My Bubbly Girl (Chapter 4)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“KANINA ka pa tahimik.”

Nag-angat ng tingin si Migo nang marinig na magsalita si Sarah. “Ha?”

Sumimangot ito. “What’s the problem ba? Kanina ka pa walang kibo. Don’t tell me na ang malanding babaeng ‘yon ang iniisip mo?”

Napadiretso siya sa pagkakaupo. “Watch your words, Sarah. In the first place, hindi mo na siya dapat pinaringgan ng pangit kanina. I have hurt her, okay?”

“Bakit? Totoo naman, ah. Kung hindi ba naman flirt ang babaeng ‘yon, hindi sana niya ipinangangalandakan ang pagkagusto niya sa iyo. Ibang klase talaga.”

“Enough,” mahina pero mariing wika niya.

“Magsasalita ako hangga’t gusto ko. Lalo pa at boyfriend na kita ngayon. Subukan lang ng Michelle na ‘yan na landiin ka pa, makikita niya ang hinahanap niya. Pasalamat ka na nasagot na kita bago ko nabalitaan ang nangyari noong Sabado. But I don’t blame you for teaching her a lesson. Akala niya, lahat ng lalaking magustuhan niya, makukuha niya.”

Walang nagawa si Migo kung hindi magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Matagal na niyang inaasam ang pagsagot sa kanya ni Sarah pero bakit parang may emptiness siyang nararamdaman ngayon samantalang matagal-tagal na rin niya itong niligawan? He should be happy but he was not. Hindi niya maintindihan kung bakit.

Pangalawang araw pa lang ngayon ng relasyon nila pero may mga negatibong bagay na siya agad na nakita sa nobya. Aminado siyang magmula nang lumipat siya sa St. Patrick University ay nagbago na siya sa pakikitungo sa mga babae. Kung noon sa San Beda College ay naging mapaglaro siya, kinalimutan na niya iyon. If he played around with liberated girls then, he had a paradigm shift in choosing a woman to be with.

He wanted reserved girls. Kaya nga natipuhan agad niya si Elyza dahil sa pinong kilos at pananalita nito. Nang basted-in siya ni Elyza ay nabaling ang atensiyon niya kay Sarah na ipinakilala sa kanya ng isang common friend nila. Medyo natagalan nga lang ang pagsagot nito sa kanya dahil hiniling nito na tuwiran niyang sabihan si Michelle na tigilan na siya.

He did as Sarah said pero lihim niyang pinagsisihan ang kanyang ginawang pananakit sa damdamin ni Michelle. He thought he was very ungentle for doing that. To think na kaklase niya ito at kasamahan pa sa SPUDS.

At saka bakit bumabalik-balik sa alaala niya ang mga kakulitan nito. Ayaw niya ng makulit at madaldal. Ayaw niya ng outspoken at masyadong magaslaw pero bakit hinahanap-hanap niya ngayon ang gawi nito? Kagabi ay hindi niya napigilan ang sariling magbukas ng Facebook account. Gusto sana niyang magpadala ng private message dito para humingi ng sorry pero naduwag siya. He searched her name in his friends’ list pero wala na ito roon. Nang hanapin niya ang pangalan nito ay naka-private setting na ang account nito at hindi na niya puwedeng i-browse.

Napahiya na siyang magpadala ng mensahe kahit alam niyang matatanggap naman nito iyon kahit wala na siya sa friends’ list nito. Magpapalipas muna siya ng ilang panahon bago humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa.

Inagaw ni Sarah ang atensiyon niya. “Babe, ayokong mababalitaan na nakikipag-usap ka sa babaeng ‘yon ha?”

“Whoa! Why?” kunot-noong tanong niya.

“Kailangan mo pa bang itanong ‘yon?”

Jesus! His new girlfriend was beginning to annoy him. “I don’t think kakausapin pa niya ako after what happened last Saturday.” He wondered why there was a pang of frustration in his heart.

“Good pero mabuti na ang nakakasiguro. Iwasan mo na siya.”

Hindi siya sumagot.

Sarah leaned to him. “Can you promise me that, Babe?”

Para huwag nang humaba ang usapan, tumango na lang siya. Gayunma’y ayaw maalis ng tanong sa kanyang isip. Bakit hindi siya masaya?

HINDI naging madali para kay Michelle ang mga sumunod na araw. It was really an struggle seeing Migo everyday. Mahirap mag-pretend na okay lang siya. Mahirap magkunwaring masaya.  Mahirap dumaldal at makipagtawanan sa mga kaklase at kaibigan habang lihim na nagdurugo ang kanyang puso. Kapag nagsasalita ito ay hindi niya mapigilan ang sariling mapalingon.

Bukas, Sabado, ay may meeting ang SPUDS. Nakapag-decide na siyang magbitiw bilang miyembro ng society. Sinadya niyang magtungo sa SPUDS headquarters kaninang walang tao roon. Ipinatong niya ang sobre sa in-coming tray sa table ni Migo.

Magko-concentrate na lang siya sa SPU Gazette kung saan isa siyang regular literary contributor. Sasali rin siya sa Drama Guild para maging mas busy siya nang sa gayon ay wala siyang panahon para isipin pa ang nangyari.

Sa bahay nila ay hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata at matinding pakiramdam ng kanyang mga magulang at mga kapatid ang pinagdadaanan niya.

“Bunso, may sakit ka ba?” puna ng Kuya Ben niya. Panganay nila ito.

Umiling siya “Wala.”

Sumingit ang Kuya Abel niya. “Oo nga. Nakakapanibago. Walang makulit at malakas magsalita.”

“Yeah right,” pakli ni Joe, ang pangatlo at sinundan niya. “Anong magandang hangin ang tumama sa iyo at tahimik ka lately? Sana huwag nang mawala ang magandang hangin para lagi kang ganyan.”

Napatingin siya sa mommy at daddy niya na napapangiti sa usapan ng tatlong kapatid niya. “Mommy…Dad…sina Kuya…nakakainis.” Kunwa’y pumadyak siya. Ganoon siya palagi kapag gusto niyang kampihan siya agad ng parents nila.

Saka lang sinaway ng daddy niya ang mga ito. “Tumigil kayo. Walang sakit ang bunso natin. Siguro, in love kaya gano’n.”

“Ehhhhh…naman eh…” Para siyang batang sumimangot.  Sumulyap siya sa kanyang ina. Tanging dito lang niya nasabi ang nangyari noong isang Sabado. Pinangako niya itong huwag sasabihin sa mga barako nilang kasama dahil siguradong asar-talo siya lalo na sa kanyang mga kuya. Siyempre’y hindi detalyado ang kuwento niya. Alam naman ng mommy niya na matagal na niyang crush si Migo. Basta ang sinabi niya ay kinausap siya ni Migo na tigilan na ito. That simple. Hindi niya sinabing hinalikan siya ng lalaki.

Naggalit-galitan ang mommy niya. “Magsikain na lang kayo. Kapag makulit ang bunso ninyong kapatid, inaasar ninyo. Kapag tahimik, ganoon din. Saan pa siya lulugar? Ha?!”

Hihirit pa sana si Ben pero sinaway na ito ng mommy niya.

“Ang makulit, hindi kakain ng ginawang fruit salad na ginawa ni Michelle kanina,” nakangiting banta ng ginang.

Saka lang tumahimik ang mga ito.

Totoong gumawa siya ng fruit salad kanina pagkarating niya mula sa campus. Ayaw kasi niyang magkaroon ng idle time para walang chance na maisip niya si Migo. Bukas, dahil hindi siya a-attend ng meeting SPUDS at nag-resign na siya, magbi-bake siya ng cookies. Baka manood din siya ng sine kasama sina Elyza, Shiela, Lerma at iba pa nilang kabarkada. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakalabas as a group. Mamaya ay mag-gu-group chat sila para sa confirmation kung itutuloy nila ang balak. Isang paraan na rin iyon para lumipas ang oras niya na hindi masyadong nag-iisip.

Pagkatapos ng hapunan ay nagtuloy siya agad sa kuwarto. Hindi na siya nakisali sa paglalaro ng scrabble na nakasanayan nilang gawing magkakapatid pagkakatapos ng hapunan. Wala siya sa mood makipagkulitan sa mga kuya niya.

Agad na nagbukas siya ng laptop at tiningnan kung naka-online na ang kanyang mga kaibigan. They created a closed group for the circle of friends only. Doon sila nagtsi-tsika-han ng mga sekreto nila pero una pa lang ay hiniling na niya sa mga ito na huwag nang babanggitin sa chat ang anumang tungkol kay Migo.

Ganoon din ang request ni Elyza noong ito naman ang kasalukuyang nagdadamdam sa heart ache na idinulot dito ni Atty. Gil. It was good she had good friends who were always there if she needed them.

Maya-maya pa’y ka-chat na niya ang mga kaibigan. A date was set tomorrow at three in the afternoon. Napagkasunduan nilang manood ng sine at mag-malling.

Kahit paano ay nakakaluwag ng dibdib kapag may matatapat na kaibigan na handang magpasaya sa kanya kapag nadi-depress siya. Hindi naman tamang magmumukmok na lang siya dahil sa heartache na idinulot ni Migo sa kanya.

It was not yet the end of the world. Pasasaan ba’t mahahanap din niya ang right guy para sa kanya pero ipinangako na niya sa sariling hindi na siya ang mangungunang magparamdam sa lalaki. She had learned the lessons the hard way.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bubbly Girl (Chapter 4)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.