon niya. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako sa mga mata. Sa sobrang lapit niya pakiramdam ko nawala ang boses ko.
“You’re so noisy.”
‘Ano raw? Noisy? Ako? Ako na nga ‘tong nag-aalala natawag pa akong noisy.’
Kaagad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at dumistansya sa kaniya.
“Fine! E ‘di mananahimik na.” Tinalikuran ko na siya at akmang hahakbang nan ang maramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa kamay ko.
“We can walk like this para hindi mo isiping nag-iisa ka.” Napasulyap ako sa kaniya at nakita ang pamumula ng pisngi niya. Pero why do my heart skip a beat? Why do I feel so comfortable ngayong hawak niya ang kamay ko and the way he looked me in the eye, I can’t even pronounce a single word to describe it. Para akong ice cream na biglang nag-melt sa kung paano niya i-deliver ang mga nais niyang iparating.
Hindi na rin naman ako nagprotesta. Hinayaan ko na lang na tangayin niya ako hanggang sa makahanap na kami ng aming pansamantalang tutuluyan.
***
“Eto ang susi ninyo. Kung sakaling may problema tawagan n’yo lang ako sa number ko.” Inabot ng matandang babae ang susi bago nagpasyang umalis.
Nahihiya pa ako nang abutin ang susi rito dahil sa pinagsasabi nitong kasama ko kani-kanina lang.
“Gusto po sana naming upahan ang apartment. Paano po kaya ang terms?”
Sandali itong tumingin sa amin ni hell at ngumiti. “Mag-asawa ba kayo?”
Nasorpresa naman ako sa tanong ng ginang sa aming harap. Hindi ako na-inform na may question and answer portion pala kapag mangungupahan. Magsasalita pa lang sana ako subalit naunahan na ako ni Hell.
“Isn’t it obvious?” Itinaas nito ang kamay naming magkahawak. Doon ko lang napagtanto na sa sobrang komportable ko sa pagkakahawak niya ay hindi ko na namalayang hawak niya pa rin pala ang kamay ko magpahanggang noong oras na iyon.
“Sinasabi ko na nga ba. Mukha kasi kayong bagong kasal.” Nagawa pa talaga ng ginang na ito na tsumismis. “Marami talaga ngayon ang nagpapakasal. Kelan n’yo naman balak magkaroon ng anak? Dito na ba kayo bubuo ng pamilya?”
“Now what? Are we supposed to leave? Or are you going to give us the keys so we could at least rest?” Inatake na naman nga ng pagiging masungit si Hell. Knowing na he has a bad temper, hindi malabong mairita talaga siya sa mga pinagsasabi ng ginang sa harap naming. Oo, alam ko naman na tinatanong talaga minsan ng mga landlord ang status ng uupa sa property nila pero ‘yong extent na kailangan tanungin pa kung kelan naming balak magkaroon ng anak? Masyado namang tsismosa.
“Pasensya na. Na-excite lang ako.”
“Tsk!” Pumalatak na lang si Hell at sinamaan ng tingin ang ginang. Mukhang naintindihan naman iyon ng ginang kung kaya kaagad na lang nitong inilabas ang susi mula sa kaniyang bulsa.
Pagpasok naming sa loob ay walang anu-anong sumalampak ng upo si Hell sa may sofa. Mukhang malambot ito subalit marumi na. Hindi man lang nga inalintana ni Hell ang alikabok na dulot nito gayundin ang kalat ng paligid.
Nabahing pa ako dahil sa kapal ng alikabok na kumalat pa lalo dahil sa biglaang pag-upo ni Hell sa sofa. Binubugaw-bugaw ko pa iyon na animo’y may langaw upang hindi lalong kumalat sa paligid.
“Ano ka ba naman, Hell! Pwede bang maglinis muna tayo bago ka naman sumalampak diyan. Ang dumi-dumi o.”
No wonder kaya mura ang pagkakakuha namin sa renta ng bahay na ito. Mukha kasing hindi nililinis dahil sa mga agiw sa kisame at sa mga kagamitan na naroon. Ngunit kahit ganoon ay tahimik ang lugar na ito at malapit sa dagat. Sariwa ang hangin at malayo sa ano mang ingay ng siyudad.
“I am looking forward to your performance, wife.” Kumindat pa ito bago tumayo at muling nagtungo sa labas.
“Hoy! Bumalik ka rito. Tulungan mo ko.” Napapadabog na lang ako nang makita ko itong dire-diretso papalayo ng bahay. “Wife mo mukha mo! Kainis!” Pero sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi maglinis na mag-isa.
Hindi naman kalakihan ang bahay. Isa lang itong bungalow type house na mayroong isang silid na may malaking kama. Sakto lang ang laki ng sala gayundin ang kusina. May isa rin itong C.R. at maliit na balkonahe sa likuran. Una kong nilinis ang C.R. bago ko isinunod ang silid upang kahit paano ay may matulugan naman kami ni Hell. Ilang segundo lang ay halos magkulay kamatis ang mukha ko sa isiping matutulog kami sa iisang silid ni Hell.
“Matutulog kami sa iisang kwarto?” Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil sa init na nararamdaman ko at alam kong mali iyon. “Hindi! Bakit ko naman siya patutulugin sa kwartong ‘to? Magpakagentleman naman siya. Sa sala siya matulog.” Pagtutol ko sa isiping iyon. Para akong sira na kinakausap ang sarili ko kahit alam ko namang ako rin ang sasagot sa mga iyon.
“At sinong matutulog sa sala?” Halos mapatalon naman ako sa labis na pagkabigla nang biglang magsalita si Hell mula sa pintuan ng silid. “Ako ba ang tinutukoy mo?”
“Ka-kanina ka pa r’yan?” tanong ko nananalangin na sana ay hindi.
“Kadarating ko lang. So, sa sala moa ko patutulugin?” tanong niyang muli.
“O-oo. Saan pa ba?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya ngunit kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang paglapit niya sa akin.
“What if… tabi na lang kaya tayo?”
Eto talaga ang ayoko. He always teases me.
“Ayoko nga!”
Pinagkrus niya ang kaniyang braso sa harap ng kaniyang dibdib bago nagbigay ng nakakalokong ngiti.
“Ikaw ang may ayaw. Pwes ikaw ang matulog sa sala.”
And that made sense. I think mas okay na siya ngayon kumpara sa kung ano siya nang nagdaang araw. For a while, it made my heart felt relieve and less worries.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Kailan kaya to magkakaron ng update
Cute, may mali at kulang man na salita okx lang push lang otor ipunin ko nalang uds nito hahaha salamat po