Love Me Tender (Final Chapter)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

MAGDAMAG siyang umiyak nang umiyak. Ang sakit-sakit ng kanyang kalooban. Hindi agad niya magawang magtapat sa kanyang mga magulang dahil masasaktan din ang mga ito para sa kanya. She wanted to call Voltaire ngunit wala siyang lakas ng loob na mismong malaman dito ang katotohanan. She switched off her phone. Ayaw din niyang tawagan siya nito. Gusto niyang mag-isip. Gusto niyang takasan ang sakit na nararamdaman.

Kinabukasan ay nagsagawa siya ng sariling imbestigasyon. Nalaman nga niya na muntik nang mag-file ng bankruptcy ang Sunrise Agency. Marami itong hinaharap na labor disputes at outstanding loans sa bangko. Na nakapag-renew lang ito ng loan matapos gamiting collateral ang three-year renewal contract mula sa Salvatorre Group of Companies.

Ang sakit ng dibdib niya. In a way ay nagamit nga siya ni Voltaire. Pinaibig siya nito para masigurong magre-renew sila ng kontrata. Hindi siya nito totoong minahal. Higit sa lahat, ikakasal na ito. Nagsinungaling ito sa kanya.

Dahil gusto niyang makalimot pansamantala ay isinama niya si Lance sa rest house nila sa Tagaytay. Baka mabaliw siya sa kakaisip kung mananatili siya sa Manila. Pang-limang araw na nila roon. Alam niyang darating na si Voltaire bukas. Tinawagan siya ni Dorothy kahapon. Nakailang beses na raw itong tumawag sa opisina dahil hindi siya ma-contact.

“Baka naman assuming lang ang babaeng iyon,” ani Lance. Si Mara ang tinutukoy nito.

“Assuming ba iyong may suot nang engagement ring at may dalang pregnancy test?” Naiiyak na naman siya.

“Eh, bakit hindi mo kausapin si Voltaire? Malay mo namang ikaw ang piliin niya kaysa babaeng ‘yon?”

“May batang involve, Lance. Buntis siya. Two months. Ibig sabihin habang may relasyon kami…habang may nangyayari sa amin, may nangyayari rin sa kanila. Isa pa, ginamit niya ako para isalba ang Sunrise Agency. My God. Ayaw na ayaw ko sa lalaking manggagamit.”

“O, eh, hanggang kailan ka magmumukmok dito? Kailan mo siya kakausapin? Bakit hindi mo siya komprontahin?” sunod-sunod na tanong nito.

“Hindi ko alam kung paano siya haharapin.”

Natigilan si Lance bigla. “Palagay ko’y kailangan mo na siyang harapin dahil narito na siya. Voltaire is here.”

“Puro ka naman kalokohan alam mo na ngang nahihirapan na ako eh.”

“Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo.”

Napalingon siya. Si Voltaire ang nagsalita. Nasa may pintuan ito. Kunot ang noo. Halatang pagod.

“What are you doing here?” tanong niya. Her heart was beating very fast pero kailangan niyang pigilan ang pintig niyon. She needed to make herself realize na niloko siya nito.

Tumalikod si Lance. “Oops…excuse muna ang beauty ko.”

Inilang hakbang lang ni Voltaire mula sa pinto hanggang sa kinauupuan niya sa may sala. “I had to take the last flight last night. Mababaliw na ako na hindi na hindi kita makontak. Ayaw mo akong kausapin sa dahilang hindi ko alam. Kung hindi pa ako tumawag sa amin, hindi ko malalaman ang kagagahang ginawa ng hipag ko.”

Napaiyak na siya. “You proposed to her and she’s pregnant.”

“I did not propose to her. Engagement ring pa niya iyon na binigay ng kakambal ko. Nababaliw na siya. Ginagamit niya si Baby para sikilin ako. Nagpagamit ang Mama ko sa kanya

dahil sinabi niyang ilalayo si Baby sa amin. My mother loves baby so much.”

“She’s pregnant she said.”

“Yes, she is.”
Nagmarkulyo siya. “See? Ang lakas ng loob mong aminin…”

“She’s pregnant but it’s not mine. For Christ sake, kahit ilang beses siyang nag-attempt

na i-seduce ako, I did not dare.”

“And the Sunrise Agency?”

“What about it?”

“Ginamit mo lang ako para isalba ang kompanya ninyo.”

“The agency was in the brink of bankruptcy, yes. Aminado ang nanay ko na malaking naitulong ng Salvatorre Group of Companies para hindi iyon magsara. The renewal has helped them to file for a loan in the bank. Pero kung pera lang ang problema, may sarili silang pera to cover all the monetary problems  We have almost two thousand employees. Maraming mawawalan ng trabaho kung sakali. I even offered my personal money to help them. Okay, I admit na  noong nagpangganp akong driver ay sinabi nila sa akin na ako ang pag-asa para siguradong mag-renew ang kompanya ng pamilya ninyo sa Sunrise. Even to the point na kailangang magustuhan mo ako. Pero kung iniisip mong ginamit kita, nagkakamali ka. Maari sigurong mas mayaman ang pamilya mo sa pamilya namin pero hindi ko kailangan ng dagdag na kayamamanan. I can live a simple life. I can eat in karinderya… in pantry…anywhere.”

Napalunok siya. Alam niya iyon. Hindi ito maarteng tao. Napahikbi siya.

“You doubted me?” You doubted my sincerity?” magkasunod na tanong nito. Malamlam ang mga mata.

“Sana kasi ipinakilala mo na ako sa kanila noon pa,” aniya kasunod ng isa pang hikbi.

“Nang sinabi ko kay Mama ang tungkol sa iyo at sinabi niya kay Mara, tinakot niya si Mama na ilalayo si Baby. Ngayong nalaman namin na buntis siya, puwede naming ilaban sa korte ang custody para kay Baby. May mga ebidensiya kami na sinasaktan niya si Baby kapag walang nakakita. She’s not in her proper state of mind.”

“Sobra akong nasaktan. Ikamamatay ko pala kung mawawala ka.”

“Eh, bakit bigla mo na lang pinutol ang komunikasyon natin?”

“Kasi nga po nagselos ako.”

“Sa akala mo ba, may makakapalit ka pa sa puso ko? Dumating kang parang kidlat, mananatili ka na sa puso ko forever. At dahil diyan, isinama ko na ang mga parents ko ngayon. On my way here, tinawagan ko na rin ang mommy, daddy at mga kapatid mo kasi gusto ko minsanan na lang akong magpapaliwanag. Alam kong narinig na nilang lahat ang paliwanag ko.”

Nagulat siya nang bumukas ang pinto at nakita niyang naroon ngang lahat ang mga ito. They were all smiling.

Hindi siya makapaniwala. Para siyang nananaginip lang.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay na-meet niya ang mga magulang ni Voltaire. Ngayo’y alam na niya kung saan ito nagmana ng kaguwapuhan. Guwapo at matangkad ang ama nito. Instantly ay swak agad ito at ang daddy niya. Pati ang mommy niya at ang mama ni Voltaire ay hindi mapuknat sa kuwentuhan.

Hindi niya alam kung paanong nangyari ang lahat na wala siyang kaalam-alam. Ang mommy pala niya ang tinawagan ni Voltaire at nakipagsabwatan dito katulong si Dorothy. Maya-maya ay dumating na ang caterer at ang seven men orchestra. Instant party ang naganap sa lawn ng rest house.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Missy. Before the night ended ay isa pang malaking sorpresa ang hindi niya inaasahang mangyayari rin ng gabing iyon.

Habang tumutugtog ang orchestra ng isang awitin ni Frank Sinatra na What is This Thing Called Love ay iginiya ni Voltaire si Missy sa gitna ng lawn at isinayaw. Nang nasa kalagitnaan na ang kanta ay itinaas nito ang kamay at humina ang tugtog pagkuwa’y pinakatitigan siya nito. “Missy, I want to take this wonderful moment, sa harap ng parents ko at family mo, I want to propess my pure love to you…na kailanman ay hindi kita magagawang saktan.”

Biglang nilamon ng antisipasyong may kaba ang puso ni Missy.

Mula sa bulsa ng suot nitong pantalon ay may dinukot si Voltaire. “Wala akong ibang nanaising makasamang babae sa buhay ko kung hindi ikaw. I want you to be the mother of my kids. I want you to be my wife.” Basag ang boses nito. “Marry me, please…” Kimuha nito ang singsing na may kumikinang na diyamante sa box.

Hindi niya magawang sumagot agad. Nag-ulap ang kanyang mga mata at kasunod niyon ay tumulo ang kanyang luha. Pinangarap niya ang sandaling iyon magmula nang mahalin niya si Voltaire pero hindi niya inasahang ngayon iyon magaganap.

“Say yes…” ani Voltaire. “Ang layo pa ng pinanggalingan ko and I was so stressed up to pull all these things together. Ayokong mapahiya sa kanila,” biro nito. Lumingon ito sa pamilya nilang nakaabang sa sagot niya.

Sa basag na boses ay sumagot siya. “Of course. Yes.”

Kinintalan siya nang mariin na halik sa labi ni Voltaire bago isinuksok ang diamond ring sa kanyang daliri.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat.

 

THE grandest and most anticipated wedding of the year happened in Manila Cathedral after six  months. Nagtulong-tulong ang lahat ng mahuhusay na corrdinators ng Events Unlimited para mairaos ang kasalan. Ang reception ay idaraos sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.

Wala nang sasaya pa kay Missy. Sa dinami-dami ng weddings na na-organize niya, hindi niya akalaing ang sariling wedding ay hinayaan niyang iba ang mag-asikaso. And everything went well. She was the happiest and contended bride in the universe lalo pa’t hindi matatawaran ang mga katangian ng kanyang groom.

Naroon ang lahat ng importanteng tao sa kanyang buhay. Pati ang malalapit na kaibigang sina Ally at Carmela ay dumalo kasama ang kani-kanyang asawa.

Habang kinakanta ng wedding singers ang To Have and To Hold ay nagsimula siyang maglakad sa mahabang aisle. She was smiling but when she saw his groom crying, napaiyak na rin siya. God, how could be so lucky?

Mabuti na lang at sa gitna ng mahabang aisle ay naroon na ang daddy niya para alalayan siya, Nang iniabot ng daddy niya ang kanyang kamay kay Voltaire ay umiiyak pa rin ito. Pareho silang umiiyak.

“Why are you crying?” aniya. “Pinaiyak mo rin ako. Maru-ruin ang make-up ko.”

“Because I love you. So much.”

Niyakap niya ito nang buong higpit. “I love you too.”

“The ceremony has not yet started,” paalala ni Cardinal Tagle na siyang mag-o-officiate ng kanilang kasal. Ngiting-ngiti ito.

Natatawang humarap sila rito. Sabay silang nagpahid ng luha.

And the ceremony began. And it was the beginning of the happy ever after for the two of them.

WAKAS

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Love Me Tender (Final Chapter)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?