“SO PIPIRMAHAN mo ba ang kontrata?” untag ng manager kay Gregory habang binabasa niya ang bagong kontratang ibinibigay sa kanya ng Philippine Tigers.
“Are you sure about this, Ma’am?” muli niyang tanong.
Hindi siya makapaniwalang pinapabalik uli siya ng dati niyang team.
“Yes, we’re sure pero isang season lang muna `yan, Patriarcas. Para ma-renew ka uli, you have to prove to us na maganda na uli ang laro mo.”
Lumawak ang ngiti ni Gregory.Ito na ang simula ng kanyang pagbabalik sa laro.Ilang araw rin siyang nagmukmok matapos ang nangyari sa restaurant ng kanyang ex-girlfriend hanggang sa pinuntahan siya ng kaibigang si Gabriel at sinabi ang magandang balita.
“Thank you very much, Maam!” Hindi siya makapaniwala na makakabalik na siya uli sa paglalaro. Matagal rin siyang natengga dahil sa injury at sa pagpapabaya niya.
Matapos magkamayan ay lumabas na siya ng opisina at doon ay sinalubong siya ng kanyang kaibigan.
“Congrats, dude!” Nakipag-apir pa sa kanya si Gabriel.
“Salamat ,Gab. Alam kong ikaw ang kumausap sa manager sa tulong ni Nanah.” Tumango lang si Gabriel sa kanya at nagpunta na sila sa court upang makita ang iba pang manlalaro.
Pagpasok niya ay agad niyang natanaw si Nathan na nagdi-dribble ng bola. Tiningnan siya nito at nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya at ibinato ang bola.
“Welcome back, Bro,” bati nito. Agad naman niyang idrinibol ang bola at nag-shoot sa ring.
Nakilaro na rin ang dati niya pang mga kasamahan, pero may isang taong hindi natutuwa sa kanyang pagbabalik.Si Paulo.Pinasahan niya ito ng bola pero tinabig lang nito at umalis.
“Don’t mind him, dude,” sabi ni Gabriel at nakipaglaro na sa kanila.
Sa ngayon ay kuntento na si Gregory. Tama na siguro ang mga nangyari. May kasalanan siya kay Dorothy noon at napagdusahan na niya iyon nang matagal na panahon. Siguro nga ay tama si Dorothy. Kailangan nilang lumayo sa isa’t isa dahil masyadong masakit ang nangyari sa kanila.
“He’s with the team again.” Bakas sa boses ni Paulo ang pagkairita.
“Who?” patay-malisyang tanong ni Dorothy kahit alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.
“Gregory,” maiksing sagot nito at isinubo ang pasta.
Tumango lang siya at nanahimik. Nasa loob sila ng kanyang opisina. Nagulat na nga lang siya nang biglang pumunta si Paulo sa kanya habang nasa kusina siya ng resto at tumutulong sa pagluluto.
“Thy, hindi ako komportableng kasama siya,” sabi nito sabay buntong-hininga.
“Just ignore him, Pau,” sabi niya rito.
“How? Alam kong mahal ka pa niya at naiinis ako kasi kung manonood ka ng laro ko, makikita mo rin siya,” naiiling na sabi nito.
“Pau, please break na kami.” Iyon na lang ang kanyang nasagot.
“I love you, Thy.” Hinawakan nito ang kanyang kamay.
“Thank you.” Napayuko siya nang makita niya ang hitsura ni Paulo. Nasaktan ito.
Bakit nga ba hindi niya masabing mahal niya rin ang bagong kasintahan? Batid niyang mahal na mahal siya nito. Ito man din ay may espesyal nang pwesto sa kanyang puso pero batid niyang hindi ito tulad ng pagmamahal niya kay Greg noon.
“Mahal kita, Thy. I’m always here for you. No matter what happens. Maghihintay ako hanggang sabihin mong mahal mo na rin ako gaya ng pagmamahal ko sa`yo. Ang importante, akin ka. Magkasama tayo.” Yumakap pa ito sa kanya.
Hindi malaman ni Dorothy kung ano ang isasagot. Masyado siyang nahihiya rito. Noong sinagot niya si Paulo, ang akala niya ay ayos na. Na magiging masaya na siya uli pero nang muling makaharap ang dating nobyo, bumukas nanaman ang sugat ng nakaraan. At alam niyang mahal niya pa ito.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at niyakap rin nang mahigpit si Paulo.
Sana, Pau, huwag dumating ang panahon na masasaktan kita. Ayoko. Napakaswerte ko dahil lagi kang nandiyan at tanggap mo ang mga pinagdaanan ko. Sana pwede ko na lang turuan ang puso ko.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Di kasi sagot ang rebound sa pusong sugatan pa so that’s it walang bawasan ng denaro kapag gusto sumigaw hahaha ang hirap di nasasabi yung gusto mo sabihin at icomment pero wala e limitado mga salita na dapat gamitin dito 😝