Twenty-Four
“Genie…”
“Paano mo nalaman, Hell?” tanong ni Genie kay Hell.
“Someone told me.”
“Sinong nagsabi?” muling tanong niya.
“Ako ang nagsabi sa kaniya, Genie.” Napalingon naman ang dalawa sa biglang pagpasok ni Heaven sa silid niya.
“Alam mo? Bakit hindi mo sa akin sinabi?” Himbis na sumagot at yumuko lang ito at tahimik na tumayo sa tabi ng kama niya.
“Gaano katagal mo ng alam?”
Ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.
Bumagsak ang mga luha ni Genie sa sobrang sama ng loob. Hindi niya alam kung paano ilalabas ang hinanakit lalo na at pakiramdam niya ay pinagtraydoran siya ng pinakamatalik niyang kaibigan.
“Paano mo nagawa sa akin ‘to, Heaven? Bakit hinayaan mo kong mapalapit sa isang taong mismong pumatay kay Sigfrid? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Kasabay ng mga salitang binibigkas ay ang pait sa tono ng boses nito. Aminin man niya o hindi ay napalapit na talaga siya kay Alladin to the point na nahuhulog na ang loob niya rito. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang sakit na nararamdaman niya.
Hinawakan ni Heaven ang kamay ni Genie ngunit kaagad ding tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya.
“Lumabas ka na, Heaven. Ayaw muna kitang makausap.”
“I’m sorry, Genie,” sabi nito bago inihakbang ang mga paa palabas ng silid.
Akmang lalabas na rin sana si Hell nang hawakan ni Genie ang kamay nito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay si Hell lang ang kakampi niya. Hindi niya alam kung kanino kakapit lalo na at pinagtaksilan siya ng kaibigan niyang sana ay mapaglalabasan niya ng sakit at problema niya ngayon.
“Dito ka lang, Hell. Please…”
“I’ll stay, Genie. As long as you want to.” Kaagad naman itong tumabi sa kaniya at nahiga rin sa kama.
Nabigla pa si Genie nang maramdaman ang yakap nito sa kaniya ngunit hinayaan niya lang iyon dahil alam niyang kailangan niya iyon ngayon. Kailangan niya ng kaibigang masasandalan ngayon.
“I love you, Genie at hindi ko hahayaang may manakit muli sa’yo.”
Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay naroon lang si Heaven sa labas ng pinto habang sapo ang bibig at pilit ikinukubli ang luhang unti-unting bumabagsak.
Kinabukasan ay tanging sulat na lang ang natagpuan ni Heaven sa ibabaw ng kama ni Genie matapos niyang magluto ng agahan.
I’ll be out for a week. I need to find peace at hindi ko ‘yon mahahanap hanggang nakikita ko ang mga taong nanakit sa akin.
– Genie
Sa kabilang banda, habang naglalakad ay walang tigil naman sa pagsunod si Hell kay Genie.
“Hell, please. Umuwi ka na. Gusto kong mapag-isa.”
“Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa’yo na hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Kahit saan ka magpunta, susundan kita.” Humarang ito sa harap ni Genie kung kaya napahinto siya sa paglalakad. Napabuntong-hininga si Genie dahil alam niyang wala na siyang pagpipilian.
“Fine.”
Nang makakita ng bus ay kaagad silang sumakay roon at hinayaang dalhin sila sa kung saan.
“Saan mo ba talaga planong magpunta?” tanong ni Hell sa kaniya.
“Kahit saan. Kung saan malayo sa lahat.”
“Kaya ba pati sa akin gusto mong lumayo?” Nilingon niya si Hell at ganoon na lang ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya nang makita ang klase ng titig nito sa kaniya. Ang titig na alam niyang hinding-hindi magsisinungaling sa kaniya.
Nang makarating sila sa huling terminal ay kaagad na silang bumaba at naghanap ng matutuluyan ngunit tila minalas sila dahil lahat halos ng mga inn at hotel ay fully booked na. Wala na silang pagpipilian kung hindi maghanap na lang ng pansamantalang mapagpapahingahan upang kahit paano ay makatulog panandalian.
“Ate, bili na po kayo nitong bulaklak.” Nilingon ni Genie ang batang may hawak na bungkos ng red rose.
“Magkano ba ‘yan?” Kaagad namang napalingon si Genie kay Hell nang magsalita ito.
“P300 na lang po lahat,” tugon nito.
“Eto o.” Kaagad namang inabot ni Hell ang P300 sa bata at inabot ang bulaklak. Nabigla pa si Genie nang bigla ring binigay sa kaniya ni Hell ang bulaklak habang nananatili itong nakatingin sa ibang direksyon.
“Hell…”
“Kuya, wala po ba kayong bahay? Bakit po naglalatag kayo riyan sa tabing kalsada?” usisa ng bata.
“Naubusan kami ng kwarto na matutuluyan ng asawa ko.” Nanlaki naman bigla ang mata ni Genie dahil sa sinabi ni Hell.
“Ganoon po ba? Kung gusto ninyo po sa amin na muna kayo magpalipas ng gabi,” sabi nito.
“Talaga ba, bata?” paniniguro ni Hell.
“Opo. Tara na po kaysa riyan kayo sa kalsada matutulog. Hindi rin kayo makakatulog dito dahil gigisingin din kayo ng mga tanod.
Pagkarating sa isang maliit na bahay ay iginaya ng bata ang dalawa sa mumunti nitong tahanan.
“Nay, may kasama po ako. Sabi ko sa kanila ay rito na magpalipas ng gabi. Mabubuti po silang tao. Si Kuya po ang pumakyaw ng paninda ko,” dire-diretsong sabi ng bata.
“Ay! Tuloy kayo. Malamang ay malayo ang binyahe ninyo. Mga bagong kasal ba kayo?” tanong ng ginang.
Sasagot na sana si Genie ngunit tila mas mabilis sa kaniyang sumagot si Hell.
“Opo.” Parang nakuryente naman si Genie nang kaagad siyang inakbayan ni Hell.
“Sabi ko na nga ba. Halata kasi sa itsura n’yong dalawa na mag-asawa.”
Napangiti naman si Hell dahil sa tinuran ng ginang at siya naman ay nanatiling tahimik.
Nang makapasok sa silid ay mayroon itong kama na tantya ni Genie ay kasya lang para sa isang tao.
“Sa sahig na lang ako,” mabilis na sabi ni Genie ngunit ngumiti lang si Hell. Walang sabi-sabi itong naghubad ng pang-itaas kung kaya ganoon na lang ang kaniyang pagkabigla at kaagad na tumalikod dito.
Naramdaman na lang ni Genie ang mga bisig ni Hell na pumulupot sa kaniya mula sa likuran.
“Genie, tingin mo ba hahayaan kong matulog ka sa sahig?”
“Hell, kasi…”
“No buts. Tabi tayo.”
Lalo siyang nagulat sa sinabi nito kaya kaagad siyang humarap dito ngunti hindi niya akalain na isang halik ang sasalubong sa pagharap niya. Muntik pa siyang mawalan ng balanse sa pagkabigla ngunit likas na ata kay Hell ang pagkaalerto kung kaya kaagad din nitong hinawakan ang likod ng kaniyang bewang. Unti-unti siyang napaatras hanggang sa tuluyan siyang mapaupo sa kama.
Doon lang siya muling nakahinga at nakapagsalita nang sandaling maputol ang halik.
“Hell… mali ‘to,” sabi niya.
“Walang mali rito, Genie. Mahal kita.” Sa sandaling iyon ay muli siya nitong siniil ng halik hanggang sa maramdaman na ni Genie ang paglapat ng kaniyang likod sa malambot na kutson ng kama. Ramdam niya rin ang bigat ni Hell nang umibabaw ito sa kaniya. Halos maubusan siya ng hininga sa ginagawa nitong paghalik sa kaniya at ganoon na lang ang kaba at pagbilis ng pagpintig ng kaniyang puso. Unti-unti siyang nilamon ng init sa katawan at ikinalang ang kaniyang mga braso sa batok nito. Tinugon niya ang bawat paghalik nito at hinayaan ito sa ginagawa. Tuluyan niyang naramdaman ang kamay nitong gumapang sa pagitan ng kaniyang mga hita kaya hindi niya na napigilang magpakawala ng mahihinang ungol.
“Hell… ahhh…”
“Genie, akin ka lang.”
Nang maramdaman ni Genie ang matigas na parte nito sa kaniyang puson ay doon lang tila bumalik ang kaniyang katinuan. Kaagad siyang huminto sa paghalik dito at pinigilan ito.
“Hell, stop. Mali ito.”
“Ano bang mali sa mahal kita?”
“Mali dahil may mga bagay kang nakakalimutan. You lost your memory, Hell, at naguguluhan ka lang. Hindi ako ang mahal mo,” paliwanag niya.
“Paano kung sabihin ko sa’yong bumalik na ang alaala ko? Paano kung sabihin ko sa’yong wala na akong nararamdaman para kay Heaven at ikaw na ang mahal ko? Hindi mo pa rin ba ako paniniwalaan?”
Tila nakalunok ng bato si Genie sa sinabing iyon ni Hell. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang lahat ng sinasabi ni Hell ngayon.
“Gagawin ko ang lahat, Genie, para lang mapatunayan sa’yong ikaw ang mahal ko hindi ang kahit na sino pa man.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





4 Responses
Kakayanin ba ni Heaven ang pagsubok na ito? O magka-ka dark side nga siya? Curious to find out sa next chap
Hindi ko ine-expect may ganitong scene na masasama rito 😐 Shooketh talaga me.
So pano ba Yan hahaha kawawang Alladin naunahan na ni hell bagal Kasi hahahaha
Hahaha yun un e so ano mangyayari Kay heaven siya na magiging demon hahahaha