ONE MONTH LATER…
NAKANGITING bumaba ng kotse si Michaela. Kasunod niya si Michelle at Alex. Nakangiting sinalubong naman sila ni Mang Kanor at Aling Mila.
“Kakain ba kayo?” nakangiting tanong ng mag-asawa sa kanilang tatlo.
“Opo,” panabay naman na sagot nila. Naupo sila sa pinakadulong bahagi ng karinderia nina Mang Kanor at Aling Mila matapos nilang mag-order.
“Kumusta na kayo?” nakangiting tanong sa kanya ng mag-asawa nang idulog ng mga ito ang kanilang order. Sila lamang ang kasulukuyang kustomer ng mga ito.
Kunot-noong tiningan niya ang mag-asawa.
“Natatandaan niyo ho ba kami?” tanong niya sa mag-asawa.
Nakangiting tumango naman ang mga ito. Pagkatapos ay sandaling tumalikod si Mang Kanor at kapagkuwan ay may kinuha itong ilang pirasong bond paper. Nang magbalik ito sa mesa nila ay inabot nito ang hawak nito. She smiled bitterly. Larawan nila iyong magkakaibigan na may nakalagay na ‘Missing’.
“Putok sa buong DRT ang nangyari sa inyong magkakaibigan. Salamat na lamang sa Diyos at nakaligtas kayo. Nakakalungkot nga lamang at may mga nasawi.”
May bahid na lungkot sa kanilang mga mata na nagkatinginan sila nina Michelle at Alex. Nang may dumating na mga kustomer ay magalang na nagpaalam sa kanila ang mag-asawa. Nagpatuloy naman silang tatlo sa tahimik na pagkain.
Matapos magbayad at makigamit ng CR ay nagpatuloy sila sa kanilang biyahe. Ang kanilang destinasyon…ang Thalassa Land & Sanctuary.
Nang makarating sa may tulay ay kumanan sila sa maliit na kalsada. Ilang metro lamang mula sa tulay ay hininto na ni Alex ang kotse. Bumaba silang tatlo.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Michaela. Nilinga niya ang paligid. Nasa harap nila ngayon ang ruins ng Thalassa Land & Sanctuary. Nasa bungad lamang pala talaga iyon katulad ng instruction sa kanila noon ng mag-asawa sa karinderia.
Matapos mag-alay ng bulaklak at dasal ay nilisan na nila ang lugar. Maaaring iyon na ang huling pagtapak nila sa lugar na iyon. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kakalimutan na nila ang mga kaibigan nilang nasawi pati na ang mga taong tumulong sa kanila. Habang-buhay nilang aalalahanin ang mga ito. They just really wanted to see the place one last time bago nila harapin ang kani-kanilang mga bukas.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





3 Responses
hello po otor, maganda po ang Dead End. ni-recommend ito sa akin ng mag-ari ng account na ito. hindi kasi ako marunong gumawa ng email account kaya nakigamit na lang ako para mabasa ko sulat mo. nabasa na pala ito ni noona noong libre pa kaya naka-lock pa un mga chapters. sa susunod magsasalo na lang kami para tipid sa denaro.
waaahhh…tapos na…thank you otor for writing a good story…will surely read more of your stories here
Grabe 😭 salamat otor sa magandang kwento ng magkakaibigan nabigyan mo sila ng justice kahit sa umpisa walang dating sakin pero habang tumatagal naeexcite ako sa kaganapan SaLamat po 🥰😘 Si valentine naman ang aabangan ko hehe