HALOS paumaga na. Isang oras na lang at sisikat na ang araw.
Sandali pa nga at…
Bumukas ang gate.
“Tapos na ba kayo?”
Halos mapaatras sa sobrang gulat si Vicky habang si Nikko naman ay hindi nakagalaw.
“Ca—Carl?” banggit ni Vicky. Napakapit pa sa kanang braso ni Nikko.
Hindi nila nakita na nasa gilid naka-upo si Carlo, may hawak na bote ng beer at; kapansin-pansin na parang medyo lango na rin sa alak. Mapula na ang mukha nito at mapupungay na rin; ang halata namang umiyak na mga mata.
Tumayo ito, tumungga sa bitbit na bote ng alak. “Kanina pa kasi ako inaantok ee! Alangan naman pumasok ako sa loob—- eh busy kayo!” Matapos ay isang matalim na tingin ang ibinato kay Nikko.
“Ah! Carl—” Hagod ni Nikko sa batok niya.
“Ano ba??” Gumigil sa ibabang labi. “Buntis na nanay ko binabanatan mo pa!!”
Sasagot sana si Nikko, ngunit biglang…
SHAG!
“Carlo!”
Walang sabi-sabing ipinalo ni Carlo ang bitbit na bote ng beer sa mukha ni Nikko.
“Carlo ano ginawa mooo?” malakas na sigaw ni Vicky. Mabilis itong umalalay sa binata.
Nang sumuray-suray na si Nikko at akmang pabagsak na ay isang malakas na tadyak sa sikmura naman ang ginawa ni Carlo.
“Ugh!” Natumba at napaluhod ang binata.
“P*tang—-” at isang sipa pa ulit.
Nataranta si Vicky. “Carlo tama naa!” Hindi niya malaman kung paano aawatin ang anak. “Tama naaa!”
“Pap*tayin ko ‘tong—- h*yp na ‘toooo!” Sinunod-sunod niya ang tadyak kay Nikko. Sa tagiliran, harapan at likuran. “Ikaw pala—umn!” Talagang galit na galit siya. “Umn! Pap—” Paulit-ulit na tadyak niya sa tagiliran.
“Carlo tama na! Dumudugo na ‘yung mukha ni Nikko!” Tulak ni Vicky sa anak.
“Ma! Maaaa! Ako nga po—- natahi pa!” sigaw ni Carlo. “Eto— papa—-ta—”
Nakayuko na sa semento si Nikko kapit-kapit ang kanang parte ng noo kung saan siya hinampas ni Carlo ng bote ng beer. Dumudugo ito dahil sa pumutok din bahagya. Hindi pa rin tumitigil si Carlo sa pagtadyak dito.
Kinapitan ni Vicky ang anak at pilit itinulak palayo, inakap sa beywang upang huwag na makasunggab.
“Maaa! Bitiwan mo ako! P*p*tayin ko ‘yang g*go na ‘yaaaan! Aaaaagh! Walangiya kaaa!” Palag pa rin ni Carlo.
Umiiyak na si Vicky. “Carl, tama na, Carl, mag-usap na lang tayo nang maayos anak— anak—” Akap-akap si Carlo sa beywang, kahit na nasasagi ang maumbok na tiyan ay wala siyang pakialam. “Huwag ganito—- please, anak…”
Tiningnan niya ang umiiyak na ina. “Ma… Ba—bakit?” at napaluha na rin siya. “Tch! Bakit kasi—- umn!”
Dahil sa ingay at gulo ay nabulabog ang ilang bahay na pagitan bago makarating kina Emi.
At sandali pa nga ay…
“Nikkoooo!” Humangos si Emi nang makitang duguan ang anak. “Anak—- ano ‘yaaan? Nikko??”
Napasulyap si Emi sa mag-ina.
“Emi—- Emi—- sorry—-” sabi ng Vicky.
Tila natauhan bigla si Carlo nang makita si Emi. “Em—ugh! Emi—” Kapit niya sa kulot na buhok. “Ugh! Em—”
“Nikko ano nangyari anak?” Inalalayan ni Emi ang anak na nakayukyok na halos sa semento, pumapatak na rin ang dugo na galing sa nabiyak na noo nito. “Anak— ano nangyari?”
“Ma— Ma— sorry…” nakuha pang bumulong ni Nikko.
“Anak hintayin mo ako rito, kukunin ko ang kotse!” Mabilis na kumilos si Emi.
At nang matapat sa mag-ina ay…
“Emi— Emi!” Nakuha pa siyang tawagin at habulin ni Carlo. “Emi!”
Isang matalim na tingin ang ibinato ni Emi sa kanya.
“Emiiiii!” sigaw ni Carlo. Bumitiw siya sa ina at tinabig ito. “Bwi—-ugh! Hayp na buhay ‘to!” Dumura pa muna kay Nikko bago pumasok sa loob ng bahay nila.
Sandali pa at…
“Nikkoooo!”
Tuluyan nang bumagsak si Nikko.
HINDI pinasama ni Emi si Vicky sa ospital. Naiwan ang mag-inang nagtatalo.
“Aaaaaaaaagh!” Malakas na sigaw ni Carlo.
“Carlo ano ba??”
Hindi maawat ni Vicky ang anak sa pagwawala. Hinahawi nito ang bawat malapitang gamit habang humahagulgol.
“Maaaa! Bakit ganooon???”
“Carl, mag-usap tayo nang maayos anak, please—-“
“Maaa! Unfair! Napaka-unfair n’yo!”
“Carl—-“
“Bakit ganoon siyaaaa? Maaaa?? Haaaaaah! Aaaaaaagh!” Muli na naman nagbasag ng mga gamit nila. “Unfair! Unfair kayo sa akin! Maaa!”
“Carloooo!! Tama naaaaa!!” Umalingawngaw ang boses ni Vicky sa apat na sulok ng bahay nila, matapos ay… “Ugh! Agh!” Napahawak sa magkabila niyang s*ngit. “Ugh! Ca—Carl, pag-usapan natin nang maayos, ‘yan, please…”
“Haaah.. Hmmmn… Ano’ng pag-uusapan pa Ma—- kung tapos na po lahat… Hmmn…” Naupo si Carlo sa sulok katabi ng halamang nasa malaking banga. “Unfair… Napaka-unfair n’yong lahat…” Napakasama ng loob niya. Ibinuhos na lamang niya ang galit sa pamamagitan nang matinding pagluha na napapakapit pa sa dibdib dahil sa naninikip. “Ang—- ang sakit, Ma— sobra—sobrang sakit—-“
Nilapitan ni Emi ang anak. Hinagod ang nakayukong ulo nito. “Carl, mahal ko si Nikko… Mahal—- mahal na mahal ko siya,” mahina at garalgal na boses niya.
“Paano ako, Ma?” Tiningnan niya ang ina. “Paano ako? Mahal ko si Emi…”
Halos manlumo si Vicky sa narinig. Naiwang nakaawang bahagya ang bibig na may pagnginig pa.
At muli…
“Mahal ko si Emi, Ma… Mahal na mahal ko rin po siya… Haaaah… Ummmmmnn…” Itinakip ang magkabilang kamay sa mukha. “Bakit napaka-unfair n’yo?? Bakit—-“
Marahang umaatras si Vicky habang ang mga mata ay pinipilit na hindi maikurap dahil sa takot na mag-unahan ang luha sa pagbagsak. Gustuhin niya mang italiwas sana ang iniisip ngunit inamin na ng binata ang lahat.
At muli…
“Mahal ko siya, Ma.. Katulad ng pagmamahal mo kay Nikko,” pabulong na sabi ng anak.
Nais niyang magbingi-bingihan, ngunit…
“Si—- Emi ni— Nikko? Ca— Carl? Ang— Tita Emi?” utal-utal na pagsasalita ni Vicky. “May— relas—- relasyon kak—kayo?”
Nais niya sanang marinig muli ang sagot ng anak ngunit ang pananahimik nito ay indikasyong; sapat na ang lahat ng kanyang narinig.
Nanatiling nakatakip ang mga kamay ni Carlo sa mukha at humihibi na parang bata.
Ngunit hindi pa rin tumigil ang mapilit na ina.
“Ca— Carl… Siya ba?” Napaupo si Vicky sa sofa. “Carl—- Siya ba?? Siya baaaaaa??? Magsalita kaaaaa!!!” Hindi na nakapagpigil si Vicky, isinigaw na ang naguguluhang isip. “Carlooooo!!! Siya baaaaaa???” Matapos ang mahabang sigaw ay iniyukyok na ang mukha at walang habas na humagulgol nang malakas.
Sinabayan na lamang siya ng anak. Walang kibo, walang galaw at nanatiling nakatanaw.
KINABUKASAN…
“Emi!! Emi!!” malakas na sigaw ni Vicky papasok pa lamang ng gate ng bahay ni Emi.
Lumabas ang Emi.
“Emi!”
Nang makalapit na ang kaibigan ay…
PAK!
“Uhuh! Ugh!” Halos mandilat ang mga mata ni Emi sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Vicky.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit—- bakit ang anak ko??” Kitang-kita sa mga mata ni Vicky ang galit. “Bakit—”
Hawak ang masakit na kaliwang pisngi. At…
PAK!
“Ugh!”
Isang malakas na sampal din ang ginawa ni Emi sa kanang pisngi naman ng kaibigan.
“Bakit—- si Nikko?”
Mariing nagkatitigan ang dalawa. Mga matang naluluha na ngunit ayaw na may maunang bumagsak sa kanila. Pataasan ng pride, patigasan kung sino ba ang susuko na.
Namutawi ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila.
At sa wakas…
“Mahal ko si Nikko…”
Ang may tunay at matatag na damdamin na ang naunang umamin; kasabay ang pagguhit ng kanyang mga luha pababa sa pisngi na humalik sa labi.
Umihip ang malamig na hanging nagmamasid sa magkaibigang may mga damdaming sawi. Humaplos sa kanilang mga buhok na humawi paalis sa mga natatakpang mukha upang lumutang ang mga matang may luha.
Hindi nila maitatanggi na hindi naman tunay ang mga nararamdamang galit. Nahihiya lang silang magsabi sa isa’t isa ngunit ang katotohanan talaga ay nagkapatawaran na sila; noon pa.
Hanggang sa…
“Hindi ko matatanggap si Nikko bilang ama niyan.”
Isang malalim na boses ang kanilang narinig.
Sabay na napalingon.
“Carlo?” bulalas ng Emi.
“Carl—- akala ko ba—-anak—“
“Tanggap ko ‘yung bata, Ma, pero hindi ang ama!” malakas na boses ni Carlo.
“Carl, ano ba problema mo?” tanong ni Emi. “Paano natin maayos ‘to?” Pinunas ni Emi ang pisngi. “Ano pa ba itatago natin? Ano pa ba kailangan nating gawin?”
Itinuon ng binata sa kanya ang atensyon. “Ano’ng kailangang gawin? Ha? E— Emi naririnig mo ba ang sinasabi mo?”
“Carl…” Umiiyak na si Vicky.
“Ano pa ba?? Tapos na eh! Ayusin na lang natin kasi—- mahihirapan lang tayong apat,” malumanay na tugon ni Emi. Pinipigilan niyang tumaas ang boses.
“Tapos na? Tinapos mo kasi! Emi—- wala akong kasalanan alam mo ‘yan! Sumunod ako sa inyo na ilihim lahat! Tinaboy mo ako kasi mahal mo si Mama at ayaw mong magalit siya sa ‘yo! Si Nikko—- umamin ako sa kanya dahil mahal kita! Halos burahin niya ang mukha ko sa suntok pero—-” Pinunas ni Carl ang luha na sunod-sunod na sa pagbagsak. “Pero—- tinigil mo lahat sa atin sa kabila nang matapang na pag-amin ko…”
Hindi makapaniwala si Vicky sa nasasaksihan. Hindi siya makapaniwala na ganoon kabaliw sa kaibigan niya ang anak.
“Ikakasal ka na!”
“Dahil sa ‘yo!”
“Anong dahil sa akin Carl??” Nagsalubong ang kilay ni Emi. “Bakit ako?”
“Dahil—-” Nilamukos ng binata ang mukha niya sa inis. “Dahil gusto kitang makalimutan!!” malakas na boses nito.
Nilapitan ni Vicky ang anak at niyakap. “Anak, halika na.. Halika, uwi na tayo, Carl… Please… Tama na, anak…” Nahabag siya rito.
Mas matimbang pa rin kahit kailan ang damdamin ng ina para sa nasasaktang anak. Pilit iniiwas ni Vicky ang anak. Tumalikod na sila at inaya niya na pauwi.
At muli ay…
“Mahal din kita Carl—- mahal na mahal—kita— kak—kaya nga—-“
Nahinto ang mag-ina na kasalukuyang nasa kalagitnaan na ng pathwalk.
“Kaya nga—- ayaw kitang saktan… Ayokong iwan ka sa gitna ng kasiyahan mo… Maiintindihan mo rin ang lahat, pag— pag— pagdating ng araw.” Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Emi bago umalis na at pumasok na sa loob ng bahay.
Babalik sana si Carl, ngunit…
“Anak, tama na… Tama na please, umuwi na tayo…” Awat ni Vicky.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




2 Responses
Grabe naiyak nman aq kawawa nman c carl… But in the same time i salute emi for having a brave heart and a firm decission na maiayos ang lhat khit kpalit pa ehhhh ang msaktan sya
Saludo aq Kay emi para sa kinabukasan ni Carl siya na Ang umiwas para bigyan Daan din Sila Vicky ay Nikko San hahantong Ang LAHAT sabik na ko sa mga susunod pang kabanata jusko roller coaster hahaha