“NAKA-MOVE on na talaga siya sa `min,” malungkot na sabi ni Greg sa kaibigang si Ella.
“I told you dati pa,`diba? Ikaw lang naman ang ayaw bumitiw sa kanya, Greggy.” Umupo pa ito sa tabi niya.
Muling inabot ni Greg ang kanyang cellphone kung saan screen ang mukha ng dating kasintahan.
“Pero mahal ko siya.” Muli niyang ininom ang natitirang laman ng bote.
“Alam mo, lasing na lasing ka na. Tigilan mo na `to. Sinisira mo ang buhay mo. My gosh, Greggy, you have to move on!” Inagaw ni Ella ang bote.
“Akala niya kasi hindi siya importante sa `kin, Ella. Hindi niya alam na sobrang mahalaga siya. Hindi lang naman siya ang nasaktan, ah. Ako rin. Sumuko siya sa `min. Iniwan niya `ko. `Diba dapat ang lahat ng pinagdadaanan n’yo, dalawa kayong haharap? Pero siya, minabuti niyang mawalan kami ng communication. Pinutol niya ang lahat sa `min.” Sino ang nagsabing hindi umiiyak ang mga tunay na lalaki? Ilang beses na bang umiyak si Greg? Nang ma-injure siya ay tuluyan na siyang hindi nakabalik sa paglalaro dahil wala nang team ang nag-offer sa kanya ng panibagong kontrata. Nawalan na nga siya ng girlfriend, nawalan pa siya ng career.
“Hindi pwedeng ganito ka na lang, Greggy. Kung gusto mong magkaayos kayo, ayusin mo rin ang buhay mo.” Nalulungkot rin si Ella para sa kaibigang matalik. Minsan nga ay sinisisi niya ang sarili kung bakit ito nasira. Alam niyang hindi siya mahihindian ni Greg kapag malungkot siya at kailangan niya ng karamay sa mga pinagdadaanan niya sa buhay. Nabale-wala tuloy ang feelings ng girlfriend nito noon at nangyari pa ang gabing hindi nila malilimutan pareho.
“I have to go,” deklara ni Greg.
“What? You’re drunk, saan ka naman pupunta?” Tarantang hinabol ni Ella ang kaibigan.
“Greggy, ako na ang magda-drive, please, baka madisgrasya tayo.”
Pero walang pakialam si Greg. Nais niyang puntahan si Dorothy sa restaurant nito, dahil sa dati nitong address ay wala nang nakatira, ang huli niyang balita ay ibinebenta na ito ng mga magulang ng dating kasintahan.
Marahas na ipinarada niya ang sasakyan sa harapan ng kainan at deretso siyang pumasok sa loob kasunod si Ella.
“Si Dorothy?” tanong niya sa isang waiter doon.
“Ah, sir, magsasarado na po kami,” alanganing sagot nito.
Pilit naming hinihila ni Ella si Greg palabas dahil alam niyang walang mangyayaring mabuti sa pagpunta nito ng nakainom.
“Dorothy, mag-usap tayo!” malakas na sigaw ni Greg.
“Ay, Sir, tatawag na po kami ng security kapag po nanggulo kayo,” sabi ng isa pang waiter.
“Kakausapin ko lang siya!” muli niyang sigaw.
“Greggy, stop. Let’s go!” pag-awat muli ni Ella sa kanya.
“What’s going on?” Lumabas si Dorothy sa kanyang opisina pero nanlaki ang mata niya sa nakita.
Napaatras siya nang lumakad si Greg palapit sa kanya.
“Kausapin mo `ko, mag-usap tayo,” deklara nito at hinila siyang muli papasok ng opisina. Nakasunod parin si Ella.
“Anong ginagawa mo rito? You have to leave. You’re not welcome here,” malamig na sabi ni Dorothy at pumunta sa kanyang table upang kunwari ay ayusin ang gamit. Kailangan niya iyong gawin para itago ang pagkabulabog ng kanyang sistema sa hindi inaasahang paghaharap nila ni Greg.
“Thy, I’m sorry,”pagsusumamo ni Greg.
“You’re drunk! Talk to me when you’re sober.” Hindi man lang tumingin si Dorothy sa binata.
“Please, forgive me. I still love you, Babe.”
At yumakap pa ito sa kanya. Agad naman itong itinulak ni Dorothy.
“Tell me, Greg, tell me! Paano kita papatawarin ha? You chose that bitch over me.” Itinuro niya ang nakatayo sa gilid na si Ella “You chose to hurt me kaya nangyari ang lahat ng ito. You’re too late. Hanggang sa pagtulog ko hinahabol ako ng pangyayari na `yon.”
“Dorothy, please. Please let’s start over again. I promise, I will protect you this time. Mahal kita. Mahal na mahal,” pagmamakaawa pa nito.
“Manhid na ko, Greg, sobrang manhid na. Ang natitira na lang sa `kin ngayon ay `yong mga bangungot na dinanas ko sa kamay ng mga demonyong `yon. At lahat ng iyon ay dahil sa`yo. Pinabayaan mo ako. And now you’re asking for forgiveness? I don’t know kung kaya kong ibigay `yon sa`yo. Maybe, maybe someday kapag wala na ang sakit kapag kaya ko nang… kaya ko nang kalimutan ang masamang bangungot na ito.” Nag-unahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na mukha ni Paulo.
“What are you doing here?” duro nitokay Greg at nagmamadaling lumapit kay Dorothy.
“Don’t mind him, Pau, paalis na rin sila,” sabini Dorothy at inakay na palabas si Paulo.
“Fuck you, Paulo! Ahas ka, eh,” sigaw ni Greg.
“Greggy, stop. Please, let’s go.” Pilit na inaawat ito ni Ella dahil lumalapit na sa dalawa.
“Shut up!” sigaw niya kay Ella at hinawi niya ang kamay nito.
“Dude, tigilan mo na ang girlfriend ko,” medyo kalamadong sabi ni Paulo.
Nakita ni Dorothy kung paano nanlaki ang mga mata ni Greg at kung paano ito nasaktan base sa hitsura nito.
“Kayo na? So kayo na?” pagak pa itong tumawa at pinipigilan ang luha.
“Ano ba’ng problema mo, ha? Pupunta ka dito para lang manggulo?” Tuluyan nang napikon si Paulo at itinulak ito nang malakas. Dahil sa kalasingan ay natumba si Greg.
Agad naman itong dinaluhan ng kaibigan.
“Pau!” awat ni Dorothy dahil susugurin na dapat ito ni Paulo.
“Let’s go. Bago ko pa masapak `yan. Get a life, man!” At tinalikuran siya ni Paulo na hawak sa kamay si Dorothy.
“Ella, ang sakit… ang sakit-sakit,” sabi ni Greg nang alalayan siya ng kaibigan upang tumayo.
“Greggy, umuwi na tayo, please…”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Its okay greg if the real score here is ahhh basta basa nalang baka nga its too late na talaga hahaha