My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 45: Joint Forces]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Mabilis na kinuha ni Charles ang kanyang cellphone sa bulsa ng jeans. Mabilis na gumalaw ang mga daliri niya para tawagan agad ang number ni Clay na naka-save sa contacts niya. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para malaman kung ang totoong Clay nga ba ang kaharap nila?

Nakatalikod si Yuna sa kinatatayuan ni Clay, habang si Charles naman ay kinakapa pa rin ang cellphone sa bulsa. Hanggang sa tinawagan ni Charles ang number ni Clay. Tumunog ang cellphone ni Clay.

Nagkatinginan sina Charles at Yuna, iyon ang senyales na kaharap na nila ang totoong Clay. Hindi isang impostor. Dahil sa saya na nararamdaman ng puso ni Yuna ay agad niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Charles. Mabilis siyang tumakbo papunta kay Clay at nang makalapit ay buong lakas niyang niyakap ang katawan ni Clay at napakahigpit.

“What’s happening?” bulong ni Clay at napailing na lang si Yuna. Ramdam ni Clay ang takot at pag-aalala sa nararamdaman ng kanyang asawa. Hinagod niya ang likod ni Yuna. Saka niya tinignan ng mabuti ang kapatid.

“We need to talk,” seryosong sabi ni Clay kay Charles. Kumalas si Yuna sa mga braso ni Clay.

“Wala namang ginagawang masama si Charles,” paliwanag agad ni Yuna habang nangungusap ang mga mata nito at nakikiusap kay Clay na huwag awayin ang kapatid. Ngumiti lang si Clay at hinaplos ang noo ni Yuna.

“Don’t worry, hindi ako galit kay Charles. Hindi rin naman ako nag-iisip ng masama sa ‘yo. Bird-brain ka talaga,” mahinang sabi ni Clay at pinisil ang ilong ni Yuna.

“I just need to talk to him. Kaming dalawa lang,” dagdag ni Clay. Tumango lang si Yuna.

“I also have to take care of Xandrei, para makauwi na si Ces,” paliwanag naman ni Yuna. Hinalikan siya ni Clay sa noo. Napasulyap si Charles sa kisame dahil iniiwasan niyang makita ang pagmamahalan ng dalawa.

“I’ll leave you for now. Charles, dito ka na lang maghapunan,” paalam ni Yuna. Ngumiti lang si Charles.

“Oh, ‘yang ngiti mo, parang gusto mong makuha ang puso ng asawa ko,” sagot ni Clay. Humagalpak ng tawa si Charles.

“Why?”

“You are my brother!” Patuloy sa pagtawa si Charles. Lumapit si Clay at inakbayan siya. Napailing na lang si Yuna at nung paakyat na siya ng hagdan, pababa na sina Ces at Xandrei.

“Daddy!” sigaw ni Xandrei.

“Ate, dito na lang ako matutulog. Sasamahan ko si Xandrei, nabanggit kasi niya sa akin na kapag natutulog siya may nakikita siyang kamukha ni Kuya Clay. Pero sinasabi niya rin sa akin na hindi niya ‘yun daddy,” paliwanag ni Ces kay Yuna. Lumingon si Yuna kina Clay at Charles. Naningkit ang mga mata ng magkapatid. Nagtaka si Yuna sa reaksyon ng asawa. Parang alam nito ang nangyayari?

“Xandrei must be dreaming. Just sleep here Ces, watch over Xandrei habang nagluluto ng pagkain si Ate Yuna mo. Pag-uusapan lang namin ni Charles ang tungkol sa alok ko para sa kanyang negosyo,” sagot ni Clay.

“We’ll go to the garden first,” paalam niya kay Yuna. Hindi mapigilan ni Yuna na hayaan sila kahit gulong-gulo ang isip niya. Maging si Charles ay nagtataka din kung ano ang iaalok ni Clay sa kanya.

“Let’s go!” Inanyayahan ni Clay ang kanyang kapatid. Naglakad ang mga paa niya palabas ng garden at sumunod naman si Charles. Magkatabi silang nakaupo sa isang upuang gawa sa kawayan. Sabay silang tumingin sa langit.

“Make sure your offer to me is good and I will like it,” unang nagsalita si Charles.

“I’ll give you a big news for your magazines and I’m sure papatok ito,” sagot agad ni Clay. Lumingon sa kanya si Charles.

“Huh? Anong ibig mong sabihin? Anong balita? About you? That you want to get into being an actor?”

“Nope!”

“Well, what is it?”

“Help me catch the impostor impersonating me,” diretsong sagot ni Clay. Gulat na gulat na tumayo si Charles sa harapan niya. Ngunit, ang tanging nakikita lang ni Charles ay ang emosyon ni Clay na kalmado.

“You know?” Hindi pa rin makapaniwala si Charles.

“Actually, hindi ako nag-photoshoot kanina. Inayos ko yung ginawa niyang gulo. Gusto niyang sirain ang pagkatao ko at—“

“Wait! Just a moment, answer me first. Paano mo nalaman na ginagaya ka ng isang impostor?” Putol ni Charles at huminga nang malalim si Clay.

“Isang araw pag-uwi ko para sorpresahin ang mag-ina ko, ako ang nagulat. Yuna and Xandrei were with a man inside the house. I thought Yuna had another man, but when I saw his face, we both looked the same.”

“Why didn’t you tell this to your wife? Clay, delikado na ang mag-ina mo dito. Actually, pumunta kami dito ni Sandra para kausapin si Yuna tungkol dito,” paliwanag ni Charles.

“I know. Ever since I saw someone imitating me, nagpaalam na ako sa trabaho ko na hindi muna gagawa ng anumang project para hindi masyadong maingay ang pangalan ko. I didn’t tell Yuna because I knew when the impostor got close to them, doon ko siya mahuhuli. But I can’t do it alone, Charles. I need your help,” pakiusap ni Clay. Umupo ulit si Charles sa tabi niya.

“What else can I do, if not to help you. I don’t want anything bad to happen to your family. Paano kita matutulungan?”

“Gusto ko siyang mahuli sa aking mga kamay. I know he’s just here somewhere. I know he’s watching us. But I don’t know how he does it. Ang unang hakbang na ginawa ko ay bantayan ang bawat galaw niya sa bahay ko,” paliwanag ni Clay sa kapatid.

“Ibig sabihin mayroon kang itinatago at nakakalat na mga surveillance camera?” tanong ni Charles. Tumango si Clay.

“You mean you were watching our conversation earlier?” dugtong pa ni Charles. Tumango ulit si Clay.

“So you know the impostor came earlier?”

“Why do you have so many questions? Alam mo namang may mga surveillance camera. Just help me catch the impostor,” sagot ni Clay. Nagpatuloy na lang ang magkapatid sa kanilang pag-uusap. Nagplano sila. Mga hakbang kung paano nila mahuhuli ang impostor.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 45: Joint Forces]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.