NAYAKAP NI JAM si Jesse nang magmulat ito ng mga mata. Napaiyak siya.
“Para naman akong namatay sa iyak mo na ‘yan, Jam. I’m fine.”
Sinuntok niya ito sa dibdib na kinaigik naman nito. “Fine, fine, ka d’yan! Halos mamatay ka na nga!”
“So are you worried for me, Jam?” may pilyong ngiti na tanong nito.
Umingos siya. “Hindi ka pa nakakabayad ng renta! ‘Yon kamo ang inaalala ko.”
Napatawa naman ito. Umupo na rin ito. She gasped when he cupped her face.
“Are you alright? Hindi ka ba natamaan kanina? Did I scare you?”
“Ano ka ba! Ikaw itong tinamaan ng bala, hindi naman ako. Pero oo, halos mamatay ako sa takot kanina! Ni hindi naman ako expert mag-drive. Mabuti na lang tinuruan ako ni Zai mag—”
Hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi dahil bigla ay tinanggal nito ang maiinit na palad na kumukulong sa mukha niya. Nag-iba rin ang timpla ng mukha nito. Nakagat niya ang labi nang ma-realize kung bakit.
“Do you really have to always drag Zai’s name?”
Nangangamoy selos. “Ine-explain ko lang naman. Baka kasi magtaka ka na marunong ako mag-drive.”
“Isang sabi mo pa talaga ng Zai, Jam, I will really kiss you.”
Bakit parang gusto niya itong hamunin? “Ah si Zai…”
Mabilis itong nakadukwang sa kanya. “Sinusubukan mo talaga ako, woman.”
Bago pa siya makasagot ay naitikom na nito ng mga labi niya sa isang halik. She closed her eyes. Dapat ay hindi niya iyon tugunin. Ang dami-rami pa niyang agam-agam. Pero wala, eh. Tuso ang mga labi niya, ipinagkanulo siya.
And oh, heaven! It was still the same feeling that she felt when his lips brushed on hers for the first time. His lips were like crests of waves kissing the shoreline. She was the shoreline – that even how many times she refuses to be kissed by him – wala siyang magawa kundi ang magpahalik sa alon.
She couldn’t believe that she was touching him, drawing him closer to her. It was the kind of kiss she never knew she needed.
Then they both gasped for air when their lips parted. Idinikit pa nito ang noo sa kanya. “Never ever do that again, Jam. You might have died.”
She could feel her heart raging from her chest. “C-Can you tell me who you really are now?” she asked, struggling to breath.
Dumistansiya ito sa kanya. “I’m sorry that I have to lie. I have to hid my identity for this special mission.”
“So, what are you? A police? A military? Special agent?”
Nakita niyang napangiti ito sa sunud-sunod niyang pag-usisa. “I am a detective, Jam. My family owns a detective agency which works primarily with the government. We’re actually a secret agency hired by the government.
“Our current mission was the shocking disappearance of Senator—”
“Senator Pia Arguelles? Anak niya iyong iniligtas natin kanina?”
Tumango ito. “Yes. And it happened na ang asawa niya ang nang-hostage sa anak niya. The child is not his, kaya wala sa kanya ng ginawa niya.”
“But I don’t get it,” turan niya. “Bakit niya iho-hostage ang bata?”
“For the ransom money. We found out na mahilig mag-casino si Eduardo Arguelles. Nalubog sa utang. Ang sabi niya kay Senator, magtatayo ng business – pero hindi pumayag si Senator Pia. Kaya naisip niyang i-hostage ang anak to get money from her wife.”
Napailing-iling siya sa nalaman. “Kawawa naman ‘yong bata.”
“And Jam… my true name is Vladimir Jesimiel Mikhailov.”
Tunog yayamanin! Parang gusto niya yata mahiya s kung anu-anong naisip niya rito dati.
“They used to call me Vlad, and for some, Boss Grey because of my eyes. And Jesse, only for you.”
Bakit parang iba ang dating niyon? Pinamulahan siy ng mga pisngi.
“So you’re not really a chef?” naalala niya.
“I’m not, but I own chain of restaurants.”
Er, talagang mayaman pala! Naalangan tuloy siya bigla sa sarili. “Is there anything else that I should know? Like perhaps, baka may asawa ka na pala.”
Natawa ito. “I’m single, Jam. I’m available, only for you.”
Fire rose from her cheeks. “Puro ka kalokohan!”
Lumapit ito sa kanya. “Let’s try it, Jam. Okay lang sa akin kung hindi mo pa kayang lagyan ng label.”
“Wouldn’t it be unfair for you? At sa yaman at pangalan na meron ka, alam kong maraming babae d’yan ang naghihintay sa ‘yo. Tapos ako, paghihintayin kita. Would that be okay with you?”
“I like you, Jam. I don’t want anyone else.”
At bakit parang kinilig yata siya ro’n?
Day 7
“I STILL HAVE A DAY and I like to consume it.”
Wala ng nagawa si Jam nang doon pa rin tumuloy ang binata sa bahay niya. Ano kayang bahay ang meron ito? Baka mala-palasyo pagkatapos ang bahay ng Auntie niya, bagaman maayos at maganda rin naman, pero mukhang wala iyong panama sa bahay nito.
“What are you thinking?”
“Kung gaano ka kayaman,” pag-amin niya.
Napangiti ito. “If I tell you I’m a billionaire, would you be living with me?”
Napamaang siya rito. “Ano ko, manggagantso? Hindi naman kita pinatuloy rito para lang sa pera na makukuha ko sa ‘yo, ‘no!”
“I know, I know…” Napakislot siya nang yumakap ito mula sa likuran niya. “Walang dapat ika-insecure, Jam. I’m still the Jesse you know.”
“Eh, bakit may pagyakap?”
“I think I need a hug to fully recover.”
She sneered. “Para-paraan lang ka ‘mo.”
“I have bought a condo just nearby this area. What if, sa akin ka na lang tumira?”
Tinanggal niya ang mga brasong nakapalibot sa kanya at saka pumihit paharap dito. “At bakit ko ‘yon gagawin? May bahay naman ako.”
“Okay, so I’ll just stay here.”
“Nag-usap na tayo diyan, Jesse, ‘di ba?”
“You want start anew, right? Plus, may mga tsismosa na na alam ang istorya mo rito, what about you just live in my condo?”
Magaling talaga itong iisip ng dahilan, eh. Pati tuloy siya napaisip sa sinabi nito.
“Payag ka na ba?”
“Pag-iisipan ko. Kapag nalaman nila nanay ‘to, baka masinturon ako.”
“I’ll go ask for their permission.”
“Ewan ko sa ‘yo, Jesse! Ang mabuti pa, kaysa kung anu-ano ang naiisip mong gawin, tulungan mo na lang ako kung ano ang magandang puwesto sa dalawa.”
Gumawi siya sa laptop at umupo sa swivel chair, saka niya ipinakita rito ang dalawang puwesto na ch-in-eck niya nang nakaraan.
Lumapit ito. Nahigit pa niya ang hininga nang pumuwesto uli ito sa likuran niya. She could feel his breath against her skin.
“This one is way better.”
Napatingin siya sa itinuro nito. Nang titingnan niya sana ito ay nagulat na lang siya nang halikan nito nang mabilis ang pisngi niya!
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Hokage moves hahaha da best ka jesse