Too Late (Chapter 8)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

ILANG araw nang malakas ang bagsak ng niyebe mula sa kalangitan. Hindi parin masanay si Dorothy sa lamig ng klima.Kaya naman ngayon ay sinisipon nanaman siya.

“Here.” Nagulat siya nang suotan siya ni Paulo ng isa pang scarf.

“Paano ka?” tanong niya habang naglalakad sila pauwi sa kanyang tinutuluyan.

“Okay lang ako,” nakangiting sagot nito sakanya kahit na ba mapula na rin ang ilong at mga pisngi ng binata.

“Kumusta pala ang laro n’yo?” pag-iiba niya ng usapan.

“Nagbakasyon muna `ko, hindi naman ako kasama sa line-up ngayon, eh,” sagot nito at sa iba ipinaling ang tingin.

Napakunot naman ang kanyang noo dahil alam niyang hindi basta maaring umalis ng bansa ang isang manlalaro lalo na at may kontrata ito.

“At bakit naman ang haba yata ng bakasyon mo, Pau?” Hindi na niya natiis at naitanong na niya.

“Wala lang. Gusto lang kitang makita at makasama nang matagal.”

“Hah?” Nagulat naman siya sa naging sagot nito.

“Dorothy, siguro naman alam mong gusto kita,” seryosong sabi ni Paulo sa kanya.

Kahit nararamdaman na niya noon na may kakaibang ipinapahiwatig si Paulo ay ayaw niya sanang mag-assume pero ngayon at kumpirmado na.

“B-bakit ako, Pau? Alam mo naman ang mga pinagdaanan ko,`di ba?” Malungkot na yumuko si Dorothy at huminto sa paglalakad.

Napahinto rin si Paulo at hinawakan ang kanyang pisngi.

“Thy, I like you. Dati pa. Bago maging kayo ni Greg. At hindi issue sa `kin ang past mo,” seryoso nitong sabi.

“Pero—” Sasabihin niya sanang mahal niya pa ang kaibigan nito ng biglang may bumusinang sasakyan kaya naman mabilis silang tumabi.

“Hey! Are you both trying to kill yourself?” sigaw ng galit na lalaking nasa loob ng sasakyan at nagmamadaling makadaan.

Napapahiyang tumabi naman ang dalawa.

 

NAKAALIS na si Paulo kanina pa. Pero si Dorothy ay tulala lang sa kanyang kama at iniisip ang nakaraan.

Tinawagan niya noon ang pinsang si Nathan upang magtanong kung busy ba si Greg dahil hindi manlang ito nagpaparamdam. May laro ang mga ito sa China.

“Stop crying, Dorothy, wag kang masyadong paranoid. Hindi lang makatawag ang tao dahil maraming ginagawa,” naiinis na sabi ng kanyang pinsan.

“Pero, Kuya, bakit ikaw nakakatawag kay Shantal? Nakakainis siya! Dapat hindi na siya nag-girlfriend kung wala siyang oras sa `kin,” reklamo niya pa.

“Alam mo, mahal ka n’on. Pero kung ganyang masyado siyang nasasakal sa`yo matatakot `yon baka iniisip pipikutin mo siya.” Humalakhak pa ito sa kabilang linya.

“Basta, kuya, bantayan mo siya. Alam mo naman na mas mahal ko `ata `yon kaysa mas mahal niya `ko. Nakakainis!” hikbi pa niya.

“Oo na, kakausapin ko, sige na.” At nagpaalam na sila sa isa’t isa.

Nagkaroon sila ng tampuhan noon ni Gregory bago ito lumipad patungong China para sa laro kasama ang buong Philippine team.Paano nga ba naging sila? Ang sarap isipin na ang crush niya noon ay boyfriend na niya ngayon.

Masaya naman sila noong mga unang araw ng kanilang relasyon. Pero dahil sa pinagseselosan niya ang kababata ni Greg na si Ella ay madalas na silang mag away.

Tulad ngayon ay hindi siya nito tinatawagan.Ano namang masama kung awayin niya si Ella? Eh, talaga namang nakakapagselos ang closeness ng dalawa na halos tumirik na ang mata niya sa asar kapag nakikitang magkasama ang mga ito.

Tuloy lang siya sa pagpasok sa paaralan. At walang Greg na nagparamdam kahit panay na ang pangungulit niya rito. Halos isang linggo siya nitong hindi c-in-ontact.Kaya naman naiiyak na siya sa asar.

Nang naglalakad na papunta sa parking kung saan nag-aantay ang kanilang driver at sasakyan ay nagulat siya sa nakita.

“Hello.” Kumaway pa ito sa kanya.

Hindi na siya nagsalita. Sahalip ay tinakbo na niya ang distansya nila at niyakap ito.

“Woah,” narinig niyang anas ni Greg.

“How dare you? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?” naiiyak nanaman siya.

“Don’t cry, I’m here now. Kasi naman nagtatampo ko sa`yo dahil wala kang tiwala sa `kin. So ayon, nagpamiss ako sa`yo. At mukhang effective,” natatawang sabi pa nito.

“What? Ang sama mo talaga.” Hinampas niya ito sa dibdib bago tiningala.

“Baby, please,huwag na tayo mag away. Huwag nating pag-awayan si Ella. Ikaw ang mahal ko,” malambing na niyakap pa siya nito.

Wala na. Natunaw nanaman ang kanyang tampo.

“Ewan ko sa`yo,”kunwari ay mataray sagot niya rito.

“May pasalubong pala `kong mga chocolates sa`yo. Nasa kotse.” At hinila na siya nito patungo sa sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang si Dorothy at bumangon.Binuksan niya ang laptop at agad tinignan ang e-mail niya kung saan halos lagpas isang daan ang mensaheng hindi niya mabuksan buksan.Lahat ng ito ay galing sa iisang tao.

Hindi niya magawang basahin ang mensahe nito dahil alam niyang mas lalo lang siyang malulungkot.Ayaw rin naman niyang burahin dahil baka magsisi siya at hindi nabasa kung ano man ang laman niyon.

Bakit nga ba siya lumayo?

Gusto niyang makalimot. Makalimot sa bangungot. At umaasa siya na sana sa paglimot niya sa masasamang pinagdaanan ay makayanan din niyang malimutan ang taong mahal na mahal niya. Dahil may parte ng isip niya ang galit dito at hindi kayang magpatawad.

“Dorothy? Hija, gising ka pa?” narinig niyang katok ng kanyang tiyahin.

“Yes po,” sagot naman niya.

“Kain muna tayo.” At narinig na niya ang mga yabag nito palayo sa kanyang pinto.

Mabilis niyang pinatay ang laptop at nagdesisyong hindi na muna babasahin ang mga email.

Maybe next time, kapag handa na `ko.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Too Late (Chapter 8)

One Response

  1. Pano pag handa ka na pero huli na ang lahat tsk, well wala q sa sitwasyon niya at di aq si Dorothy iba pananaw namin kaya basa nalang aq haha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.