Whatever It Takes to Love You (Chapter 24)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

BISPERAS ng kapistahan ni San Isidro. Ang lahat ay abala sa kanya-kanyang gawain. Si Mrs. Guanzon ay nasa likod-bahay at doon nagpapalitson katuwang ang ilang kalalakihang kamag-anak ni Mr. Guanzon. Si Matteo naman ay nagkakabit ng lona sa labas ng kusina kung saan ang ilang matatanda ay naghihiwa ng mga rekado para sa mga putaheng iluluto. May nagkakatay ng manok at naghihiwa ng mga gulay at karne. Sila naman ni Mikaela ay katuwang niya sa pag-aayos ng mga bulaklak at pag-skirt sa mahabang mesang gagamitin sa paghahain mamaya.

Habang abala sa ginagawa ay hindi maiwasan ni Sharina ang mapangiti. Pakiramdam niya ay totoong kapamilya siya ng mga Guanzon. She just wondered how it would feel to be one of them.

‘Hon, ang mga bata, natutulog na ba?’

‘Yes, hon. Ikaw, gusto mo na rin bang matulog?’

“Sha? Hoy, gising, Sha!”

Tila siya namatandang napatingin kay Mikaela. Hindi niya namalayang lumilipad pala ang isip niya kung saan. Ang nakakatawa lang, kasama ng isip niya sa paglipad ang kapatid nitong si Matteo. “Ah, sorry. May naisip lang ako.”

“Nami-miss mo na ba ang mama mo? Don’t worry, malapit n tayong umuwi. Saka mag-e-enjoy ka naman today, promise.”

Sinikap na lang niyang ngitian ang sinabing iyon ni Mikaela. Sakto namang papalapit ang kapatid nitong si Matteo at awtomatikong pumintig nang pagkabilis-bilis ang puso niya. Pinakiramdaman niya ang sarili kung naiinis pa rin siya rito pero wala na iyon. Ang bilis naman yatang makalimot sa pagtatampo ng puso niya.

“Merienda muna kayo,” anito sabay baba ng tray na may isang pitsel ng buko juice, bibingka, mga baso, platito at kutsara.

“Salamat,” kimi niyang sabi. “Mukhang ang sarap niyan ah.”

“Siyempre naman. Gawa ‘yan ni Lola Maria, Sharina.”

“Teka, teka, ano itong nasasaksihan ko? Kahapon pa kayo ha!” singit ni Mik-mik sabay hawi sa braso ng kuya nitong nakapagitan sa kanila. “Okay na talaga kayo? As in okay na kayong dalawa?”

Nagkatinginan sila ni Matteo at sabay na napangiti.

“Juice colored, okay na nga sila!” Si Mik-mik ulit sabay tili nang impit. Napatigil lang ito nang malakas na sumigaw mula sa malayo ang mama nito at itinanong kung napapano ang bunso nitong anak. Napatawa sila ni Matteo bago tinugon ng lalaki ang tanong ng ina.

“Hindi ako makapaniwala. Ang aso at pusa ng taon, nagkasundo na,” bulalas pa rin ng manghang-manghang si Mikaela. “Pero teka, narinig kong sinabi mo ang pangalan ni Lola Maria, Kuya. Ibig sabihin ba nito, kilala na ni Sharina si Rosa Rosal?”

Nang itanong niya kung bakit iyon ang tawag ng kaibigan sa matanda ay natawa siya sa naging sagot nito. Mahilig daw kasing maghalaman ang matanda bukod pa sa kahawig ng mga mata nito ang mga mata ng naturang aktres.

“What! Ipinakilala mo si Sharina kay Lola?” malakas pa rin nitong sabi habang namimilog ang mga mata.

Napakunot ang noo niya sa tanong na iyon ng kaibigan. “Bakit parang gulat na gulat ka? May problema ba doon, Mik?”

“Wala naman. Naalala ko lang ‘yung sinabi ni Lola noon ay Kuya na—”

“Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo, Sha. Naghihintay ang buko juice at bibingka,” putol ng lalaki sa sinasabi ng kapatid. Nabaling dito ang tingin niya at sa hawak nitong platito na ngayon ay nilalagyan na nito ng isang slice ng bibingka. “Tawag ka nga pala ni Mama sa loob, Mikaela. Pumasok ka muna doon,” baling nito sa kapatid.

Nakairap pero tatawa-tawang tumalikod si Mikaela at pumasok sa kabahayan kung saan naroon ang mama nito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa harutan ng magkapatid.

“Ganyan ba talaga kayong magkapatid?” tanong niya sa lalaki nang mapag-isa na sila nito.

Tumango ito at saka ngumiti. “Pilya talaga ‘yang kapatid ko, sobrang kulit.”

“Oo nga, pero akala ko kasi…”

“Ano’ng akala mo?” tanong nito nang putulin niya ang sinasabi.

“Akala ko, masungit ka sa kanya talaga. I never thought you were this close to each other.”

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Matteo. Nang salubungin niya ng tingin ang mga mata nito ay nakita niya ang kislap sa mga iyon. Agad niyang inilayo ang paningin sa takot na mahalata ng lalaki ang nasa loob niya.

“Panganay ako at bunso siya pero magkasundo kaming dalawa. Kaya lang, ibang kaso kasi ‘yung tungkol sa pag-uwi niya rito noon. I know she had been avoiding our father. It’s a long story, Sha. One day, I’ll tell you everything about that.”

Sa simpleng sinabing iyon ni Matteo ay kinilig na siya. Ang isiping muli silang magkukuwentuhan nito, kahit kailan pa ang one day na iyon ay nagpapasaya na sa kalooban niya. Now she had something to look forward to.

“Tungkol nga pala sa nangyari kahapon, parang napansin kong nainis ka. Hindi ko alam kung bakit.”

“Hindi naman. Pagod lang ako kahapon,” maagap niyang tugon.

Marahan namang napatango ang lalaki. “I’ve known Derek since childhood. Kababata siya ni Mikaela. He’s a nice boy, I think.”

‘Aray…’ daing ng puso niya. Ibinubuyo ba talaga siya ni Matteo sa iba?

“Kung sakaling manligaw siya sa’yo, do you think you’ll get to like him?”

Nagkibit siya ng ng balikat. “Hindi ko alam but like what you said, he’s nice. So baka…baka hindi, baka oo. Ewan.”

Saglit na namagitan sa kanilang dalawang ang katahimikan. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig kasabay ng pag-iingay ng mga taong abalang-abala sa paligid.

“Siya nga pala, puwede mo ba akong samahan mamaya sa bayan? May inuutos si Mama, bibili yata ng buko. I was just wondering if you want to come.”

“Of course,” napabilis niyang sagot na agad din niyang lihim na pinagsisihan. Natural ay hindi rin naman niya gustong isipin ng kaharap na gustong-gusto niya itong kasama—kahit pa nga totoo naman iyon. “Gusto ko sanang i-enjoy lahat ng experiences dito sa province niyo. I’m really glad I came here,” maagap naman niyang sabi na sinuklian ni ngiti ni Matteo.

Sa loob ng ilang segundo ay tila naka-plaster lang ang ngiti nila sa kanya-kanyang mga labi. Pakiwari niya ay saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundo at kontento na siya sa mga sandaling iyon. Pero may kung anong anasan sa paligid na nagpabalik sa kanya mula sa mundo ng pantasya.

Halos sabay pa silang napalingon ni Matteo sa pinanggagalingan ng ingay. Napatayo ang katabi at gayon rin siya. Nang sundan niya ng tingin ang tinatanaw nito ay nakita niya ang isang lalaking nasa mahigit singkuwente ang edad. Papasok ito sa bakuran at ang sasakyan nitong itim ay nakahimpil sa harap ng tarangkahang bakal ng propriedad ng mga Guanzon.

“Papa…” narinig ni Sharinang anas ni Matteo.

‘So this was the father…Mr. Antonio Guanzon,’ she thought.

“PAPA! Kuya Aven!” sigaw ni Mikaela na kapwa nagpalingon sa kanila ni Sharina. Patakbo pa itong lumapit sa ama at isa nilang kapatid, hinagkan ang mga ito sa pisngi at kapwa niyakap. Habang siya naman ay tila napagkit sa kanyang kinatatayuan. Hindi alam ang gagawin.

Nakita niyang saglit na nagseryoso ang anyo ng ama habang nakatunghay sa anak, ngunit agad ding lumambot ang ekpresyon nito nang magsimulang maglambing si Mikaela. Sa kanya kaya, ganoon din kadaling magbabago ang loob nito?

Nang magyakap ang mag-ama ay nakita niyang nagpunas ng mga mata ang mama niya. Saglit niyang inilayo ang paningin sa mga ito at hinamig ang sarili. He was also getting emotional. Hindi niya maiwasan ang maalala ang mga pagtatalong namagitan sa kanila ng kanyang ama.

Pagkuwa’y lumakad na ang mag-ama papasok sa kabahayan habang ang mga naroon ay tila nanonood sa nasaksihang eksena. Mga nakangiti at masaya para sa dalawa. At nang sa wakas ay dumaan ito sa tapat niya ay bigla itong napatigil. Huling-huli niya ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang papa habang nakatingin sa kanya. Nabura ang malapad nitong pagkakangiti at napalitan iyon ng pagkalamig-lamig na eskspresyon. Ngayon ay seryosong muli ang anyo nito habang hinahayon ng tingin ang kanyang kabuuan.

“Aba, may bisita pala tayo, Marina. Kumusta naman ang negosyante ng Maynila, ha?” malakas nitong sabi.

Hindi siya kumibo pero nakipagtitigan sa ama. Dagli siyang nakaramdam ng sakit ng kalooban, higit pa sa pagkapahiyang hatid ng sinabing iyon ng ama sa gitna ng maraming tao. Sa bagay, sanay naman na siya sa ugali nitong iyon kahit noong paslit pa siya. Sasabihin nito ang nais kahit ano at kahit sino pa ang kaharap nito.

Nang sa pakiwari ni Matteo ay hindi na niya kayang tagalan ang titig ng ama ay nagyuko siya ng ulo. Noon niya naramdaman ang marahang paghawak ni Sharina sa kanyang braso. Napalingon siya rito.

“At sino naman itong kasama mo, Matteo? Huwag mong sabihing nag-asawa ka—”

“Papa, she’s my friend. Si Sharina po ‘yan,” salo ni Mikaela sa dapat ay sasabihin niya. Nakita niyang naging pormal ang anyo ng ama nang sa wari ay mapahiya ito sa inasal. But he was the type who didn’t know how to apologize. He was sure he wouldn’t.

Nagkibit lamang ito ng balikat at muli nang naglakad papasok kaagapay ang kanyang ina at si Mikaela. Si Aven naman ay yumakap sa kanya at saglit na nakipagkuwentuhan. Dito niya pormal na ipinakilala si Mikaela bilang kaibigan ni Sharina.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Whatever It Takes to Love You (Chapter 24)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?