The Lunatic Virgin Series Book 2: Raffa McBain (Chapter 18)

Author's Note

Wala nang denaro? Madali lang ’yan! Magtanong at mag-comment lang sa comment section o kaya naman hanapin ang Facebook account na Thale Writes. Doon po kayo maaring bumili ng murang denaro. Kagaya ng mga sumunod:

100 denaro/coins para sa 50 pesos
300 denaro/coins para sa 100 pesos
500 denaro/coins para sa 200 pesos
1000 denaro/coins para sa 500 pesos

――*☆*――*☆*――*☆*――

“MISHA?”

Hindi na nagawa pang magsalita muli ni Raffa nang bigla na lamang niyang marinig ang malalim na tinig ni Ramiro mula sa kanyang likuran. Mabilis namang tinawid ni Misha ang distansya nito patungo kay Ramiro.

“Amir!”

At ang hudas naman ay nakangiting sumalubong ng yakap sa babae. They hugged each other as if she had gone there in an instant.

“Kailan ka pa nakabalik?” Ramiro asked.

Awtomatikong nagusot ang kanyang mukha nang makita kung gaano nag-spark ang mga mata ni Ramiro habang nakikipagkumustahan sa bagong dating.

‘Girlfriend nga niya, ’di ba?’ biglang paalala ng kanyang utak. ‘Well, bagay sila. Mga cheap!’

“Kagabi lang. Kumusta ka rito?”

Humalukipkip siya saka iniba ang direksyon ng kanyang katawan. Tinalikuran niya ang mga ito. Pero hindi pa man siya nakalalayo ay agad ding nagbago ang kanyang isip nang maalalang hindi pa pala siya nakagaganti sa ginawa sa kanya ng binata kanina lamang. Siya na nga ang ninakawan ng halik siya pa ang napintasan nito sa huli.

She faced them again and shouted to Ramiro. She used her boss’ tone at him. “Akala ko ba kaya tayo nagpunta rito nang maaga ay para magtrabaho?”

Kaagad na nag-iba ang timpla ng mukha ni Ramiro nang marinig ang kanyang sinabi. Kaya mas lalo siyang nagpatuloy sa pagsasalita.

“Para kayong mga ahas d’yan na naglilingkisan,” saad pa niya na nakahalukipkip pa rin.

Tuluyang nagsalubong ang mga kilay ni Ramiro sa narinig mula sa kanya. “Ahas na naglilingkisan? Bakit, señorita? Nakita mo ba kaming nagyayakapan ni Misha?”

Tiningnan niya si Misha na mukhang napahiya sa kanyang sinabi. Muli rin niyang ibinalik ang tingin sa binata. Isang nakamamatay na irap na lamang ang kanyang naitinugon sa lalaki.

“Whatever! Para sa ’kin, naglalampungan pa rin kayo sa napakaagang oras. Hindi niyo ba mahintay na gumabi bago kayo magharutan d’yan?”

Nag-umigting ang panga ni Ramiro sa buwelta niya. “Sumusobra ka na.” Bagama’t mababa lamang ang tinig nito’y may diin pa rin sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng binata. At kahit ganoon ay hindi pa rin siya nagpaapekto.

‘Lalaki ka lang pero anak ako ni Lieutenant General Raegan McBain. Pumapatol din ako sa lalaki!’ 

Nang mga sandali kasing iyon ay mas tumindi ang iritasyong nararamdaman niya para kay Ramiro.

“So, what kung sumusobra na nga ako? May magagawa ka ba?”

Akmang susugurin na siya ni Ramiro na ikinaatras naman niya nang hawakan ito sa braso ni Misha upang pigilin. May nahihiya ngunit nag-aalalang mukha si Misha nang harapin nito si Ramiro.

“Kumalma ka lang, Amir.”

Gumuhit ang mapait na ngisi sa labi ni Raffa nang marinig ang itinawag ni Misha sa lalaki. She used to call him using that pen name. Pero ngayon? Gusto niya yatang tawagin ito sa pangalang Lucifer. “Oh, ano? Tatayo ka na lang ba d’yan?” susog pa niya.

‘If you think that I am being too harsh on you, well, kulang pa ’yan! You started this war and I won’t give up until I win!’ hiyaw pa niya sa utak.

Ilang sandali pa silang nagsukatan ng titig sa isa’t isa na sa bandang huli ay siya pa rin ang nagwagi. Ramiro let out a deep sigh before he walked to her side.

Iniumang nito ang bagay na hawak na tila isang maliit na baldeng berde. Doon lamang din niya napansing may hawak pala itong maliit na balde.

“Isuot mo ito sa beywang mo.”

Nagtataka man ay hindi na siya umangal pa. Tinanggap niya iyon saka isinuot sa sariling bewang.

May nakakabit na sinturon doon sa baldeng gawa sa plastik.

“What’s this for?” she asked.

Lumapit si Misha sa kanila at ito ang sumagot sa kanyang tanong. “Ito po ang magsisilbing lagayan mo ng binhi, señorita.”

Mangali-ngaling barahin ni Raffa si Misha. ‘Did I ask her?’

Nang makitang masagwa ang magsuot ng ganoon ay napangiwi siya nang bahagya. Huli na nang mapagtanto ni Raffa ang naging reaskyon dahil lantad sa mukha ni Ramiro ang nakalolokong ngisi. Para bang sa pagkakataong iyon ay ito muli ang nakapuntos. Puwes! Ipakikita niya ritong hindi pa tapos ang laban.

She raised her chin to show them that she’s not falling back. “San ako magsisimula?” tuwid na tanong niya kay Ramiro.

“Lahat ng nakikita mong bakanteng tudling, señorita.”

Her face filled with confusion. “Tudling?” ‘Isn’t he said duling?‘ muntik pa noyang maibulalas.

“Furrow po, señorita,” nakangiting muling sabad ni Misha sa kanya.

Muli na namang nagpigil si Raffa na mapairap sa muling pagsabad ni Misha sa kanila ni Ramiro. ‘Spokesperson ba siya ng damuho?’

“Ito naman ang gagamitin mo para maitanim ang binhi ng mais sa lupa,” sabi naman ni Ramiro sa kanya sabay abot ng isang bakal na hulmang riple.

“This rifle?” tanong niya saka kinuha iyon. Pero hindi rin niya nakaligtaang tingnan si Misha na akmang sasabad muli. “Are you his spokesperson?”

Awtomatikong pinamulahan ng mga pisngi si Misha nang maisip ang ibig niyang sabihin.

Isang malaking buntong hininga naman ang narinig niya mula kay Ramiro. Halatang nainis sa sinabi niya kay Misha.

“Tumutulong lang si Misha na maipaintindi sa ’yo kung ano ’yang mga gagamitin mo sa pagtatanim. Huwag ka naman po masyadong masungit sa kanya,” napipikong pananaway pa ng lalaki kay Raffa.

“Hayaan mo na, Amir. Ayos lang. Baka hindi lang talaga maganda ang mood ni señorita ngayong umaga.”

Umarko ang kaliwang kilay niya. Is she trying to be nice? Mukhang hindi siya nakukumbinsi. “Tama ka nga. Maaga pa lang, sira na ang araw ko.” Pagpaparunggit niya iyon kay Ramiro.

Napailing nang marahan ang binata. Marahil ay nakukuha nito ang kanyang ibig sabihin.

“So, how am I gonna use this?” tukoy niya sa rifle.

May maliit na embudo iyon sa likurang dulo at may nakausling matulis na bakal naman sa kabilang dulo. Mukha iyong riple pero parang hindi dahil may mga parte itong wala naman talaga sa isang pangkaraniwang riple.

“Si Mang Gado ang magpapaliwanag sa ’yo kung paano gamitin ang baril na ’yan sa pagtatanim. Siya na rin ang magbibigay sa ’yo ng binhing itatanim mo.”

“Sinong Mang Gado?” Ang inaasahan kasi niya ay si Ramiro mismo ang magtuturo sa kanya na magtanim. “Bakit hindi na lang ikaw?” kunot ang noong alma niya.

Sinulyapan nito si Misha saka muling tumingin sa kanya. “May mga bagay lang kaming dapat pag-usapan ni Misha, señorita. Babalik din ako pagkatapos.”

Mas lalong umarko ang kanyang kilay sa isinagot nito. Hindi siya mangmang para maniwala agad sa sinabi nito.

“Really?”

Kumunot muli ang noo ni Ramiro. “Oo, señorita. May problema ba?”

Mabilis siyang nag-isip. “Turuan mo muna ako bago kayo lumayas,” she demanded to him.

“Señorita, nariyan naman si Mang Gado para turuan kayo sa dapat niyong gawin.”

Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. Mukhang hindi talaga magpapapigil ang binata sa nais nito. Kailangang mahadlangan niya ang kaligayahan nitong samahan sa kung saan si Misha.

‘Ano ’yon? Habang ako hirap na hirap dito, sila masayang magkasama?’

“Pero hindi ko gustong iba ang magturo sa ’kin,” bigla ay nasabi niya.

Unti-unting sumilay sa mga mata nito ang mapanudyo mga tingin sa kanya. “Ayaw mo ba akong mawala sa paningin mo, señorita?”

“Ano?!” ‘Wrong move, Raffa! Wrong move.’ “And what makes you think that I want your company, huh? Kung alam mo lang kung gaano kita pinagtitiisan.”

But Ramiro just smirks at her then he calls Mang Gado who is busy plowing from afar. Agad namang itinigil ng may edad na lalaki ang ginagawa saka mabilis na lumapit sa kanilang gawi.

Binati siya nito ng magandang umaga bago hinarap si Ramiro. “Mang Gado, handa na po si Serñorita Raffa na matutunan ang pagtatanim ng mais.”

Tinanguan naman ng lalaki si Ramiro. “Sige, hijo. Ako na’ng bahala kay señorita.”

Akma namang aalis na sina Ramiro at Misha nang may maalala pa siyang itanong. “Hanggang anong oras ako rito?” tanong niyang hindi na talaga naitago ang pagkainis sa nangyayari.

Sa nakikita kasi niya ay imposibleng mataniman lahat ng lupang nakikitang bakante.

“Kailangang mataniman ang dalawang ektrayang iyan bago sumapit ang hapon, señorita.”

Her jaw dropped instantly. “What?! Imposibleng magawa ko ang sinasabi mo, Ramiro!”

Ngumiti lamang ito nang pilit. “Kung sakaling magutom ka o mauhaw, nasa kamalig lang ang lahat ng kailangan mo. Siya nga pala—” mula sa likuran nito ay hinugot ng binata ang sombrerong naiwan sa mesa kaninang nasa hapag sila. Walang sabi-sabing isinuot ni Ramiro sa kanyang ulo iyon. “Aalis na kami, señorita.”

Pagkasabi niyon ay inalalayan na ng binata si Misha upang makasakay kay Luna at maging ito man ay sumakay na rin.

Hindi na siya nagreklamo pa dahil mukha rin namang walang silbi. Naniningkit na lamang ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga ito ng tingin papalayo.

“Hmp! Madapa sana si Luna,” hindi niya napigilang bulong sa sarili.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Lunatic Virgin Series Book 2: Raffa McBain (Chapter 18)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.