The Second Mrs. Guillermo (Chapter 15)
WARNING: This chapter contains sexual content and content unsuitable for people under the age of 18. KADILIMAN ang unang bumungad kay Elysse nang marahan niyang buksan ang pinto ng kuwarto ni Carson. Tinig ng kanyang Ate Elizabeth ang kaagad na narinig nang siyaʼy makapasok na sa silid. Masayang tinig na noong nabubuhay pa ito. […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 14)
PAGKATAPOS ng matagal at mapusok na halik na pinagsaluhan nila ni Carlo ay inilayo na rin ni Celestine ang sarili mula rito. Maarteng hinampas ni Celestine ang dibdib ng binata. “Hindi mo dapat ginagawa iyon,” tukoy niya sa biglang paghalik nito sa kanya sa sariling opisina. “Bakit? Tayong dalawa lang naman ang nandito, ah. Malabong […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 13)
HABANG abala si Elysse sa pagdidilig ng halaman ay hindi mawala sa isipan ng dalaga ang naganap na sagutan sa pagitan nila ni Carson kagabi. Isang malaking rebelasyon kasi ang nalaman niya mula sa lalaki bagay na napakahirap para sa kanya na paniwalaan. Muling naalala ni Elysse ang eksena sa dashcam ni Mojo. Naalala niyang […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 12)
KUMILOS si Elysse para isalang sa laptop ang microchip. Nang tuluyang mabuksan ang nilalaman ng chip, hindi na napigilan ng dalaga ang maluha nang marinig ang masaya at masiglang boses ng kapatid. Hindi niya nakikita kung ano ang nagaganap dahil nakatutok ang camera sa labas ng kotse. Tanging ang tinig lamang nito na kausap siya […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 10)
“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson. May hawak itong isang puting portfolio. Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom. Ang alam niya ay matalik na kaibigan ito ni Carson. Kung kailan iyon nagsimula ay hindi niya alam. Ito rin ang tumawag kanina […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 9)
PAGDATING sa bahay ni Carson ay kaagad nang isinalang ni Elysse ang dalang ulam sa microwave oven upang initin. Pagkatapos, ang mesa naman ang kanyang inasikaso. Ngunit kaagad rin siyang tumigil sa ginagawa. Sa tingin ba ni Elysse ay mapapalabas niya ng silid ang lalaki at dudulog sa hapag nang ganoon ang sitwasyon nito? Bumuntong […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 8)
“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.” Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 7)
PAGBABA niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng police officer na siya ring tumawag sa kanya. “Nasaan po siya?” tukoy niya sa bangkay. “Sumunod po kayo sa akin,” saad nito kasabay ng pagpapatiuna sa paglalakad. Humantong sila sa isang silid at nasa gitna ang isang mesang siguradong kinalalagyan ng bangkay. Natatakpan iyon ng puting […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 6)
ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis […]
The Second Mrs. Guillermo (Chapter 5)
“MANANG Selma, ang ate po? May dala akong oranges, paborito niya,” sabi ni Elysse sa punong mayordoma ng pamamahay ng mag-asawang Guillermo. Tanghali na nang mga oras na iyon at naisipan niyang bisitahin at kumustahin ang nakatatandang kapatid na si Elizabeth. Matagal na ang huling beses na nakasama at naka-bonding ang kapatid mula nang magpakasal […]