My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 22 – Unintentionally Heard]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Nakasimangot ang magandang mukha ni Yuna habang papasok sa isang gate ang sinasakyan niyang sasakyan. Samantala, masaya naman si Clay habang siya ang nagmamaneho nito. Nangibabaw ang kakulitan ni Clay kaysa sa paglalaban ni Yuna.

“Ngumiti ka na!” malambing na utos ni Clay. Hindi sumagot si Yuna. Wala ring reaksyon sa mukha niya.

“Alright, sorry! Promise, next time, I won’t post your picture while sleeping,” dagdag pa ni Clay. Hindi pa rin sumagot si Yuna. Tumigil na lang muna si Clay sa pangungulit kay Yuna. Pinarada niya ang kanyang sasakyan. Nauna nang bumaba si Clay at pinagbuksan si Yuna ng pinto. Nakasimangot pa rin si Yuna hanggang siya ay makababa. Pero nagtataka siya kung bakit hindi man lang sila tumuloy ni Clay sa isang hotel. Sinalubong sila ng isang matandang lalaki.

“Mang Tonyo, kumusta po kayo?” bati kaagad ni Clay.

“Ayos naman, iho. Ikaw, kumusta ka na?” Sabay akbay ng matandang lalaki sa balikat ni Clay habang hindi pa nito napapansin si Yuna.

“I’m fine and I’m doing great! Oo nga po pala, malinis at maayos na po ba ang bahay?”

“Oo naman, kailan pa namin pinabayaan ni Ces ang bahay mo, iho. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyo, malapit nang matapos sa pag-aaral si Ces nang dahil sa inyo ni Charles,” paliwanag ni Mang Tonyo. Nagbago bigla ang anyo ng mukha ni Yuna, nang maantig ang puso niya sa nalaman nito. May mabuting puso si Clay at Charles.

Mag-ama sina Mang Tonyo at Ces. Nagtitinda lang ng taho si Mang Tonyo sa kalsada. Nakilala ni Mang Tonyo si Clay at Charles, dahil noong teenagers pa ang mga ito sa Baguio sila nag-aral ng highschool. Madalas nasa labas ng paaralan nila si Mang Tonyo. Kaya’t nang umalis sina Clay at Charles sa bahay na binili ng kanilang mga magulang, si Mang Tonyo ang naisip nilang mag-aalaga nito kapalit ng pagpapaaral ni Ces. Si Clay ang nagbabayad ng tuition fee ni Ces. Samantala, si Charles ang namamahala sa lahat ng kailangan ni Ces.

“Kuya Clay!” sigaw ng isang magandang dilag habang tumatakbo papunta kay Clay. Nang makalapit ay niyakap niya si Clay.

“Ang bilis mong lumaki, parang kailan lang.”

“Magugustuhan mo na ba ako ngayon, Kuya Clay?” Sabay ngiti ng dalaga habang nakayakap pa ito sa bewang ni Clay. Tumawa lang nang malakas si Clay.

“Kahit lumaki ka na, bata ka pa rin sa paningin ko. At saka habang lumalaki ka, tumatanda rin ako, ‘di ba?” sagot agad naman ni Clay.

“Wala namang problema sa edad,” bulong ni Ces. Nagtampo ito kaagad kay Clay. Napangiti na lang si Yuna sa kanyang nasaksihan. Tinanggal ni Clay ang mga kamay ni Ces sa kanyang bewang.

“By the way, Mang Tonyo and Ces, meet my wife. Her name is Yuna,” pakilala ni Clay kay Yuna. Tumaas ang kaliwang kilay ni Ces. Pinagmasdan niyang mabuti si Yuna mula paa hanggang ulo. Natulala siya nang makita niya ang taglay na kagandahan ni Yuna.

“Magandang araw po sa inyo,” magalang na pagbati ni Yuna.

“M—May a—asawa ka na?” Maluha-luha ang mga mata ni Ces.

“Hindi ka nanonood ng balita, ano? Yes, I am married. And in this house, we will hold our honeymoon,” sagot agad ni Clay. Ginulo niya ang buhok ni Ces. Tiningnan niya si Yuna. Pinandilatan siya ng mata ni Yuna.

“Pasensya ka na, iho. Hindi namin alam na nag-asawa ka na pala. Siya ba ang sinasabi mong kasama mong darating?”

“Yes, Mang Tonyo. Hindi na rin ako makapaghintay sa honeymoon namin. Hindi ko rin palalampasin ang araw na ito. Because my wife is so beautiful and sexy, maybe many men will like her. At nangako kami sa mga magulang namin na bibigyan sila ng apo,” wika ni Clay. Tuwang-tuwa siya dahil alam niyang maiinis si Yuna. Ngunit, ang totoo, kinakabahan si Yuna. Alam niyang nagbibiro si Clay, pero parang may halong katotohanan ang mga sinasabi nito kay Mang Tonyo. Nagdabog naman ang mga paa ni Ces. Sobrang nagseselos siya.

“Ikinagagalak kitang makilala, iha. Ang akala ko kasi ang kasama ni Clay ay si Charles,” sagot ni Mang Tonyo.

“Did you miss me, Mang Tonyo?” Dumating bigla si Charles.

“Kuya Charles!” Sinalubong din siya agad ni Ces. Nagulat naman si Yuna. Nalito siya. Hindi niya alam na kasama pala nila si Charles.

“What does this mean?” mahinang tanong ni Yuna habang sumisiksik siya sa gilid ng katawan ni Clay.

“Tirik pa ang araw. Mamayang gabi mo na lang isiksik ang katawan mo sa akin,” wika ni Clay. Malakas din ang boses niya. Sinadya niya iyon para marinig siya ni Charles. Nagdikit ang dalawang kilay ni Yuna. Niyakap siya ni Clay.

“I will explain to you later why he is here,” bulong ni Clay.

“Oh siya, pasok na tayo sa loob. Naghanda ng pagkain si Ces. At para makapagpahinga na rin kayo bago kayo mamasyal,” anyaya ni Mang Tonyo. Tinalikuran sila ng matanda. Sumunod din si Ces. Hinawakan ni Clay ang kamay ni Yuna at tumingin kay Charles. Napailing na lang si Charles saka sumunod sa loob ng bahay. Ganun din ang ginawa ni Clay at Yuna. Dumiretso silang lahat sa hapag kainan. Umupo na rin sila.

“Pinaghandaan talaga ‘yan ni Ces. Simula nang tumawag ka kagabi hindi na siya natulog. Iniisip niya kung ano ang lulutuin niya,” paliwanag ni Mang Tonyo.

“Ikaw ba ang lahat ng nagluto nito?” tanong ni Yuna. Hindi siya sinagot ni Ces dahil sobrang nagseselos ito. Nakaisip kaagad ng paraan si Clay para magustuhan ni Ces si Yuna.

“Hindi mo ba kilala ang asawa ko, Ces? Kung kikilalanin mo siyang mabuti, mas lalong matutupad ang pangarap mong maging isang sikat na chef na katulad niya,” paliwanag ni Clay at biglang nagbago ang aura ng mukha ni Ces.

“Siya si Yuna Gregory. Isa siyang sikat na chef,” dugtong naman ni Charles. Napanganga si Ces. Nagniningning ang mga mata niya sa galak.

“OMG! Break na tayo, Kuya Clay! Mas importante sa akin si Ate Yuna,” wika ni Ces habang ito ay kinikilig. Natuwa naman si Yuna at naisipan nitong ituring si Ces na parang totoong kapatid.

“Hindi ko inaasahan na darating din si Charles,” wika ni Mang Tonyo.

“May kasunduan kami ni Clay, Mang Tonyo,” paliwanag ni Charles. Nagulat ang matanda dahil sa pagkakaalam niya ay hindi magkasundo ang magkapatid.

“Kasunduan?” nagtatakang tanong ni Yuna. Huminga na naman nang malalim si Clay.

“Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Clay?” tanong din ni Charles. Malagkit na titig naman ang ginawa ni Yuna kay Clay.

“What? N—nakalimutan ko lang sabihin sa ‘yo,” ani Clay. Hindi nagsalita si Yuna, kanyang mga mata lang ang nangungusap.

“Kayong dalawa ni Clay ang ilalagay ko sa bagong magazine na ilalabas ng kumpanya ko. Pumayag si Clay, kaya nandito rin ako. At saka para na rin tumigil na ang kumakalat na tsismis sa inyong dalawa,” paliwanag ni Charles. Hindi sumagot si Yuna. Nakatitig pa rin ito kay Clay.

“Ayaw mo nun, hindi na natin kailangan mag-post ng mga pictures sa mga social media accounts natin, right?” Hindi pa rin sumagot si Yuna. Tumayo lang siya. Hinila niya ang kamay ni Clay.

“Excuse me,” tanging paalam lang niya kay Charles, Mang Tonyo at Ces. At saka na niya kinaladkad si Clay sa labas.

“Mukhang mag-aaway sila,” wika naman ni Ces. Nabahala si Charles.

“Mauna na po kayong kumain, Mang Tonyo. Susundan ko lang sila,” paalam din ni Charles. Nadatnan nga niyang nagtatalo si Clay at Yuna. Pero imbes na lapitan niya ang mga ito, nagtago lang siya sa gilid ng pintuan.

“Hindi na tama ang nangyayari,” sabi ni Yuna.

“Ano ang hindi tama? What is your problem again?” seryosong sabi ni Clay.

“I mean, why do we need to be featured in Charles’s magazine? Nakalimutan mo na ba ang agreement natin?”

“Agreement?” bulong ng isipan ni Charles. Patuloy siyang nakinig sa usapan ni Clay at Yuna.

“Ano’ng problema sa agreement natin? We will be together for two years. We need Charles’ help,” paliwanag ni Clay. Walang nagawa si Yuna kundi makinig muli kay Clay.

“Two years? Tama ang hinala ko. Palabas lang ang lahat ng ito. Kapakanan pa rin ni Sandra ang iniisip ni Clay. Poor Yuna, she got into a situation she didn’t want,” bulong muli ng isipan ni Charles.

“Oo nga pala, bakit panay ang tingin mo kay Charles?” tanong ni Clay.

“Bakit? Masama ba?” kaagad na sagot ni Yuna. Sinakmal bigla ni Clay ang braso ni Yuna.

“Do you like him?”

“What are you doing? What are you talking about? Hindi ka lang psycho, obsessed ka pa!” galit na sabi ni Yuna.

“Yes, I’m obsessed with you!”

“Nasasaktan ako, Clay!” reklamo ni Yuna. Hindi naman alam ni Charles kung makikialam siya.

“Just answer me! Do you like him?” tanong muli ni Clay. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa braso ni Yuna.

“No! Satisfied?” sigaw ni Yuna. Binitawan ni Clay ang braso ni Yuna. May konting kirot namang naramdaman ang puso ni Charles.

“Good! Basta bawal kang magkagusto sa iba kahit hindi mo ako gusto. Bawal kang lumapit kahit sa kaninong lalaki. Kaya magtiis ka habang hindi pa tapos ang agreement nating dalawa,” paalala ni Clay. Kinaladkad niya si Yuna muli papunta sa hapag kainan. Nagmamadali rin bumalik si Charles. Nang nakabalik na silang tatlo, parehong may laman ang isipan ni Clay at Charles.

“I’m sorry, Yuna! Hindi mo kailangan danasin ang ganyang sitwasyon. All I can offer you is myself. Sa loob ng dalawang taon, ako ang mag-aalaga sa ‘yo kahit asawa mo pa ang kapatid ko. And, after your agreement, I will take you,” sabi ng isip ni Charles habang ang kanyang mga mata ay nakatitig kay Yuna.

“Don’t try to take away Yuna from me, Charles. Kahit kailan hinding-hindi ko siya bibitawan. Don’t ever try to mess with our relationship because I will never really accept you as my brother,” sabi naman ng isip ni Clay habang ang kanyang mga mata ay masamang nakatitig kay Charles.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 22 – Unintentionally Heard]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.