Come back home…
Habang nakikinig sa musika ay hindi niya maiwasang maalala ang mga pinagdaanan nila ni Gregory. Oo nga at bago lang ang kanilang relasyon pero matagal na silang magkakilala.Naalala niya pa noong inilibre niya ang apat niyang kaklase ng ticket para lang may kasama siyang manood ng laro nito. Ayaw niyang masita siya ni Nathan kapag nakitang mag isa siyang tumitili kapag nakaka-shoot ito sa ring.
Napakalakas ng sigaw niya kaya naman kapansin-pansin siya noon lalo na at nasa unahang bahagi sila nakapwesto.Nang maka-shoot si Greg noon ng 3points na siyang ikinapanalo ng grupo nito ay nagtatalon pa siya kahit na pinagtitinginan siya ng ilang kababaihan at tinataasan ng kilay.
‘Cause I’m half crazy
Feelin’ sorry for myself
Half crazy
Worried you’d find someone else to love…
No life hasn’t been much fun at all
Since you’ve been gone
And my eyes begin to fill
Each time I hear our song
I spent every minute asking myself
What went wrong
Can’t we try to talk it over, baby
Come back home
Nagkalapit sila ni Gregory ng minsang dumalaw ito kay Nathan sa hospital at siya ang bantay. Sinamahan siya nito. Napakarami nilang napag usapan. Napakamasayahin pala ng binata. Limang araw din itong dumalaw sa kanyang pinsan tuwing matatapos ang ensayo sa basketball at nagkaroon na rin sila ng palitan ng mensahe.
Marami silang pagkakapareho.Mahilig din itong kumanta, kumain, magluto.Nagulat na nga lang siya at nagtitili sa kwarto niya nang mag-text ito kung pwede daw ba siyang sunduin sa eskwelahan.
‘Cause I’m half crazy
Feelin’ sorry for myself
Half crazy
Worried you’d find someone else to love
But, baby, there is no-one else
Half crazy
For everything you saying
Half crazy
No one else could love you like I do
At doon na nga nag simula ang kanilang paglabas. Naging mas lalo silang malapit sa isa’t isa. Alam naman ni Greg na crush niya ito dahil na rin sa ingay ng kanyang mga kaklase. Noong una pa nga ay itinatago nila kay Nathan ang kanilang closeness dahil hindi ito sang-ayon.Pero wala rin itong nagawa dahil kagustuhan niyang makipaglapit sa binata.
‘Cause I’m half crazy
Feelin’ sorry for myself
Half crazy
Worried you’d find someone else to love
But baby there is no one else
Half crazy
For everything you’re saying
Half crazy
No one else could ever love you
No one else could ever be
Sa totoo lang ay wala namang ligawan na nangyari, bigla na lang naging sila. Nang magkaroon kasi ng outing sa school nila ay dalawang araw sa isang resort si Dorothy at ang kanyang mga kaklase. Bahagi iyon ng kanilang pagsusulit. Nag-eestima sa mga bisita ng hotel. Puro picture sila. Madalas tumabi sa kanya ang kaklase niyang nagsasabing ang cute niya raw at feeling close talaga ito na may pag-akbay pa. In-upload nito sa Facebook ang mga larawan at i-t-in-ag siya.
Nakita iyon ni Greg at pinadalhan siya ng mensahe.Isang sad face lang.Tinanong niya kung bakit.Ang isinagot nito sa kanya ay may boyfriend na raw pala siya.Nagulat siya at ipinaliwanag dito ang lahat. Doon na sila nagkaaminan.
Half crazy
Feeling sorry for myself
And I’m worried you’ll find someone else
Feeling sorry for myself
Half crazy…
Nag-ayos na si Dorothy upang bumaba ng bus. Inayos ang boots at ang makapal na jacket pati ang gloves. Napakalamig ngayon—namumula na nga ang kanyang ilong.Hindi siya sanay sa ganito kalamig minsan nga ay halos ayaw na niya maligo.Nang huminto sa bus stop ay agad siyang bumaba.
Makapal na ang niyebe sa kalsada. Medyo marami pang tao dahil mag-aalas dos pa lang ng hapon.Kung itatanong kung ano na ang status niya ngayon ay hindi niya alam. Matagal na ring tumigil sa pagpapadala ng e-mail si Greg sa kanya at sa palagay niya ay sumuko na ito.Wala ring binabanggit ang pinsan at mga magulang niya tungkol rito nang minsang magbakasyon ang mga ito sa England noong nakaraang buwan upang mag-Paskong kasama siya.
Nagkakaroon lang siya ng balita sa binata sa pamamagitan ng pag-stalk niya rito gamit ang social media.Wala na itong account at panay fans na lang ang may gawa. Napabuntong-hininga siya at hinigpitan ang hawak sa kanyang dalang shoulder bag. Binabagtas niya ngayon ang maliit na kalsada kung saan nandoon ang kanilang tinutuluyan.
Nang makarating siya sa tapat nito ay nagulat siya sa nakita.Isang lalaking matangkad ang nakatayo sa pinto ng building na iyon at mukhang giniginaw na.Nakasuot ito ng pulang jacket at itim na gloves, sinisipa pa nito ang ilang niyebe sa paanan.
“Hoy!” pagtawag niya rito. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti nang humarap ito sa kanya at nakita niyang namumula ang ilong nito.
“H-hi!” Kumaway pa ito at lumapit sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” masayang tanong niya.
“Ahm… dinadalaw ka?” alanganing sagot ng binata.
“Ewan ko sa`yo. Halika, pasok ka. Baka mamatay ka sa lamig sa labas.” Hinila niya ang kamay nito at inayang pumasok sa loob.
“Gusto ko ng hot choco,” sabi nito habang naglalakad sila paakyat sa hagdan kung saan naroon ang kanilang maliit na bahay.
“Hay naku, Paulo. Dalian mo na.”
Tinanguan lang siya nito at ngumuti.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Edi wow si paulo alam san ka sa england si greg wala edi wow talaga hmf