Love Me Tender (Chapter 18)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“ANAK ako ng may-ari ng Sunrise Employment Services. I have my own car rental business. Sa akin ang VG Car Rental sa Ortigas at sa Alabang. Pinakiusapan lang ako ng Mama ko na nagma-manage ng Sunrise Employment kasi nga baka raw hindi ka mag-renew ng kontrata kapag palpak na driver ang ipinadala sa iyo.”

Natigilan siya. So that explained it all. Kung bakit mayamanin ang kilos nito. Kung bakit branded ang mga gamit nito. Kung bakit maraming nakakakilala rito sa Pueblo. “W—why you didn’t tell me?”

“It was good that I didn’t tell you at first.  Ginusto mo ako kahit sa pagkaalam mo’y mahirap ako.”

“Are you…are you married?” Natatakot siya sa maaring maging sagot nito pero mabuti na ang handa.

“I am one hundred percent single.”

Nabuhayan siya ng loob. “But…you have a girlfriend?”

Umiling ito. “I don’t have exclusive girlfiend. Pero ngayon, meron na. Kung papayag ka.”

“Sino si…si Baby? Yung sinasabihan mo ng I love you?”

Pilyo ang ngiti nito. “So, ibig sabihin, in-i-stalk mo ako kung sinong mga kausap ko?”

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Narinig ko lang kasi minsan.”

“Baby is my niece. Anak siya ng twin brother ko na namatay. She’s a down syndrome baby. I love her so much.”

Niyakap niya ito nang mahigpit. Alam niya kapag mapagmahal sa pamilya ang isang lalaki, magiging magpagmahal din itong asawa at ama. It was too early to tell but she was now loking forward to spending the rest of her life with this man.

ISANG malaking balita sa Events Unlimited ang lovelife ni Missy. Nakita ng lahat ang pagbabago ng kilos at ugali niya. Naging bukas na aklat ang relasyon nila ni Voltaire sa paglipas ng mga araw at linggo. Kung may pinakamasaya sa lahat ay walang iba kung hindi si Lance. Ayon dito ay napapanahon na para naman ang kasalan niya ang pagka-abalahan niya.

She was very excited for Voltaire’s proposal. Hindi siya magdadalawang isip kung yayayain na siya nitong pakasal.

Tanggap na tanggap na rin ng parents niya ang lalaki. Minsan na niyang naisama ito sa family day nila kasama ang mga half brothers niya at pamilya ng mga ito sa rest house nila sa Tagaytay. Ang hinihintay na lang niya ay ang pagpapakilala nito sa kanya sa pamilya nito.

Ang laki ng impluwensiya ni Voltaire para matutunan niyang balansehin ang personal na buhay at ang career. She was more than ready to settle down with him.

“I want to meet your family,” out of the blue ay nasabi niya kay Voltaire nang minsang nag-lunch out sila.

Humugot ito ng buntong-hininga. “We’ll come to that.”

“Ikinuwento mo na ba ako sa kanila?”

Tumango ito.

“And?”

Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Soon, ipapakilala kita sa kanila. Okay?”

Nakaramdam siya ng insecurity bigla. Bakit kailangang matagalan pa?

MALAPIT na ang uwian nang mag-ring ang local number niya sa opisina. “Yes, Dorothy?”

“Ma’am may naghahanap sa inyo. Mara daw.”

“Who’s Mara?”

“Kilala daw ni Sir Voltaire. May kasamang bata. Patutuluyin ko ba?”

Bigla siyang inalihan ng kaba. Walang nababanggit na Mara si Voltaire sa kanya. “S—sige.”  Nasa Australia si Voltaire. Kahapon lang ito umalis para sa isang linggong car exhibit. Gusto sana siyang isama nito pero tumanggi siya dahil sa maraming commitments.

Nang bumukas ang pinto ay nakilala agad niya ang sinasabing bata ni Dorothy. Si Baby. Tumayo siya. “Yes? If I am not mistaken, you are Baby?” Agad siyang lumapit sa bata. Maganda ito kahit may diperensiya. Naka-pigtail ang mahaba nitong buhok.

Umurong ang bata at nagtago sa likod ng babaeng kasama nito.

“And you’re Mara? I suppose,” aniya sa babae. “Ikaw ang mommy ni Baby?”

“Ako nga. And I am Voltaire’s fiancée.”     Itinaas nito ang kanang kamay para ipakita ang diamond ring sa daliri nito. “Engaged na kami bago ka niya nakilala. Siya ang kinikilalang ama ni Baby magmula nang mamatay ang asawa ko. Nang dumating ka, gumulo ang sitwasyon. Ikakasal na kami.”

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

“Hindi ka naniniwala. Tawagan mo ang Mama niya. Siya mismo ang makakapagpatunay sa iyo. Ikakasal na kami. And for your information, ginamit ka lang ni Voltaire para maibangon ang Sunrise Agency. Isa ako sa board of directors ng kompanya. Ngayong napirmahan na ng Salvatoree Group of Companies ang bagong kontrata because of you, makakabangon na uli ang Sunrise. But that doesn’t mean na pinipili ka na ni Voltaire over me. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka ipinapakilala ni Voltaire sa family niya? He just used you. Ako ang mahal niya at hindi ikaw.

Pakiramdam ni Missy ay namanhid ang kanyang buong katawan. Hindi niya magawang sagutin ang mga sinasabi ni Mara.

“If your family’s company did not renew the contract, magsasara na ang Sunrise. Thanks to you. Naibangon mo ang kompanya naming but as a businesswoman, sana huwag mong ipagsisksikan ang sarili mo sa magiging asawa ko.”

Gusto niyang mapahagulgol. Kaya pala hindi siya magawang  maipakilala ni Voltaire sa magulang nito? Kinalma niya ang sarili. Sa wakas ay nagawa niyang magsalita. “Look Mara. Let’s act as adults here. Hintayin natin si Voltaire. Gusto kong sa kanya mismo manggaling.”

“Ah, talagang hindi ka naniniwala? Puwede kang mag-research. Sa bangko, sa SEC. Sunrise is bankrupt already. Na-grant lang ang loan  dahil sa bagong kontrata naming with you. Gugustuhin mo bang maging milking cow ni Voltaire? Siguro nama’y hindi?”

“I…I need to speak to Voltaire.”

“Well. Dito sa ipapakita ko, baka naman magising ka na sa katotohanan.” Binuksan ng babae ang bag nito at may inilabas na papel. Iniabot sa kanya.

“What’s this?”

“Ultrasound result. I am two months pregnant. Magkakaroon na ng kapatid si Baby at si Voltaire ang ama. Kung may konsensiya ka, lalayo ka na.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito hila ang anak.

Parang gumuho ang kanyang mundo.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Love Me Tender (Chapter 18)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?