Angel Vs. Demon – Eleven

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Eleven

Naglalakad ako para magtungo sa simbahan kung saan kami huling nagkita ni Heaven nang makita ko ang isang pamilyar na pigurang nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nakasuot ito ng mahabang puting T-shirt na tila walang pang-ibaba.

“Heaven…” tinawag ko ito. Nagbabakasakaling baka siya nga kahit na medyo may pag-aalinlangan sa aking isip.

“Genie!” buong galak na sigaw nito pagkalingon sa gawi ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Heaven nga.

“Heaven, totoo ba ito? Ikaw nga pero paanong–”

“Mahabang kwento Genie.” Dahil sa tuwa ay hindi niya na ako pinatapos pa sa pagsasalita.

“Ikaw nga Heaven. Ikaw nga.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mahigpit siyang niyakap. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa tabi ko. Nahahawakang muli at nayayakap kong muli.

“Tara sa bahay doon mo sa akin ikwento ang lahat,” sabi ko kapagkuwan ay tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Magbihis ka na rin at marami akong damit doon.” Napangiti na lang si Heaven dahil sa ayos niya.

Sakto paalis na kami sa lugar na iyon ay napahinto pa ako nang mapansing hindi umaalis si Heaven sa kinatatayuan. Nakita ko ang naluluhang ekspresyon sa mukha nito kaya nag-alala ako.

“Heaven, bakit?” tanong ko. Hindi ito kumibo at napatakip na lang sa kanyang bibig na ngayon ay bahagyang nakaawang. Nakatingin lang ito ng diretso sa isang direksyon kaya tinignan ko kung saan ito nakatingin at laking gulat ko sa aking nakita. Paano?

“Hell…” tanging nasambit ko at si Heaven naman ay dahan-dahang naglakad paabante papunta kung saan ngayon nakatayo si Hell hanggang sa bumilis bago tuluyang marating ang kinatatayuan nito at sinalubong ng isang mahigpit na yakap. Isang yakap rin ang tinugon nito sa kanya.

Lumapit na ako sa kanila at tahimik lang na pinagmasdan.

“Did you miss me?” sabi ni Hell kaya naman napataas na lang ang kanang kilay ko. Kahit kailan talaga itong si Hell hindi na nagbago. Bilib pa rin sa sarili.

“Oo Hell. Miss na miss kita,” sabi naman ni Heaven. Hala! Anong hindi ko alam? Hindi yata ako updated. Ang alam ko kasi patay na si Hell paanong nabuhay siya?

“Huwag ka ng umiyak Heaven. Para ka talagang bata,” sabi ni Hell kapagkuwan ay pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ni Heaven.

“E kasi ‘di ba, namatay ka na?” sabi ni Heaven kaya naman naisipan ko ng sumingit.

“Paano nga nangyari ‘yon Hell?” nagtatakang tanong ko rin.

“Oo nga pero tama ka nga Heaven. He really exists,” sabi ni Hell at tumingin sa langit.

“Ibig sabihin ikaw iyong…” Hindi na tinapos pa ni Heaven ang sasabihin ng tumango si Hell.

“Ako nga Heaven. Ako ang surprise niya sa’yo at alam mo kung ano?” tanong ni Hell kaya napakunot ang noo naman namin ni Heaven at nagkatinginan.

“I’m here to protect you Heaven and to be your other half,” sabi ni Hell at nagulat pa kami ni Heaven nang bigla na lang siyang hilahin ni Hell at hinalikan sa labi.

Napanganga na lang ako habang takip-takip ang aking bibig sa bilis ng pangyayari. Hindi ako prepared. Wala talaga akong alam na posible palang may mangyaring ganito.

Kumalas rin ito kapagkuwan bago muling nagsalita. “I love you since then Heaven at alam ni Lord ‘yon. When I died nagulat ako to see myself in a place that I don’t know pero napakaganda ng lugar. Maliwanag at may mga nagliliparang mga ibon. Nalaman ko lang na nasa langit ako nang sunduin ako ng isang anghel at dinala sa harap ng Diyos,” pagsisimula nito. “He said, I am worthy to be his child. Nagulat talaga ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako nang sabihin niyang ipapadala niya ako rito para sa’yo bilang gantimpala sa kabutihan at kalinisan ng iyong puso.” Ngumiti ito habang kami ni Heaven ay tila hindi pa rin ma-absorb lahat ng nangyayari. “Habang nagmumukmok ka, I was there Heaven. Gustung-gusto kong lapitan ka pero I know it’s not the time yet kaya naghintay ako hanggang sa nagdesisyon ka na ngang harapin ang Diyos. Sobrang saya ko lalo na nang malaman kong magiging mortal ka kasama ako at ni Genie rito sa lupa. Ibig sabihin, I can love you without any rules and I can be the man who can give you a family like normal people does.” Hala siya! Pamilya agad nasa utak niya. Advance?

“Tanungin mo muna kaya si Heaven kung mahal ka–” Hindi na ako natapos sa sasabihin ko ng biglang sumingit si Heaven.

“Mahal din kita Hell. I like the idea of having a family with you.” Sabi ko nga Mahal din siya ni Heaven.

I rolled my eyes sa isiping iyon. I can’t imagine na ang isang dating anghel at dating demonyo ay magsasama at magtatayo ng isang pamilya. Ganoon na ba ako kamanhid at hindi ko nahalata noon pa man na may pagtingin na itong dalawang ito sa isa’t isa? Siguro nga, ang pag-ibig ay lubhang makapangyarihan. Kahit na ano ka pa, kahit na sino ka pa, walang pinipiling oras at pagkakataon. Gaya ng pag-ibig ng Diyos para sa lahat, it can make the impossible to possible one.

Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon nang mapansing naglalakad na sila palayo sa akin. Talaga iyong dalawang iyon.

“Hintay! Grabe kayo ha. Alam niyo ba kung saan kayo pupunta?” sabi ko at hinabol na silang dalawa.

Marahil kinuha sa akin ng Diyos ang mga magulang ko, si Sigfrid at si Vienna upang mas maging matatag ako. Tama si Heaven, may dahilan nga ang Diyos sa lahat ng bagay. May nawawala man subalit may dumarating din. Nawala man noon ang mga importanteng tao sa buhay ko at least alam kong nandyan lang sila para bantayan ako at isa pa, nandyan din si Heaven at Hell sa tabi ko at mananatiling mga kakaibang kaibigan ko ngayon hanggang sa walang hanggan.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Angel Vs. Demon – Eleven

2 Responses

  1. The end na ba hahahaha charizzz hahaha nakakatuwa lang ganap so angel at demon talaga sila hype astig Ng kalikutan Ng isip Ng otor na to hahaha so magaganap na Ang tunay na pagsubok kela hell at heaven niyan hahaha inggit SI genie e hahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.