Too Late (Chapter 14)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

MALAKAS na tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang laro. Nanalo ang Tigers laban sa Eagles.Maganda ang ipinakita ng mga manlalaro para sa season na ito.Naging maayos ang laro ni Gregory.

“Good job, guys, may kainan mamaya kina manager,” anunsyo ni Nathan sa mga kasamahan na nakikipagkamay sa kalabang kuponan.

“Wow. That’s great!” sabi naman ni Gabriel.

Masayang tiningnan ni Gregory ang mga ka-team. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakapaglaro siya uli ng basketball at kasama niya uli ang matatalik na kaibigan.

“Greg, sama ka mamaya, ah,” tapik sa kanya ni Gab.

“Oo naman,” tango niya.

Naglalakad na sila ngayon papasok sa quarters upang makapagpahinga at makapagpalit ng damit.

“Akala ko, hindi ka nanaman makakasama eh. Hindi na pwede ngayon `yon, dude. Tapos na `yong season,” sabi ni Gabriel na pinupunasan ang pawis.

“Alam mo naman kung bakit hindi ako nakakasama no’ng nakaraan, `diba?” pabulong na sabi niya sa kaibigan.

Tumango lang ito.

Iniiwasan niyang sumama sa mga kasiyahan ng team dahil alam niyang hindi sila komportable ni Paulo sa presensiya ng isa’t isa.

“Uy, mamaya, ha. Una na muna `ko.” Matapos makapag-ayos ni Nathan ay nagmamadali na itong makauwi.

Kumaway lang ang iba pang manlalaro at nagtanguan.

“Enough. I don’t want to hear it, Thy. I’m so fucking tired. Bye.”

Napalingon si Greg nang marinig niya ang may kalakasang boses ni Paulo.Kausap nito sa cellphone si Dorothy.Hindi niya maiwasang mainis. Kaya nga ba nagmamadaling pumasok si Paulo sa quarters upang makuha ang cellphone at awayin lang ang dalaga.Nakita niyang nakatingin sa kanya ang kaibigang si Gabriel at umiling ito. Ibig sabihin ay huwag siyang makialam.

Huminga na lang siya nang malalim at inayos na rin ang sarili.

“CONGRATULATIONS, boys!” nagsipag-cheers ang mga basketbolista kasama ang kanilang manager, coach at iba pang staff.

Maraming tao ngayon at ang buong Tigers ay masaya dahil sa panalo ngayong season.Itinanghal na MVP ang kanyang kaibigang si Gabriel at masaya si Gregory para dito.Ang lahat ay kasama ang kani-kanilang pamilya at girlfriend. Pero siya ay nag-iisa lang.Nakaramdam siya ng kakulangan.

Habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan, siya naman ay kumuha ng makakain at maiinom. Pumwesto siya sa tagong bahagi ng lugar. Hindi niya maiwasang maging loner.

“Wala si Pau, ah.”

Nagulat siya nang tumabi sa kanya si Gabriel at may dala ring alak.

“Oo nga,`no.” Pasimpleng inilibot niya ang paningin sa paligid.

“Nagagalit nga si Manager, eh. Kasi dapat kompleto tayo. Dude, panalo tayo kaya dapat mag-celebrate.” Napakasaya ng boses ni Gabriel.

“Talagang dapat mag-celebrate. MVP ka, Dude,” at nag-cheers pa sila.

“Ikakasal na `ko next year,” biglang anunsyo ng kanyang kaibigan.

Napatingin naman siya sa girlfriend nitong may kausap na babae sa hindi kalayuan.

“Shit! Congratz, Gab.” Naiiling man si Gregory ay masaya talaga siya para sa kaibigan.

“Ikaw, ano’ng plano mo?” biglang tanong nito sa kanya.

“Ako? Actually, hindi ko alam,” sagot niya at nagkibit-balikat.

“Umaasa ka pa ba?” tanong nanaman ni Gab.

“Ano ba, dude? Wala na `yon.” Umiwas siya ng tingin.

“Kilala kita, Greg. Sabibin mo na sa `kin. Magkaibigan tayo.” Inakbayan pa siya nito.

Humugot naman siya ng isang malalim na buntong-hininga. Naisip niyang wala namang masama kung magsabi siya ng tunay na nararamdaman.

“You know what Dude? I always thought that there was something what you called second chance.” Nakita niyang tumango lang si Gabriel kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita “Naisip ko rin na masarap ipaglaban ang isang tao, `yong tipong babawiin mo siya uli. Tapos in the end kayo uli at may happy ending.”

“Fuck ang drama, ah,” biro ni Gabriel sa kanya at itinaas pa nito ang hawak na alak.

Pero nagsalita siyang muli.

“But when I was sitting here alone. Ang bigat ng dibdib ko. Naisip ko `yong pag-asa ko pala, `yong inaasam kong pangalawang pagkakataon, malabo. Kasinungalingan lang. I realized na wala palang maganda sa pagpapatuloy ng plano ko noon na habol-habulin si Dorothy at patuloy na kumbinsihing kaya namin ituloy `yong sa `min. Tapos mamahalin niya ko uli. Mapapatawad.” Matapos magsalita ay nilagok niya ang alak.

“Greg, fight for the fairytale. Maniwala ka, it does exist,” makahulugang sabi ni Gab.

“Malabo na yata. Pero alam mo, hindi nagbago nararamdaman ko, eh. I still love her.” Nangiti na lang si Greg nang mapait.

“Then say it all to her, bago ka maubusan ng oras. Say it before it’s too late. Say what you’re feeling. Kasi, alam mo, waiting is a mistake. Gusto mo bang balang araw habulin ka ng mga ‘what ifs’ mo?” Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan.

“Pero ayaw ko na manggulo.”

“Sa narinig mo kanina, palagay mo, masaya ba si Paulo? Masaya ba si Dorothy? If you ask me, I don’t think so. I care for Pau. Kaibigan natin siya. Pero palagay ko, hindi sila magiging masaya. Hindi siya ganoon kamahal ni Dorothy,” sabi pa ni Gab.

Tila nagkaroon ng pag-asa si Gregory.

“For the last time, Greg. Kausapin mo si Dorothy. Hindi ka naman mamimilit eh. Hindi ka mang gugulo. Maayos na closure lang.” Tumayo na ito iniwan siyang mag-isa at nag-iisip.

Nakita niyang nilapitan nito ang kasintahan at mahigpit na niyakap. Kaya naman nakapagdesisyon na siya.Dapat nga yata niyang kausapin si Dorothy, hindi man para magkaayos sila. Pero para hindi dumating `yong panahon na mag-iisip siya ng mga ‘what ifs’.

Maingay ang tugtugin. Pero mas dinig niya ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya sa mga maaring mangyari kung magkausap sila.Muli na lang niyang ininom ang alak. Napangiti siya. Dati siyang nalulong sa pag-inom nito. Nakakaadik.

Napatawa siya nang mahina nang tumugtog ang Dessert song. Talaga nga naman. Naisip niya si Dorothy. Mahilig mag bake. Lahat ng bagay ay nagpapaalala sa kanya tungkol dito.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Too Late (Chapter 14)

One Response

  1. Grabe magmahal ang taong tunay kung umibig pero may mga bagay2 na dapat bigyan importansiya para di mangyari ang too late na sinasabi so next chap na🥺 naiiyak ako

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.