ALAS–SINGKO pa lang ng madaling-araw ay marami na ang dumating na miyembro ng SPUDS. Sa harapan ng St. Patrick University ang meeting place. They would have to leave at exactly five thirty. Isa sa naituro sa kanila ni Atty. Gil ay ang pagiging disiplinado. Ang sinumang hindi dumating sa takdang-oras ay iiwanan.
Sampung minuto na lang ang nalalabing palugit sa oras. Apat na lang ang miyembrong hinihintay nila. Panay ang sulyap ni Migo sa relong pambisig. Wala pa si Michelle. He was hoping against hope na dumating ito. Alam niyang hindi magiging kumpleto ang outing na iyon kung hindi ito makakasama.
Hindi na siya nakatiis. Nilapitan niya si Elyza habang kausap ang ibang babaeng miyembro.
“Hi, Elyza. Ahm…si…si Michelle ba hindi nag-text o tumawag sa iyo?” tanong niya. “Sigurado bang darating siya?”
“We talked last night. Sabi niya darating siya. At saka di ba, nag-sorry ka na sa kanya kaya I’m sure tutupad siya sa napagkasunduan,” nakangiting sagot nito. “Why?”
“W—wala naman. Magpa-five thirty na kasi.”
“I’ll call her. Itatanong ko kung nasaan na siya. Sabi ko kasi sa bahay na matulog kagabi para sabay na lang kami. Magpapahatid na lang daw siya sa kuya niya.”
Gusto nang matawa ni Migo sa sarili sa sobrang tensiyon na nararamdaman habang tinatawagan ni Elyza si Michelle. She should come. Hindi magiging masaya ang lakad kung wala ito and she should come on time. Hindi niya puwedeng baliin ang rule kapag na-late ito. Nakita niyang dumating na ang tatlo pa nilang hinihintay.
“Hindi sumasagot,” naiiling na sabi ni Elyza.
Muling sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Last two minutes and they would leave. Nilalamon na ng lungkot ang kanyang puso. “Baka…baka hindi talaga siya sasama,” aniya. Baka galit pa rin ito sa kanya. Hindi na sila muling nagkalapit magmula nang mag-public apology siya rito noong Huwebes. Halata niya ang pag-iwas pa rin nito.
Pumalakpak siya. “Get on your respective van guys. We’ll be leaving in a minute,” aniya. Mabigat man sa dibdib ay kailangan niyang sundin ang rule of discipline. Hinarap niya si Elyza. “Maluwag naman sa van mo, sa iyo na lang ako sasabay. Puwede?”
“Sure. Hindi na talaga natin hihintayin si Chelle?”
“Rule is rule.” Luminga pa rin siya. He was still hoping that Michelle would come. Subalit ni anino nito ay wala. “We’ll travel in convoy,” aniya. “Let’s go!”
Lima lang ang sakay ng van ni Elyza. Si Jun ang leader sa unang van. Sinadya ni Migo na sa pinakahulihan maupo. Wala siyang ganang makipag-usap ngayong sigurado na siyang naisahan lang siya ni Michelle. Pinahingi siya nito ng public apology pero hindi naman pala ito sasama.
Nagmamarkulyo ang kanyang kalooban. Solo niya ang panghulihang upuan. Pumikit siya ng mariin para mawala ang pagkaunsiyaming nararamdaman.
“PATAY ako. Naiwan ako ng grupo. My God, Kuya…nakaalis na sila!” Nagtatatarang si Michelle. Ayon sa guard ay wala pang limang minutong nakakaalis ang tatlong van. Alam naman niyang alas singko ‘y medya ang departure time. Dapat sana’y maaga silang makakarating doon kung hindi sila dumaan sa gasoline station dahil hindi napansin ng Kuya Ben niya na malapit na palang ma-empty ang gasoline ng kotse nito. Hindi naman niya matawagan si Elyza dahil sa naiwan niya ang kanyang cellphone sa sobrang pagmamadali kanina. Wala ring dalang cellphone ang kuya niya. Gusto na niyang mapaiyak. “Kuya…paano na?”
“Get in. Hahabulin natin sila. I’m sure, hindi pa sila nakakalayo. Bilis na!”
Mabilis siyang sumakay. Malayo-layo na ang natatakbo nila pero ni hindi niya natatanaw ang tatlong van. “Baka iba ang way na dinaanan nila,” nag-aalalang sabi niya.
“Ano ka ba? Isa lang ang way papuntang Maynila at Batangas. Puwede ba, easy ka lang diyan. Ako ang bahala. Fasten your seatbelt and just enjoy the ride.” Pagkasabi niyon ay pinasibad ng kanyang Kuya Ben ang kotse nito.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Lihim din siyang nagdadasal na maabutan nila ang mga ka-grupo niya.
“Sila ba ‘yon?” tanong ni Ben.
Nabuhayan siya ng loob nang makita ang kulay asul na Mercedez Van nina Elyza. Kabisado niya pati ang plate number niyon. Pumitlag ang kanyang puso. “That’s it! Sila nga ‘yon. Ang galing mo Kuya. Isa kang dakilang transporter.”
Mas binilisan pa ni Ben ang pagpapatakbo hanggang sa nakaagapay ito sa van saka ito bumusina nang bumusina.
Nakahinga nang maluwag si Michelle ng huminto ang van. Huminto rin ang dalawang nasa unahan ng mga ito. Nagbabaan ang ilang sakay sa tatlong van nang makita siya. Nagpalakpakan at nagsigawan pa ang mga ito.
Michelle showed her old self to the group. Ikinaway niya ang kanyang dalawang kamay nang makababa siya ng kotse at nag-flying kiss sa mga ito. “I did it guys! I did it!” Kumembot-kembot pa siya. Wala naman sa mga bumaba si Migo. Siguradong nasa unahang van ito kaya okay lang na nagpaka-kengkoy siya sa mga dating kasamahan na inakala niyang hindi na muling makakasama pa.
Bumaba si Elyza sa van. “Ano ka ba naman, Bhez! Kailan ka pa naging pagong at na-late ka? I was calling you,” anito bago binati si Ben. “Hi Kuya!”
Naibaba na ni Ben ang malaki niyang travelling bag. “My fault. Kinailangan kong dumaan sa gasoline station para magpakarga ng gasolina. Naiwan naman ni Bunso ang cellphone niya. Anyway, she’s here. Bahala na kayo sa makulit na ‘yan, ha? Huwag mong hahayaan ‘yan na makipag-boyfriend,” biro pa nito.
Tumawa si Elyza. “Ako’ng bahala, Kuya Ben.”
“Nagbago na ako Kuya,” sabi niya. “I’m not the flirty type anymore.” Niyakap nito ang kapatid. “Thanks a lot for making it, Transporter.” Inagaw niya ang bag dito. “Ba-bye na. Tell Mom and Dad, I’ll be fine.”
“May seat pa ba ako d’yan?” tanong niya kay Elyza nang palapit na sila sa van nito.
“Maluwag ang van ko. Lima lang kami. ‘Yong driver lang, ako at tatlong members. I’m occupying the front seat.”
“Ay, I want to stay at the back seat para makatulog ako ng bonggang-bongga. Napuyat ako kagabi.”
“Yep. No worries. You can stay at the back seat all you want,” tuwang-tuwang sabi nito.
Binati niya ang dalawang SPUDS members na nasa gitnang upuan. Bitbit ang kanyang bag ay napatda siya nang may umabot niyon sa panghulihang upuan kasabay ng malakas na pagdagundong ng tibok ng kanyang puso.
Si Migo!
His eyes were smiling. “I’m…I’m glad you made it,” anito.
Napalingon siya sa dalawang babae sa gitna na parehong kinikilig. Mukhang may hang-over pa rin ang mga ito sa ginawa ni Migo noong Huwebes na talaga namang blockbuster hit sa mga estudyante. Pagkuwa’y napatingin siya kay Elyza.
“Maupo ka na, Bhez at nauna na ang dalawang van. Baka maiwan tayo ng convoy. Malayo ang Batangas.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




